Wika - Tagapagtanggol ng Kailikasan
sa panulat ni Majar Laika Panes
Katulad ng sanggol na saya ng bahay
Na mabubuhay lang, sa piling ni inay
Katulad ng bunsong ali ang ibinibigay
Sa gitna ng pait, dala mo'y bagong buhay
Katulad ng inang ilaw ng pamilya
Nag-aalaga ka, noon at sa twina
Dugo't pawis kung magbigay, katulad ka ni ama
Na magtataguyod, magtatanggol pagdaka
Kawangis mo'y pamilyang puno ng pagmamahal
Bigay mo'y liwanag sa mga naliligaw
Bigay mo'y kalinga sa walang tahanan
Marami'ng bigay mo mahal na kalikasan
Ngunit tulad kong tao ang sisira sayo
ang kintal ng yong buhay, mawawala maglalaho
Sa tulong mong bigay, alay nmi'y di buho
mamamatay kang bigla, at di na mabubuo
Gawa ang naglagim, wika ang tutulong
Siyang iyong pananggalang at tagapagtanggol
kung mababahagi lang sa tulad kong ulupong
marapat alagaan kalikasa'y iusbong
kaya ikaw hudas sumabay ka sa agos
magbago kang bigla, mag-isip ng lubos
si inang kalikasang matagal ng hikahos
alagaa't isalba, ang lahi mong nauubos
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMaganda ang tula at ipinapaalam nito na ang wika ay isang napakahalagang baga. bagamat hindi gumamit ng sukat ang gumawa sa kanyang paggawa pero kung ito ay malayang tula okay lang.
ReplyDelete-Krista Perez BSA1-36