KANDILA, Pilipinas 1521
ni Jomar Ian Calope
Pinipigilan mong ako’y malusaw
Tuwing may nagtatangkang pumukaw,
Sa aking alab na tumatanglaw
Tumatagos hanggang matunaw.
Iniligtas mo na naman ako
Ngunit hindi kayang ipangako
Na buong buhay ko
Ilalaan lang para sayo.
Hindi mo ako kailanman nilisan,
Subalit hindi naman magkasintahan;
Kahit lihim na pagtitinginan
Hindi ko maramdaman.
Paumanhin sa aking kakulangan
Bagamat hindi ko kayang punuan
Sapagkat ako’y sadyang nilikhang
Manhid at walang pakialam.
Naiinis ka na marahil
Sa paulit-ulit na pagpigil
Sa nakatakdang pagkupas
Ng kaluluwa ng lumipas.
Paalam na aking kaibigan
Na sa aki’y nanindigan;
Lihim mong pagtingin
Sa langit ko dadalhin.
habang binabasa ko ito, nakaramdam ako ng kalungkutan.
ReplyDeleteang tao ay maihahambing sa isang kandila...
Hindi habang buhay ay bata, at hindi habang buhay na mananatili sa mundong ibabaw.