Lazada

Saturday, September 25, 2010

MAGPAKATOTOO KA

MAGPAKATOTOO KA
ni Joyce Jetomo



"Pagod na 'ko!"



Sawang sawa na sa buhay na nakasanayan at nakagisnan, ayaw ko na ng ganito.



'wag ka mag-alala hindi lang naman ako basta nilalang na nabubuhay dito sa mundo na puno ng gulo at pagkukunwari. Hindi mo inaasahan na sasabihin ko ito kasi iba ang nakikita mo sa mga kilos ko. Oo, malimit mo ako makikitang nakatambay dyan sa tabi-tabi, patawa-tawa,palaging masaya, isip-bata, pero mali ka. Kasi hindi naman nalilimitahan ng pisikal na anyo ang tunay na nararamdaman ng isang tao.



Eto ako ngayon, eto ang totoong ako. Hindi na ako ang taong nakilala mo at nakagawian ko. 'di mo ako masisisi, 'di ba? Eh, sa ngayon ko lang rin nakikita ang sarili ko sa ganitong kalagayan. Pero masaya ako kahit na nasasaktan ako, kahit medyo mahirap. Ang dami ko ngang natutunan sa mga panahong ito. Kahit 'di nasusuklian ang pagtingin at pagtatanging alay ko. Syempre, hindi naman ako naniningil. Mahirap ang umasa kaya mananatili na lamang ako sa pagkabilanggo ng paghanga. Pero hindi ako bilanggo ng sarili ko. Hindi ako natatakot na ilabas ang nakukubling ako. Hindi mo nga lang siguro halata, kasi mukhang magulo ang pagkatao ko, pero hindi ka magtataka 'pag nakilala mo ako. Magaling lang sigurong prente ang mga kilos at pananalita ko. Magulo. Nakakalito.



Hindi ko pa rin naman sinasarhan ang posibilidad na magmahal ng"straight". Kahit papaano lalaki pa rin naman ang katauhan ko. Natatakot ka sa akin? Bakit? Tao naman ako. Normal lang 'to (para sa mga taong nakakaunawa sa mga katulad ko) Ewan ko lang sa iyo.

Bakit, sino ba sila para sundin ko ang mga gusto nila? Saka wala naman ako'ng ginagawang masama kung ganito man ako. Hindi naman masamang humanga sa kapwa ko. Ang sa akin lang, naging totoo ako sa sarili ko. Hindi tulad ng iba na pilit nabubuhay sa pagbabalat-kayo. Takot ilantad ang tunay na pagkatao.



Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang katotohanan sa likod ng mga kadenang kumbensyon at paniniwala ng makalumang panahon.

Payo ko lang, huwag mo'ng hayaang maging bilanggo ka rin. Magpakatotoo ka.



Tama na ang pagtatago, lumabas ka, magpakita, magparamdam. Kung gusto mo isigaw mo o iiyak o kaya'y itawa mo.

Kung saan ka masaya, sige lang ituloy mo. Basta tiyakin mo lang na hindi kamakakasagabal at makakasagasa ng ibang tao.

No comments:

Post a Comment