Lazada

Saturday, September 25, 2010

Kristal at Bulak

Kristal at Bulak
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan

Ikaw ba ay isang kristal o isang bulak?

Ihalintulad natin ang dalawang ito sa tao. Ang kristal ay ang mga lalaki at ang bulak naman ang mga babae. Noong nagkaklase kami sa Ethics, biglang nagtanong ang aming propesor kung ano ang mas katanggap-tanggap sa ating lipunan. Ang mambabae o manlalaki? At ang lahat ng sagot ay mambabae. Siguro, ito ay sa kadahilanang sobrang malinis ang tingin ng mga tao sa kababaihan. Ang bulak kapag nalagyan ng mga burak ay magbabago na ang anyo nito. At kahit ano pang gawin upang linisin ito ay hindi na ito maibabalik sa dati. Pero ang kristal kapag nilagyann ng burak ay hindi padin magbabago ang anyo nito kapag nilinis. Iyan ang malaking pagkakaiba ng kristal at ng bulak.

Kaya't para sa mga kababaihan, ingatan ang sarili. Hindi lamang dahil sa malinis ang tingin sa atin ng lipunan kundi ito ay para respetuhin tayo ng mga taong nakapaligid sa atin.

At sa mga kalalakihan naman, hindi dahil lamang sa kayo'y mga kristal ay may karapatan na kayong manloko. Nararapat padin na mahalin niyo ng buo ang nag-iisang babae sa inyong buhay.

Maging kristal ka man o isang bulak, nararapat lamang na maging tapat sa ating minamahal.

No comments:

Post a Comment