"Takatak"
sa panulat ni Romina A. Ramos
Dumadagundong; ang banta’y umaalulong,
Nariyan na pala ang bughaw na ulupong.
Tinatahak ang pasilyong nilulumot,
Nang-aamba at nananakot.
Karga ang bata; karga ang benta.
Dadalhin mga yosi’t kendi, magpapalamig muna.
Saan sisilong? Saan kukubli?
Kahit ang bata lamang at supot ng kendi.
Mga mata ng aking muwang ay nakatitig sa akin.
“Saan pupunta ang tatay?” patanong n’yang lihim.
Paano kong iiwan ang isang inosente?
Tanging makakasama n’ya ay tig-pipisong bente.
Isang halik sa noo bago pa sumama.
Sa azul na taong nadaan kanina.
Kinabukasan, aking babalikan
Lahing inilayo ng azul na kawatan.
No comments:
Post a Comment