Lazada

Saturday, September 18, 2010

PANANABIK

PANANABIK

ni Maria Kristina V. Dario



Magdamag na akong naghihintay sayo

Maga na ang mga mata, naghihintay na datnan mo

Dating sigla ako'y di na halos bumalik

Umaasang sa gabing ito'y magwawakas na ang pananabik.



Lahat na yata ng posisyon ay akin ng nagawa

Patayo, paluhod,patuwad at padapa,

Humiga na ako sa sahig nagpatirapa

Ngunit walang saysay pala kung ika'y wala.



Kailan ka ba babalik upang punan aking pangangailangan

Bawat gabi ako'y kulang nang ako'y iyong lisan

Ayoko namang sa yosi't alak ay pamisan

Oh, antok, ikaw ba'y nasan? Insomia, ako'y iyo nang iwan!

4 comments:

  1. Sa una kong pagbasa hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy ng may-akda..
    pero sa bandang huli, insomia pala...
    hehe :D

    -- mahirap magisip kung walang tulog ang isang tao....

    ReplyDelete
  2. karagdagang komento:

    para po kay Ms.Maria Kristina V. Dario, ang iyong tula ay makabuluhan para sa akin.

    @Sir. Lamarca: salamat po sa pagpost ng mga tula.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. -- Ronnel Manlapaz, PUP, BSA 1-36

    Napapaisip ako habang binabasa ko ito at nakakatuwa nung napag-alaman ko ang pinakang tinutukoy sa tula. Maganda ang konsepto at ang pagkakayari medyo madrama at pasuspense pa tapos sa bandang huli ang pinakang tinutukoy lang pala ay Insomia.

    ReplyDelete