Sa Tawag ng Kadiliman
(sa panulat ni Lyka Dianne Flores)
Poot ko sa iyo ay sukdulan na
Hindi ko alam kung ikaw ay mapapatawad pa
Sa mga katarantaduhan na iyong ginawa
Mabuti pa sigurong ika'y mamatay na.
Wala ka ng ginawang tama
Halos lahat ng tao sa paligid mo ay puno na
Tanging hiling lamang sa'yo ay ang magbago ka
Pero nasaan na? Mamumuti na ang mga uwak ay wala pa.
Hindi ko na kayang tiisin ang lahat ng ito
Mga paghihirap na dinaranas dahil sa pag-uugali mo
Sa makitid mong utak wala ng itutungo
Pagpapaliwanag para din sa ikabubuti mo.
Laman ng aking panalangin ay palaging ikaw
Kay Bathala ikaw ay aking pinagmamakaawa
Ngunit sa tingin ko ay hanggang dito na lang
Makulong man sa gagawin ay wala ng pakialam.
Sa makalawa, bukas o kahit mamaya
Ako at ang talim sa aking kamay ay handa na
Ito ay isang maliit lamang na sakripisyo
Para sa iyo, kapatid ko.
Ang tunay na pagsasakripisyo, gagawin mo para sa kabutihan ng iba. Hindi para sa sarili mong kabutihan.
ReplyDelete