Lazada

Saturday, September 25, 2010

Ang sa akin lang naman...

Ang sa akin lang naman...
sa panulat ni Richard B. Garcia


Sa buhay sa mga teleserye, pelikula o maging anime hindi nawawala ang mga kontrabida mapa fairytale nga eh nandoon din sila at hindi nawawala.

Teka, teka nga hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa ssisilipin ko na ang buhay sa loob ng isang unibersidad. Bakit kaya ganun? May mga tao na nais ipakita ang kanilang mga hangarin o naisin labas o lampas na sa kanilang limitasyon. “Oo, sige sabihin natin na tama ang hangarin mo, pero tama kaya ang pagaksyon lagpas sa iyong limitasyon? Hmm…

May iba namang paraan eh, ang daanin sa mabuting usapan diba? Pero pano kung hindi madaan sa mabuting usapan, dadaanin sa santong paspasan?

“Hay naku ang gulo!”

Pero… pero sandali lang, di ba kapag tayo ay pumapasok sa isang unibersidad ibig sabihin pumapasok tayo sa isang ibang kapaligiran na may ibang kapamahalaan ibang awtoridad. At kung hindi magustuhan ang kanilang pamamalakad o ang kanilang pamamahala “bukas naman ang gate maaring lumabas anumang oras mo gustuhin, ayaw mo eh, mabuting umalis na nga lang di ba?”

Kaakibat ng pagpasok sa isang unibersidad… lahat ng mga materyal na bagay katulad ng mga lamesa, upuan at maraming marami pa ay hiram lang natin dahil ang binayaran natin ay ang kanilang serbisyo. Kung ganun, wala tayong karapatan na sirain, babuyin ang mga iyon dahil hindi natin iyon pagmamay-ari bagkus hiram lang natin. Oops! Paalala ito ay sa akin lamang.

Alam nyo kung gusto talaga natin ng kaayusan, simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos.

1 comment:

  1. MACALALAD, Miko B.

    "Simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos."

    Madaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Lahat tayo nais ng kaayusan, ng pagbabago, ngunit hindi natin madalas na nakikita ang ating mga pagkakamali. Bukod sa pahayag na ito, pinahiwatig din ng sumulat ng akdang ito na sa pagpasok natin sa unibersidad, responsibilidad natin na panatilihing maayos ang mga gamit at malinis ang kapaligiran na sa Sintang Paaralan ay mukhang kakaunti lamang na nakaiintindi. Sa tingin ang mga naunang linya ay patungkol sa isang insidente sa isang unibersided kung saan maganda man ang hangarin ng mga mag-aaral, sa isang hindi makatarungang aksyon nila ito ipinahiwatig na nagdulot ng hindi magandang imahe sa unibersided hanggang sa mga panahong ito.

    ReplyDelete