Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
sa panulat ni Mae Ellen M. Brimon
Sa bawat araw na lumilipas
Unti-unting nawawala ang kalikasang pumapagaspas
Ang kagandang dati rati'y nakahahalina
Ngayon ay tila basurang itinapon na
Kung ang ating kalikasan ay napapabayaan
Anupa't ang ating wika ay malapit nang malimutan
Napakarami na sa atin ang nahahalina sa wikang banyaga
Ngunit hindi ba nila batid ang biyayang taglay ng ating sariling wika?
Atensiyon at wagas na pagmamahal ang siyang kailangan
Upang ang wika at kalikasan ay ating matulungan
Presensiya nila'y mahalaga sa ating buhay
dahil sila'y ating pag-asang tunay
No comments:
Post a Comment