Pinoy nga naman!
sa panulat ni Christina Alpad
Sa paglitaw ng hostage-taking crisis sa Maynila,
Pilipinas nanama'y naging bida
Ngunit hindi dahil tayo'y gumawa ng tama
Kundi dahil tayo'y nagmukha daw tanga.
Pinaabot ng halos kalahating araw,
Ang pagsagip na sana'y ginawa bago pa lumubog ang araw
Ang mga pulis na dapat ay mabilis
Hayun at nagpraktis-praktis.
Ngunit ang praktis ay napanis
Nang humarap sa tunay na pagsusulit
Sugod, wait, atras takbo
Taktikang ginamit ng mga pulis sa nag-aamok na tao
Pagbasag ng salamin ay palpak
Maso ay palaging nadudulas
Kaya pinto na lang ang pinagdiskitahan
Ngunit manipis na taling putol ang kinabagsakan
Saksi ang buong mundo
Salamat sa mga mamamahayag na ayon sa pulis ay nakikigulo
At dahil may mga usisero
Hindi maiwasang may isang tinamaan ng bala sa malayo
Sunod-sunod na palitan ng putok,
At mga tao sa bus ay natigok
Pati ang hostage-taker ay bagsak
Sa pagtatapos ng gabing puno ng dahas
Ngayon ay gumagawa sila ng imbestigasyon
Ngunit para sa akin ay iba ang kanilang layon
Maghusgas kamay at ituro ang iba
Upang ang sisi ay di mabaling sa kanila.
Pinoy nga naman o!
Hindi pa rin nagbabago
Kailan kaya tayo matututo?
Sana ay huli na ito.
Kailan kaya tayo mababalita
Hindi sa kadahilanang tayo'y nasalanta
O may napatay na banyaga
Kundi sa kadahilanang tayo'y may nagawang maganda.
Sana malapit na.
astig huh ang galing ng pagkakagawa...nakakalungkot isipin ang nangyari. ^^ -F. SEVA JR. BLIS 2-1
ReplyDelete....hi, ako po si Jonel,nag-aaral sa PUP, gusto ko lang pong sabihin na nagustuhan ko po ang inyong akda tungkol sa hostage taking na naganap dito sa atin,nagustuhan ko din po ang konsepto na nais ninyong ipabatid sa mga mambabasa ng mga tula dito, sana po ay patuloy kayong gumawa ng mga ganitong uri ng mga sulatin mula sa kabataan para sa kabataan, wag po sana kayong magsawa sa paggawa ng ganitong uri ng makabuluhang bagay...upang maka-inspire di lamang sa mga tulad nating mag-aaral ngunit higit, sa ating kapwa.,,..sana ako din,:)
ReplyDeleteHindi na malinaw sa akin ang mga nangyari sa hostage taking na ito suballit sa mga pamilyang namatayan, marahil ay bangungot pa rin ito. Talaga namang may pagkukulang. Pagtuturuan ay walang magagawa. Kahit nga "sorry," wala na ring magagawa. Magsilbi na lang sana itong aral para sa lahat upang hindi na maulit pa.
ReplyDelete