"Takatak"
sa panulat ni Romina A. Ramos
Dumadagundong; ang banta’y umaalulong,
Nariyan na pala ang bughaw na ulupong.
Tinatahak ang pasilyong nilulumot,
Nang-aamba at nananakot.
Karga ang bata; karga ang benta.
Dadalhin mga yosi’t kendi, magpapalamig muna.
Saan sisilong? Saan kukubli?
Kahit ang bata lamang at supot ng kendi.
Mga mata ng aking muwang ay nakatitig sa akin.
“Saan pupunta ang tatay?” patanong n’yang lihim.
Paano kong iiwan ang isang inosente?
Tanging makakasama n’ya ay tig-pipisong bente.
Isang halik sa noo bago pa sumama.
Sa azul na taong nadaan kanina.
Kinabukasan, aking babalikan
Lahing inilayo ng azul na kawatan.
Lazada
Showing posts with label wika. Show all posts

Saturday, September 25, 2010
Pinoy nga naman!
Pinoy nga naman!
sa panulat ni Christina Alpad
Sa paglitaw ng hostage-taking crisis sa Maynila,
Pilipinas nanama'y naging bida
Ngunit hindi dahil tayo'y gumawa ng tama
Kundi dahil tayo'y nagmukha daw tanga.
Pinaabot ng halos kalahating araw,
Ang pagsagip na sana'y ginawa bago pa lumubog ang araw
Ang mga pulis na dapat ay mabilis
Hayun at nagpraktis-praktis.
Ngunit ang praktis ay napanis
Nang humarap sa tunay na pagsusulit
Sugod, wait, atras takbo
Taktikang ginamit ng mga pulis sa nag-aamok na tao
Pagbasag ng salamin ay palpak
Maso ay palaging nadudulas
Kaya pinto na lang ang pinagdiskitahan
Ngunit manipis na taling putol ang kinabagsakan
Saksi ang buong mundo
Salamat sa mga mamamahayag na ayon sa pulis ay nakikigulo
At dahil may mga usisero
Hindi maiwasang may isang tinamaan ng bala sa malayo
Sunod-sunod na palitan ng putok,
At mga tao sa bus ay natigok
Pati ang hostage-taker ay bagsak
Sa pagtatapos ng gabing puno ng dahas
Ngayon ay gumagawa sila ng imbestigasyon
Ngunit para sa akin ay iba ang kanilang layon
Maghusgas kamay at ituro ang iba
Upang ang sisi ay di mabaling sa kanila.
Pinoy nga naman o!
Hindi pa rin nagbabago
Kailan kaya tayo matututo?
Sana ay huli na ito.
Kailan kaya tayo mababalita
Hindi sa kadahilanang tayo'y nasalanta
O may napatay na banyaga
Kundi sa kadahilanang tayo'y may nagawang maganda.
Sana malapit na.

Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
sa panulat ni Mae Ellen M. Brimon
Sa bawat araw na lumilipas
Unti-unting nawawala ang kalikasang pumapagaspas
Ang kagandang dati rati'y nakahahalina
Ngayon ay tila basurang itinapon na
Kung ang ating kalikasan ay napapabayaan
Anupa't ang ating wika ay malapit nang malimutan
Napakarami na sa atin ang nahahalina sa wikang banyaga
Ngunit hindi ba nila batid ang biyayang taglay ng ating sariling wika?
Atensiyon at wagas na pagmamahal ang siyang kailangan
Upang ang wika at kalikasan ay ating matulungan
Presensiya nila'y mahalaga sa ating buhay
dahil sila'y ating pag-asang tunay

Ang sa akin lang naman...
Ang sa akin lang naman...
sa panulat ni Richard B. Garcia
Sa buhay sa mga teleserye, pelikula o maging anime hindi nawawala ang mga kontrabida mapa fairytale nga eh nandoon din sila at hindi nawawala.
Teka, teka nga hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa ssisilipin ko na ang buhay sa loob ng isang unibersidad. Bakit kaya ganun? May mga tao na nais ipakita ang kanilang mga hangarin o naisin labas o lampas na sa kanilang limitasyon. “Oo, sige sabihin natin na tama ang hangarin mo, pero tama kaya ang pagaksyon lagpas sa iyong limitasyon? Hmm…
May iba namang paraan eh, ang daanin sa mabuting usapan diba? Pero pano kung hindi madaan sa mabuting usapan, dadaanin sa santong paspasan?
“Hay naku ang gulo!”
Pero… pero sandali lang, di ba kapag tayo ay pumapasok sa isang unibersidad ibig sabihin pumapasok tayo sa isang ibang kapaligiran na may ibang kapamahalaan ibang awtoridad. At kung hindi magustuhan ang kanilang pamamalakad o ang kanilang pamamahala “bukas naman ang gate maaring lumabas anumang oras mo gustuhin, ayaw mo eh, mabuting umalis na nga lang di ba?”
Kaakibat ng pagpasok sa isang unibersidad… lahat ng mga materyal na bagay katulad ng mga lamesa, upuan at maraming marami pa ay hiram lang natin dahil ang binayaran natin ay ang kanilang serbisyo. Kung ganun, wala tayong karapatan na sirain, babuyin ang mga iyon dahil hindi natin iyon pagmamay-ari bagkus hiram lang natin. Oops! Paalala ito ay sa akin lamang.
Alam nyo kung gusto talaga natin ng kaayusan, simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos.

Awit ng Pusong Ulila
Awit ng Pusong Ulila
sa panulat ni Ashley Lucas
Lumilipad ang mga gigintong yabag
Sa daan kung saan puno ng sanga,
Hinahawi ang tinik gamit ang espada
Mairaos lamang ang pusong kumakanta.
Sa gitna ng san-tatlo ikaw ang nanguna
Ginamit ang kagitingan upang maisalba,
Yaong alay na dama para sa iyong sinisinta
Maparusahan an ng Diyos ng awa.
Haplos mula sa kamay ng isang dosena,
Walang silbi sa pusong nangungulila.
Hitik na bunga mula sa Gresya,
Anupama'y pitik lamang sa uhaw na dila.
Namumutawi ang tanan mong musika
Sa aking mga ugat na tumatalima,
Hinahangad na ikaw ay makita
Bundok man at dagat ay hindi alintana.
Puspos na halimuyak mula sa lawa,
Huni ay ngalan mo ang ginugunita.
Sundot sa napakadilim kong hawla,
Naghihintay ng liwanag mula sa iyong mukha.
Pagnanasa'y umabot na sa kaitaasan,
Ngunit tila ba ating puso'y pinagkaitan.
Dama ko ang pighati at karamdaman,
Dulot ng pag-ibig na sa atin lamang nananahan.
O irog ako'y sadyang nanghihina
Dasal kong sambit ay binalewala,
Marahil tayo'y tuluyan ng tinalikuran
Pinarusahan sa pag-ibig na hindi naman kasalanan.
Hambog at taksil nga'y pinagbibigyan,
Tayo pa kayang umibig lamang sa kariktan?
Ngayo'y humahangos ang aking pusong ulila,
Gigintong yabag pinapangarap na tuluyan ng makuha.

KAPE
KAPE
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Sa pampagising mong taglay
Isip at diwa ko’y buhay
Sa kalaliman ng gabing mapanglaw
Hanggang sa pagsikat ni Haring Araw
Habang iba’y himbing na himbing
Eto ngayon ako’t gising na gising
Handing handa ng tapusin
Binigay ng gurong mga takdang aralin
At sa susunod pa na ika’y kailanganin
Ika’y muli kong titimplahin
At muli mo naming buhayin
Katawang lupa kong himbing na himbing
Salamat sa’yo Kape..Hanggang sa uulitin.

Diskriminasyon
Diskriminasyon
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan
Masaya ngunit mahirap ang buhay irreg. Nakakatuwa dahil marami kang
makikilala at magiging kaibigan. Minsan, sa bawat pagdaan sa lobby ay tila kakilala mo ang lahat ng nandoon at parang walang katapusan ang pagkaway at pagbati. Parang Ms. Congeniality ang dating! Minsan nga'y sa dami ng pangalan ng mga kaklase sa bawat seksyon ay di na matandaan lahat at sa itsura na lamang sila kilala. Masaya din daw ang maging irreg dahil hawak mo ang oras mo at pwede kang makapili ng iskedyul para sa isang semestre. Ikaw, gugustuhin mo din ba maging isang irreg?
Simula ng ako'y lumipat ng kursong Broadcast Communication ay naging isang irreg na din ako. Nararanasan ko ang hirap at saya! Masaya dahil marami ngang kaibigan. Pero hindi lamang puro saya ang buhay irreg. Mas mahirap pala ang maging isang irreg. Sa pag-enrol pa lamang ay nararanasan na namin ang hirap. Dahil sa luma ang sistema na aming ginagamit ay kailangan pa naming gumamit ng tinatawag na ace form para sa mga asignaturang naka-SIS. At sa bawat asignaturang iyon ay kailangan pa naming papirmahan sa mga propesor. Malas namin kung kami'y hindi tinanggap. Lumalagpas ng isang linggo bago namin matapos ang buong proseso. Tiyaga lamang ang kailangan lalu na't madalas wala pa ang mga propesor sa mga unang linggo ng pasukan.
Mahirap din mag-adjust sa iskedyul ng aming mga kaklase. Minsan may mga oras na may pag-eensayo o mga pagpupulong para sa mga pangangailangan sa ibat ibang asignatura. At dahil dito, madalas na hindi sumasakto ang iskedyul namin sa iskedyul ng mga regular na estudyante. Madalas ay ilang oras pa naming kailangan mag-antay sa bakanteng oras nila para sa mga pagpupulong. Iyon ang dahilan kung bakit ang katulad naming irreg ay madalas makita sa lobby, library o computer shop. Iyon ang ilan lamang sa mga maari naming puntahan habang nag-aantay. Kailangan talagang maging magtiyaga.
Pero higit sa lahat, nararanasan din namin ang diskriminsayon. Iba ang tingin samin ng ibang tao. Kapag narinig ang irreg, para kaming isang taong walang lugar para mag-aral. Ang tingin nila'y kami ang mga estudyanteng walang ginawa kundi pumasok sa paaralan at di man lang nag-aaral. Tila kami ang mga estudyanteng walang maidudulot na maganda. Nakakapanliit.
Minsan ay nagkaroon kami ng mga klaseng ayaw nila ng irreg. Ang masakit pa doon ay naranasan namin na kahit isang grupo ay walang gustong tumanggap sa amin para sa requirement sa isang asignatura. Pero hindi nga namin sila masisisi dahil iba-iba ang pananaw ng tao.
Hindi lamang iyon, minsan pa'y mismong guro ang nagparamdam sa amin nito. Napakasakit isipin na yung taong sana'y magbibigay pa sa amin ng lakas para magpatuloy sa kabila ng aming nararanasan diskriminasyon ay siya pa pala mismo ang magpaparamdam nito sa amin. Pero ayos lang dahil ang konting kirot na naramdaman namin sa aming mga puso ay nagbibigay din sa amin ng lakas para patunayan na makakatapos din kami kahit kami'y irreg.
Bawat irreg ay may iba't ibang dahilan kung bakit naging ganito. Hindi pare-parehas ang kwento ng mga irreg. At anu man ang dahilan kung bakit naging isang irreg ang isang tao ay hindi na ganun kahalaga. Ang mahalaga ay makita sa bawat isa na pursigidong mag-aral at makatapos. Irreg man o hindi, pare-parehas lamang na may karapatang mag-aral, makasali sa mga organisasyon at makihalubilo sa mga tao at higit sa lahat, pare-parehas na ESTUDYANTE kaya't parehas lamang din ang mga karapatan.
Nawa'y matutunan ng mga taong nakapaligid sa amin na kami'y tanggapin at ituring na katulad lamang din nilang ESTUDYANTE, isang simpleng estudyanteng gustong matuto at tuparin ang mga pangarap sa buhay.

Isang pag-alala...
Isang pag-alala...
sa panulat ni Joyce Jemoto
Isang gabi natagpuan ko ang aking sariling nag-iisa, sa aking tahimik na silid, hawak ang isang aklat. Malamig ang ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana at ang bilog na buwan ay tila nagpapahiwatig ng isang malungkot na magdamag. Mahaba pa ang gabi, sa wari ko'y hindi pa oras para magpahinga. Minsan gaano man kasaya ang maghapon lalamunin din ng dilim ang matatamis na ngiti at ang maiiwan ay pawang mga bakas na lamang, mga balat ng kendi, basang sapatos, mga alaalang masaya. Maaaring hindi na muling maulit, maaaring iyon na ang huli, maaaring isang araw hahanap-hanapin ko at hindi na muling masusumpungan na tulad ng dati. Minsan masarap din pala ang mag-isa, nakatingala sa kalangitan at minamasdan ang kagandahan ng mga bituin, mag-isa. Sa mga panahong ito, nakatingala ka din kaya sa mga tala kagaya ko? Sa mga sandaling ito naaalala mo rin kaya ang nakaraan at napapangiti ka rin, tulad ko? Marahil hindi, marahil oo. Marahil marami akong hindi alam. Ang tanging alam ko lamang ngayon ay nag-iisa ako, malalim na ang gabi. Minsan masarap din palang umiyak nang mag-isa, maging tunay na ikaw, marupok, mahina, tao lang. Minsan masarap din palang kalimutan na hindi mo kayang sagutin ang lahat ng bagay sa mundo, na hindi mo hawak ang buhay ng iba, na hindi mo kayang paibigin ang lahat ng taong iniibig mo, na wala kang kapangyarihan, ni lakas ng loob... Minsan masarap din palang tanggapin ang reyalidad.
Sa pagkakataong ito, patas ba na alalahanin kita, mahalin ang iyong mga alaala gayong alam ko, wala na ring silbi? Tama ba na lumuha para sa mga maliligayang panahon na kukupas din? Alin ba ang tama?
Alam ko, magkikita tayong muli at hindi kagaya noon. Magkikita tayo, kung saan tayo'y nabago na ng panahon. Hindi na kasing musmos ng dati. Malakas pa ring humalakhak ngunit mas may lalim na ang bawat salita. Matamis pa rin ang mga ngiti sa kabila ng bawat pagkasawi. Mas kilala na kaya natin ang mundo sa mga sandaling iyon? Sana.
Isang gabing malamig ang ihip ng hangin at makinang ang mga bituin, ang buwan ay nagbabadya ng malungkot na magdamag, natagpuan ko ang aking sarili. Mag-isa. Naaalala ko ang anino mo noong isang gabing walang buwan. Hinahanap ang maamo mong mukha kasabay nang pagtugtog ng musika. Mga munting kaligayahan. Mga munting pulot sa mapaiit kong mundo. Mga munting pag-asa sa mga sawing pangako.

Kristal at Bulak
Kristal at Bulak
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan
Ikaw ba ay isang kristal o isang bulak?
Ihalintulad natin ang dalawang ito sa tao. Ang kristal ay ang mga lalaki at ang bulak naman ang mga babae. Noong nagkaklase kami sa Ethics, biglang nagtanong ang aming propesor kung ano ang mas katanggap-tanggap sa ating lipunan. Ang mambabae o manlalaki? At ang lahat ng sagot ay mambabae. Siguro, ito ay sa kadahilanang sobrang malinis ang tingin ng mga tao sa kababaihan. Ang bulak kapag nalagyan ng mga burak ay magbabago na ang anyo nito. At kahit ano pang gawin upang linisin ito ay hindi na ito maibabalik sa dati. Pero ang kristal kapag nilagyann ng burak ay hindi padin magbabago ang anyo nito kapag nilinis. Iyan ang malaking pagkakaiba ng kristal at ng bulak.
Kaya't para sa mga kababaihan, ingatan ang sarili. Hindi lamang dahil sa malinis ang tingin sa atin ng lipunan kundi ito ay para respetuhin tayo ng mga taong nakapaligid sa atin.
At sa mga kalalakihan naman, hindi dahil lamang sa kayo'y mga kristal ay may karapatan na kayong manloko. Nararapat padin na mahalin niyo ng buo ang nag-iisang babae sa inyong buhay.
Maging kristal ka man o isang bulak, nararapat lamang na maging tapat sa ating minamahal.

SUNOG NA KILAY
SUNOG NA KILAY
sa panulat ni Mary Ann Jobelle L. Ponce
Lapis at papel
Kanilang dala-dala
Naagsisilbing sandatang
Panlaban nila
Araw-araw libro ay binabasa
Taglay ang kaalaman
At mga gintong aral
Sa bawat pahina
Gabi-gabi’y
Nagsusunog ng kilay
Upang magtagumpay
Sa mithiin nilang tunay
Review dito.Review doon.
Puyat pa sa lahat ng pagkakataon
Lagi nalang ganyan
Sa loob ng apat na taon
Sadyang mahirap
Buhay mag-aaaral
Ngunit kapalit nito’y
Sayang di matatawaran ng anuman.
sa panulat ni Mary Ann Jobelle L. Ponce
Lapis at papel
Kanilang dala-dala
Naagsisilbing sandatang
Panlaban nila
Araw-araw libro ay binabasa
Taglay ang kaalaman
At mga gintong aral
Sa bawat pahina
Gabi-gabi’y
Nagsusunog ng kilay
Upang magtagumpay
Sa mithiin nilang tunay
Review dito.Review doon.
Puyat pa sa lahat ng pagkakataon
Lagi nalang ganyan
Sa loob ng apat na taon
Sadyang mahirap
Buhay mag-aaaral
Ngunit kapalit nito’y
Sayang di matatawaran ng anuman.
WINDANG
WINDANG
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Haggard na tunay
Ang aking buhay
Sa mga nakalipas na araw
Kaliwa’t kanan
Nakatakdang pasahan
Tila akin ng nalilimutan
Ang salitang magpahinga ka naman
Lalo na ngayon
Nalalapit na ang eksaminasyon
Ang daming kailangang pag-aralan
Kaya lagi nalang puyatan
At walang tulugan
Eye bugs tuloy ay lumalaking lubos
Sa mga gawaing di maubos- ubos
Kailan ba ito matatapos?
Ako’y bangag ng nakagapos
Sa proyektong di ko matapos tapos
Ngunit bumulong ang Diyos,
Sa sakripisyong nagawa
Nararapat ay gantimpala
Kaya ako’y naniniwala
Balang araw,paghihirap ko’y
May patutunguhan rin
Gabi'y nalalapit ng muli
at sa wakas ako’y makakatulog na rin
Ng pagkahimbing himbing.
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Haggard na tunay
Ang aking buhay
Sa mga nakalipas na araw
Kaliwa’t kanan
Nakatakdang pasahan
Tila akin ng nalilimutan
Ang salitang magpahinga ka naman
Lalo na ngayon
Nalalapit na ang eksaminasyon
Ang daming kailangang pag-aralan
Kaya lagi nalang puyatan
At walang tulugan
Eye bugs tuloy ay lumalaking lubos
Sa mga gawaing di maubos- ubos
Kailan ba ito matatapos?
Ako’y bangag ng nakagapos
Sa proyektong di ko matapos tapos
Ngunit bumulong ang Diyos,
Sa sakripisyong nagawa
Nararapat ay gantimpala
Kaya ako’y naniniwala
Balang araw,paghihirap ko’y
May patutunguhan rin
Gabi'y nalalapit ng muli
at sa wakas ako’y makakatulog na rin
Ng pagkahimbing himbing.
Noon ... Ngayon ...
Noon ... Ngayon ...
sa panulat ni Christine Abigael T. Lumugdan
Kalikasan noo'y lubhang kayganda
Mga puno't halaman ating kinakalinga
Luntiang kapaligiran tuwina'y pinapanatili
Upang polusyon, lubos na maisantabi.
Mga ilog ay malinis
Isdang yaman ay kanais-nais
Tubig ay malinaw
Kahit iyong sarili ay matatanaw
Hanging ating nilalanghap
Tunay na sariwa't kaysarap
Polusyon ay di alintana
Bawat isa ay may disiplina
Ngunit anong nangyari sa ating kapaligiran?
Tila Inang Kalikasa'y ating napabayaan
Disiplina sa sarili'y unti-unting naglaho
Likas na yaman ay libos na inabuso
Ating munting mga puno
Ngayo'y gamit bilang troso
Mga dapat sana'y nagbibigay ginhawa
Sanhi ngayon ng malalaking baha
Ilog na tirahan ng mga isda
Lumulutang ngayon ay mga basura
Mga pabrika'y dito bumubuga
Kemikal na sumisira sa kanyang ganda
Hangin na noo'y sariwa
Ngayo'y usok ang nakababahala
Dala nito'y maraming sakit
Perwisyong ito ay hindi kaakit-akit
Kung makapagsasalita lamang
Ating Inang Kalikasan
Sambit nito'y, "Anak nasaan na
pagmamahal mo't pagkalinga?"
Sapat na ba ang noon
Na tayo'y nagbigay pagpapahalaga?
O kulang pa ang ngayon
Upang pagkakamali'y ating mapuna?

SA KANYA

Unang pagsilay ko sa kanyang mga mata
Tanaw ko ang pagmamahal na nais niyang ipadama
Ang sinseridad at kanyang katapatan
Tunay na aking nasisilayan
Sa bawat oras na kami'y magkasama
Lubos ang kasiyahang aking nadarama
Lungkot sa aking labi ay napapawi
Bagkus, napapalitan ng mga ngiti.
Kung mababatid lamang niya
Puso ko'y kanyang nabihag na
Pagmamahal ko'y walang hanggan
Handang ipagsigawan kahit kanino man.
Mula sa mapait na nakaraan
Puso ko'y muling nabuhayan
Tinuruan itong muling magmahal
At pinaramdam ang pagkalinga't pagmamahal
Humadlang man ang karamihan
Sa aming wagas na pagmamahalan
Hindi mapuputol ang aming sinumpaan
SA KANYA ako masaya, noon pa man.

MAGPAKATOTOO KA
MAGPAKATOTOO KA
ni Joyce Jetomo
"Pagod na 'ko!"
Sawang sawa na sa buhay na nakasanayan at nakagisnan, ayaw ko na ng ganito.
'wag ka mag-alala hindi lang naman ako basta nilalang na nabubuhay dito sa mundo na puno ng gulo at pagkukunwari. Hindi mo inaasahan na sasabihin ko ito kasi iba ang nakikita mo sa mga kilos ko. Oo, malimit mo ako makikitang nakatambay dyan sa tabi-tabi, patawa-tawa,palaging masaya, isip-bata, pero mali ka. Kasi hindi naman nalilimitahan ng pisikal na anyo ang tunay na nararamdaman ng isang tao.
Eto ako ngayon, eto ang totoong ako. Hindi na ako ang taong nakilala mo at nakagawian ko. 'di mo ako masisisi, 'di ba? Eh, sa ngayon ko lang rin nakikita ang sarili ko sa ganitong kalagayan. Pero masaya ako kahit na nasasaktan ako, kahit medyo mahirap. Ang dami ko ngang natutunan sa mga panahong ito. Kahit 'di nasusuklian ang pagtingin at pagtatanging alay ko. Syempre, hindi naman ako naniningil. Mahirap ang umasa kaya mananatili na lamang ako sa pagkabilanggo ng paghanga. Pero hindi ako bilanggo ng sarili ko. Hindi ako natatakot na ilabas ang nakukubling ako. Hindi mo nga lang siguro halata, kasi mukhang magulo ang pagkatao ko, pero hindi ka magtataka 'pag nakilala mo ako. Magaling lang sigurong prente ang mga kilos at pananalita ko. Magulo. Nakakalito.
Hindi ko pa rin naman sinasarhan ang posibilidad na magmahal ng"straight". Kahit papaano lalaki pa rin naman ang katauhan ko. Natatakot ka sa akin? Bakit? Tao naman ako. Normal lang 'to (para sa mga taong nakakaunawa sa mga katulad ko) Ewan ko lang sa iyo.
Bakit, sino ba sila para sundin ko ang mga gusto nila? Saka wala naman ako'ng ginagawang masama kung ganito man ako. Hindi naman masamang humanga sa kapwa ko. Ang sa akin lang, naging totoo ako sa sarili ko. Hindi tulad ng iba na pilit nabubuhay sa pagbabalat-kayo. Takot ilantad ang tunay na pagkatao.
Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang katotohanan sa likod ng mga kadenang kumbensyon at paniniwala ng makalumang panahon.
Payo ko lang, huwag mo'ng hayaang maging bilanggo ka rin. Magpakatotoo ka.
Tama na ang pagtatago, lumabas ka, magpakita, magparamdam. Kung gusto mo isigaw mo o iiyak o kaya'y itawa mo.
Kung saan ka masaya, sige lang ituloy mo. Basta tiyakin mo lang na hindi kamakakasagabal at makakasagasa ng ibang tao.

Wika - Tagapagtanggol ng Kailikasa
Wika - Tagapagtanggol ng Kailikasan
sa panulat ni Majar Laika Panes
Katulad ng sanggol na saya ng bahay
Na mabubuhay lang, sa piling ni inay
Katulad ng bunsong ali ang ibinibigay
Sa gitna ng pait, dala mo'y bagong buhay
Katulad ng inang ilaw ng pamilya
Nag-aalaga ka, noon at sa twina
Dugo't pawis kung magbigay, katulad ka ni ama
Na magtataguyod, magtatanggol pagdaka
Kawangis mo'y pamilyang puno ng pagmamahal
Bigay mo'y liwanag sa mga naliligaw
Bigay mo'y kalinga sa walang tahanan
Marami'ng bigay mo mahal na kalikasan
Ngunit tulad kong tao ang sisira sayo
ang kintal ng yong buhay, mawawala maglalaho
Sa tulong mong bigay, alay nmi'y di buho
mamamatay kang bigla, at di na mabubuo
Gawa ang naglagim, wika ang tutulong
Siyang iyong pananggalang at tagapagtanggol
kung mababahagi lang sa tulad kong ulupong
marapat alagaan kalikasa'y iusbong
kaya ikaw hudas sumabay ka sa agos
magbago kang bigla, mag-isip ng lubos
si inang kalikasang matagal ng hikahos
alagaa't isalba, ang lahi mong nauubos

PILANTIK NG AKING PANITIK
PILANTIK NG AKING PANITIK
ni JOYCE LAMILA JETOMO
Maraming mga ideya ang sa aki'y nagsusumiksik
Sangkatutak na panaghoy ang sa utak ko'y sumisingit
Sa hilatsa ng isip imahinasyon ko'y gumuguhit
Pumilantik ang panitik sa taludturang marikit.
Sa bawat pagpilantik kapalaluan ang ikinukubli
Piling katotohanan lamang ang aking hinuhuni
Datapwa't kredibilidad ko'y hindi nabibili
Sapagkat katalinuhan ang aking haligi.
Sa sandaling matuyo ang aking isipan
Lulunurin ko ito ng inspirasyon upang hindi matapakan
Muli itong maglalakbay sa talinhaga ng buhay
Susuyuin nito ang tunay nitong pagbubulay-bulay.
Hindi man ako isang pantas ngunit ako'y isang pangahas
Sinuyod ko ang daang malubak, masikip at maputik
Kahit na mga kritiko ang saki'y pumipilansik
Muli pa rin akong magsusulat sa muling pagpilantik ng akingpanitik.

NAGTATAE AKO!
NAGTATAE AKO!
sa panulat ni JOYCE LAMILA JETOMO
Nagtatae ako sa isang blangkong isip
At sa isang puting papel.
Nagtatae ako sa tuktok ng aking kawalan
Ng mga emosyon at damdaming palaban.
Nagtatae ako sa himpapawid ng kamalayan
At mga saloobing sa puso ko'y naghihiyawan.
Nagtatae ako ng tinig sa aking bangungot
Bangungot ng imahinasyon, pangarap at ambisyon.
Nagtatae ako ng mga pananaw sa talukap
Ng pangarap at hamog ng alapaap.
Nagtatae ako ng tulang walang himig
Mula sa daliring unti-unting nanginginig.
Nagtatae ako sa hilatsa ng isip
Na unti-unting nabuo at matapang na tumindig
Nagtatae ako sa isang puting papel
At sa isang blangkong isip.

Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
sa panulat ni JESSICA FERRERA
Kilala mo ba si Juan Dela Cruz?
Maraming masasamang bagay ang ipinupukol kay Juan Dela Cruz at sa ganang akin, hindi ito dahilan para naman ikahiya siya. Bakit? Wala namang perpekto ah! Kahit sino pang itapat mo kay Juan, lahat yan may kapintasan!
Si Juan daw ay tamad. Wala raw siyang disiplina. Mahilig raw umasa sa iba at sa himala. Bobo raw siya. Dakilang manggagaya raw. At higit sa lahat, wala na raw pag-asang umasenso.
Siguro nga maraming pagkakataon na negatibo ang pinapakita ni Juan Dela Cruz. Pero sana naman maisip nating hindi lang hanggang doon si Juan. Totoo iyon. Marami ring bagay tungkol kay Juan ang pwede nating maipagmalaki.
Sa mga nagdaaang "delubyo", nawalan ba ng pag-asa si Juan? Sa mga pagkakataong may karapatang sumuko si Juan, ginawa ba niya? Hindi ba't palaging nasasalamin kay Juan ang masidhing pag-asa sa puso at kalakip nito ay ang pananatili ng ngiti sa kaniyang mga labi. Ika nga ng isang pulitiko sa kaniyang naging patalastas noong panahon ng kampanya, "Nabaha na ay nakakangiti pa. Binagyo na ay nagawa pang tumulong sa iba." Astig 'di ba? 'Yan si Juan! Dalhin mo pa sa ibang panig ng mundi si Juan at tiyak akong angat at hindi siya pahuhuli sa iba't ibang larangan. Ngayon sabihin mo nga sa akin, lugmok ba si Juan?
Maaari ngang sa unang tingin ay masasabing magirap si Juan. Pero iyan ay isang mababaw na pagkilala sa kaniya. Mayaman si Juan. Hindi lang natin alam paano ilalabas ang yamang ito. Hindi man sa pinansyal pero sa mga bagay na higit na mahalaga ay tunay na pinagpala si Juan.
Maraming kritiko si Juan. At ang nakalulungkot ay ang mga kapwa "JUAN" rin nya nagmamaliit sa kaniya. Nakukuha mo ba? Saklap ano?
Baka ikaw minamaliit mo rin siya ha. Huwag naman. Gaya ng isa sa mga sabi sa Parabula ng Lapis, "Mayroong mabuting bagay tungkol sa'yo." At ganiyan rin si Juan.
Huwag nating tingnan ang mga kakulangan ng personalidad ni Juan. Kilalanin natin kung anong mga bagay na nagpapaangat kay Juan at mula sa mga bagay na iyon, unti-unti nating punan ang kaniyang mga kakulangan.
Isinulat ko ito para sa ating lahat ----- para kay Juan Dela Cruz.
Mabuhay ang mga Pilipino...

"Pa'no magmahal muli?"
"Pa'no magmahal muli?"
sa panulat ni Bb. Jayen D. San Diego (BJ2-1N)
"sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"
Pa'no magmamahal muli?
kung ang puso'y nasaktan noong huli.
Pa'no magmamahal muli?
kung hindi pa handa ang sarili.
Sa mga panahong nagdaan,
Puso'y nanatiling walang laman
Maliban sa sakit na dulot ng nakaraan
At isang kahapong kay hirap malimutan.
Pangarap na umibig at ibigin
Ay pinilit 'wag munang isipin
Dahil sarili'y kailangang hanapin
Nang ang iba'y matutunan akong tanggapin.
Mga bituin'y aking tiningala
Nagbaka-sakaling makakita ng hiwaga
Kaya't puso'y nagtanong at umasa
Nasa'n ang sa aki'y nakatadhana
Kung saan-saan na naghanap
Kasaguta'y sadyang kay ilap
Magmahal muli ay ganoon ba kahirap?
Magmahal at mahalin ba'y isa na lang pangarap?
May mga sandaling sarili'y 'di maintindihan
At puso't isipa'y naguguluhan
Tunay na nga ba ang nararamdaman
Dahil ito ay ayaw ng pakawalan
Kung ang puso'y handa na muling buksan?
Sana'y 'wag na uilt masaktan
Magmahal ay muling susubukan
Sana ito'y walang hanggan
Pa'no magmamahal muli?
Ikaw lang ang nais maging sanhi
Dahil nararamdama'y ayaw ng ikubli
Tanggap na sa sarili, ikaw lang ang nais mahalin muli.

"I would Breakaway!"
"I would Breakaway!"
sa panulat ni Jayen D. San Diego
"sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"
NP (ngayo'y pinakikinggan) : "Breakaway" inawit ni Kelly Clarkson
Sa muling pagluha ng kalangitan
Labas ng bintana ang sinulyapan
Munting pangarap'y nabuo sa isipan
Imahinasyon ko ang aking kaharian
Tinig ay nais mapansin
Ngunit 'di nila kayang intindihin
Sa mundong ito'y nais tanggapin
Ngunit sarili, dito'y di kayang hanapin
Kaya't tanging nagawa'y magdasal
At humiling sa may kapal
Na dinggin ang tulad kong hangal
Na humihingi ng munting parangal
Pinakanais ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Susubukang makuha ang hangad
Unti-unting lalabas sa kadiliman
Liwanag ang aking patutunguhan
Mga taong nagturo ng pagmamahalan
Kailanma'y di ko malilimutan
Kaya't gagawin ang lahat
Nang makuha, tagumpay na hangad
At sarili'y tuluyang mahagilap
Nang sa mundo, ako'y matanggap
Nais ko lang ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Nang ang pangarap ko'y matupad

Subscribe to:
Posts (Atom)