“TRU LAB”
Joyce Anne Calma
Tapon dito! Tapon doon!
Nagkalat ang basura sa’n man naroon
Tingin sa magkabilang panig sabay tapon
Kalat na iniwa’y hindi man lang nilingon
Nagtutumpukan sa isang sulok ng kanto
Yun pala’y pinagtsitsismisan buhay ng ibang tao
Kahit pilipit na dila “Ay tink dey shud go”
Tila nalimot na ang wikang Filipino
Kung nakapagsasalita lamang ang wika at kalikasan
Marahil tanong nila’y “Ba’t mo ako pinabayaan?”
O ‘di kaya’y sumisigaw “Wag mo akong saktan!”
Maari rin naming “Sana’y ‘di mo ako kalimutan.”
Pagmamahal ay kailangan, pagmamahal na walang hanggan
Ang magliligtas sa wika maging sa kalikasan
Tila yelo sa katigasan at manhid nating kamalayan
Sana’y apoy na mag-alab upang kaligtasa’y makamtan
Dahil sa ating wika ay nagkakaintindihan
Tayo nama’y nabubuhay dahil sa ating kalikasan
Wika at kalikasan, malaki ang katulungan
Pagmamahal na wagas and dapat na kasuklian
Mga puno at halaman, hindi ba natin sila mahal?
Mga ilog at karagatan, hindi ba natin sila mahal?
Wikang ating kinamulatan, hindi ba natin mahal?
Baka dumating ang araw na tayo na ang ‘di mahal.
Hindi naman masama ang mag-apgreyd ng sarili
Na manalita ng ingles kahit kakaunti
Tanging hiling ko bilang wika’y ‘wag kalimutan.
Manatiling pundasyon sa puso’t isipan ninuman.
No comments:
Post a Comment