SUNOG NA KILAY
sa panulat ni Mary Ann Jobelle L. Ponce
Lapis at papel
Kanilang dala-dala
Naagsisilbing sandatang
Panlaban nila
Araw-araw libro ay binabasa
Taglay ang kaalaman
At mga gintong aral
Sa bawat pahina
Gabi-gabi’y
Nagsusunog ng kilay
Upang magtagumpay
Sa mithiin nilang tunay
Review dito.Review doon.
Puyat pa sa lahat ng pagkakataon
Lagi nalang ganyan
Sa loob ng apat na taon
Sadyang mahirap
Buhay mag-aaaral
Ngunit kapalit nito’y
Sayang di matatawaran ng anuman.
Maikli ang bawat taludtod pero may laman. Ma-iirelate sa mga estudyante ng PUP na nag-aaral ng mabuti. Lagyan pa sana ng rhyme para mas makakuha ng atensyon pag binasa.
ReplyDelete-Gabriel Lubay BSA 1-36