Sa Wika at Kalikasan Ihandog Natin ay Pagmamahal
Gerald Paragas
Wika’y nagbabago, nag-iibang anyo.
Lalong napapabuti at lumalago.
Sa pag-unlad natin sumasabay ito.
Ngunit hanngang saan ang pagmamahal mo?
Kalikasa’y tunay at sadyang iba na.
Napapabuti nga ba o lumalala?
Umuunlad tayo ngunit ito’y hindi.
Sa mga palahaw nila’y para tayong bingi.
Mahal natin ang wika, ito’y totoo.
ngunit sa huli ‘di ako sigurado.
Hindi lang wika ang dapat mahalin.
Kalikasan sana’y bigyan rin ng pansin.
Bakit hindi gamitin mahal mong wika?
sa ikakabuti ng yaman ng bansa.
Tunkuling ng wika iyong napamalas
at halaga ng kalikasa’y nabakas.
Sana’y magtagal handog mong pagmamahal
nang lalong bumuti wika’t kalikasan.
Lumamang man ang isa sa pagmamahal
huwag mo lang pabayaan ang alinman.
No comments:
Post a Comment