YARI KA!
by Maria Kristina V. Dario
Bago umalis ng iyong bahay ay mag isip-isip na muna,
At baka kung "anung meron" sa iyong bag ay makita.
Si Manong guard nasa gate ay nakabantay,
Kung mag-inspek, alikabok lang ang walang latay.
Ang mga tsinelas ay itago na,
Pagkat bawal sa Eskwelehan ang nakalabas ang paa.
Kahit ang tinidor sa iyong baon ay kalimutan na,
At baka ang nangangapa ay matusok pa.
Wag mong kalimutan ilawit ang iyong I.D
Na kung baga sa Diyosa, 'yan ay brilyante.
Iwasan ring magkamali sa pagsuot ng sapatos,
Pagkat kung di 'yan itim, tiyak may babatikos.
Kabi-kabila man ang ipinagbabawal sa atin,
Ay hindi natin dapat babalewalin,
Ang gusto lang naman ng pamunuan, tayo'y maging handa.
Sa tamang pagporma, pagkilos at paggawa.
para kay Ms. Maria Kristina V. Dario, may punto ka po sa iyong tula...nagustuhan ko po ito.
ReplyDeleteMay naalala ako..tungkol sa tulang ito..
may ilang estudyante na naiinis kapag napupuna sila ng guard na walang ID.
ito ay base sa aking obserbasyon.
sa aking opinyon, hindi dapat mainis o sisihin ang mga guard kung ginagawa nila ng tama ang kanilang trabaho.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletesobrang totoo po nitong tula na to.
ReplyDeleteginagawa lang naman ng mga guard ang kanilang tungkulin o trabaho. wala namang masama at wala namang mawawala kung susunod naman tayo.
yun lamang po..