Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
sa panulat ni Mae Ellen M. Brimon
Sa bawat araw na lumilipas
Unti-unting nawawala ang kalikasang pumapagaspas
Ang kagandang dati rati'y nakahahalina
Ngayon ay tila basurang itinapon na
Kung ang ating kalikasan ay napapabayaan
Anupa't ang ating wika ay malapit nang malimutan
Napakarami na sa atin ang nahahalina sa wikang banyaga
Ngunit hindi ba nila batid ang biyayang taglay ng ating sariling wika?
Atensiyon at wagas na pagmamahal ang siyang kailangan
Upang ang wika at kalikasan ay ating matulungan
Presensiya nila'y mahalaga sa ating buhay
dahil sila'y ating pag-asang tunay
Lazada
Showing posts with label sanaysay. Show all posts

Saturday, September 25, 2010
Ang sa akin lang naman...
Ang sa akin lang naman...
sa panulat ni Richard B. Garcia
Sa buhay sa mga teleserye, pelikula o maging anime hindi nawawala ang mga kontrabida mapa fairytale nga eh nandoon din sila at hindi nawawala.
Teka, teka nga hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa ssisilipin ko na ang buhay sa loob ng isang unibersidad. Bakit kaya ganun? May mga tao na nais ipakita ang kanilang mga hangarin o naisin labas o lampas na sa kanilang limitasyon. “Oo, sige sabihin natin na tama ang hangarin mo, pero tama kaya ang pagaksyon lagpas sa iyong limitasyon? Hmm…
May iba namang paraan eh, ang daanin sa mabuting usapan diba? Pero pano kung hindi madaan sa mabuting usapan, dadaanin sa santong paspasan?
“Hay naku ang gulo!”
Pero… pero sandali lang, di ba kapag tayo ay pumapasok sa isang unibersidad ibig sabihin pumapasok tayo sa isang ibang kapaligiran na may ibang kapamahalaan ibang awtoridad. At kung hindi magustuhan ang kanilang pamamalakad o ang kanilang pamamahala “bukas naman ang gate maaring lumabas anumang oras mo gustuhin, ayaw mo eh, mabuting umalis na nga lang di ba?”
Kaakibat ng pagpasok sa isang unibersidad… lahat ng mga materyal na bagay katulad ng mga lamesa, upuan at maraming marami pa ay hiram lang natin dahil ang binayaran natin ay ang kanilang serbisyo. Kung ganun, wala tayong karapatan na sirain, babuyin ang mga iyon dahil hindi natin iyon pagmamay-ari bagkus hiram lang natin. Oops! Paalala ito ay sa akin lamang.
Alam nyo kung gusto talaga natin ng kaayusan, simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos.

KAPE
KAPE
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Sa pampagising mong taglay
Isip at diwa ko’y buhay
Sa kalaliman ng gabing mapanglaw
Hanggang sa pagsikat ni Haring Araw
Habang iba’y himbing na himbing
Eto ngayon ako’t gising na gising
Handing handa ng tapusin
Binigay ng gurong mga takdang aralin
At sa susunod pa na ika’y kailanganin
Ika’y muli kong titimplahin
At muli mo naming buhayin
Katawang lupa kong himbing na himbing
Salamat sa’yo Kape..Hanggang sa uulitin.

Diskriminasyon
Diskriminasyon
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan
Masaya ngunit mahirap ang buhay irreg. Nakakatuwa dahil marami kang
makikilala at magiging kaibigan. Minsan, sa bawat pagdaan sa lobby ay tila kakilala mo ang lahat ng nandoon at parang walang katapusan ang pagkaway at pagbati. Parang Ms. Congeniality ang dating! Minsan nga'y sa dami ng pangalan ng mga kaklase sa bawat seksyon ay di na matandaan lahat at sa itsura na lamang sila kilala. Masaya din daw ang maging irreg dahil hawak mo ang oras mo at pwede kang makapili ng iskedyul para sa isang semestre. Ikaw, gugustuhin mo din ba maging isang irreg?
Simula ng ako'y lumipat ng kursong Broadcast Communication ay naging isang irreg na din ako. Nararanasan ko ang hirap at saya! Masaya dahil marami ngang kaibigan. Pero hindi lamang puro saya ang buhay irreg. Mas mahirap pala ang maging isang irreg. Sa pag-enrol pa lamang ay nararanasan na namin ang hirap. Dahil sa luma ang sistema na aming ginagamit ay kailangan pa naming gumamit ng tinatawag na ace form para sa mga asignaturang naka-SIS. At sa bawat asignaturang iyon ay kailangan pa naming papirmahan sa mga propesor. Malas namin kung kami'y hindi tinanggap. Lumalagpas ng isang linggo bago namin matapos ang buong proseso. Tiyaga lamang ang kailangan lalu na't madalas wala pa ang mga propesor sa mga unang linggo ng pasukan.
Mahirap din mag-adjust sa iskedyul ng aming mga kaklase. Minsan may mga oras na may pag-eensayo o mga pagpupulong para sa mga pangangailangan sa ibat ibang asignatura. At dahil dito, madalas na hindi sumasakto ang iskedyul namin sa iskedyul ng mga regular na estudyante. Madalas ay ilang oras pa naming kailangan mag-antay sa bakanteng oras nila para sa mga pagpupulong. Iyon ang dahilan kung bakit ang katulad naming irreg ay madalas makita sa lobby, library o computer shop. Iyon ang ilan lamang sa mga maari naming puntahan habang nag-aantay. Kailangan talagang maging magtiyaga.
Pero higit sa lahat, nararanasan din namin ang diskriminsayon. Iba ang tingin samin ng ibang tao. Kapag narinig ang irreg, para kaming isang taong walang lugar para mag-aral. Ang tingin nila'y kami ang mga estudyanteng walang ginawa kundi pumasok sa paaralan at di man lang nag-aaral. Tila kami ang mga estudyanteng walang maidudulot na maganda. Nakakapanliit.
Minsan ay nagkaroon kami ng mga klaseng ayaw nila ng irreg. Ang masakit pa doon ay naranasan namin na kahit isang grupo ay walang gustong tumanggap sa amin para sa requirement sa isang asignatura. Pero hindi nga namin sila masisisi dahil iba-iba ang pananaw ng tao.
Hindi lamang iyon, minsan pa'y mismong guro ang nagparamdam sa amin nito. Napakasakit isipin na yung taong sana'y magbibigay pa sa amin ng lakas para magpatuloy sa kabila ng aming nararanasan diskriminasyon ay siya pa pala mismo ang magpaparamdam nito sa amin. Pero ayos lang dahil ang konting kirot na naramdaman namin sa aming mga puso ay nagbibigay din sa amin ng lakas para patunayan na makakatapos din kami kahit kami'y irreg.
Bawat irreg ay may iba't ibang dahilan kung bakit naging ganito. Hindi pare-parehas ang kwento ng mga irreg. At anu man ang dahilan kung bakit naging isang irreg ang isang tao ay hindi na ganun kahalaga. Ang mahalaga ay makita sa bawat isa na pursigidong mag-aral at makatapos. Irreg man o hindi, pare-parehas lamang na may karapatang mag-aral, makasali sa mga organisasyon at makihalubilo sa mga tao at higit sa lahat, pare-parehas na ESTUDYANTE kaya't parehas lamang din ang mga karapatan.
Nawa'y matutunan ng mga taong nakapaligid sa amin na kami'y tanggapin at ituring na katulad lamang din nilang ESTUDYANTE, isang simpleng estudyanteng gustong matuto at tuparin ang mga pangarap sa buhay.

MAGPAKATOTOO KA
MAGPAKATOTOO KA
ni Joyce Jetomo
"Pagod na 'ko!"
Sawang sawa na sa buhay na nakasanayan at nakagisnan, ayaw ko na ng ganito.
'wag ka mag-alala hindi lang naman ako basta nilalang na nabubuhay dito sa mundo na puno ng gulo at pagkukunwari. Hindi mo inaasahan na sasabihin ko ito kasi iba ang nakikita mo sa mga kilos ko. Oo, malimit mo ako makikitang nakatambay dyan sa tabi-tabi, patawa-tawa,palaging masaya, isip-bata, pero mali ka. Kasi hindi naman nalilimitahan ng pisikal na anyo ang tunay na nararamdaman ng isang tao.
Eto ako ngayon, eto ang totoong ako. Hindi na ako ang taong nakilala mo at nakagawian ko. 'di mo ako masisisi, 'di ba? Eh, sa ngayon ko lang rin nakikita ang sarili ko sa ganitong kalagayan. Pero masaya ako kahit na nasasaktan ako, kahit medyo mahirap. Ang dami ko ngang natutunan sa mga panahong ito. Kahit 'di nasusuklian ang pagtingin at pagtatanging alay ko. Syempre, hindi naman ako naniningil. Mahirap ang umasa kaya mananatili na lamang ako sa pagkabilanggo ng paghanga. Pero hindi ako bilanggo ng sarili ko. Hindi ako natatakot na ilabas ang nakukubling ako. Hindi mo nga lang siguro halata, kasi mukhang magulo ang pagkatao ko, pero hindi ka magtataka 'pag nakilala mo ako. Magaling lang sigurong prente ang mga kilos at pananalita ko. Magulo. Nakakalito.
Hindi ko pa rin naman sinasarhan ang posibilidad na magmahal ng"straight". Kahit papaano lalaki pa rin naman ang katauhan ko. Natatakot ka sa akin? Bakit? Tao naman ako. Normal lang 'to (para sa mga taong nakakaunawa sa mga katulad ko) Ewan ko lang sa iyo.
Bakit, sino ba sila para sundin ko ang mga gusto nila? Saka wala naman ako'ng ginagawang masama kung ganito man ako. Hindi naman masamang humanga sa kapwa ko. Ang sa akin lang, naging totoo ako sa sarili ko. Hindi tulad ng iba na pilit nabubuhay sa pagbabalat-kayo. Takot ilantad ang tunay na pagkatao.
Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang katotohanan sa likod ng mga kadenang kumbensyon at paniniwala ng makalumang panahon.
Payo ko lang, huwag mo'ng hayaang maging bilanggo ka rin. Magpakatotoo ka.
Tama na ang pagtatago, lumabas ka, magpakita, magparamdam. Kung gusto mo isigaw mo o iiyak o kaya'y itawa mo.
Kung saan ka masaya, sige lang ituloy mo. Basta tiyakin mo lang na hindi kamakakasagabal at makakasagasa ng ibang tao.

Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
sa panulat ni JESSICA FERRERA
Kilala mo ba si Juan Dela Cruz?
Maraming masasamang bagay ang ipinupukol kay Juan Dela Cruz at sa ganang akin, hindi ito dahilan para naman ikahiya siya. Bakit? Wala namang perpekto ah! Kahit sino pang itapat mo kay Juan, lahat yan may kapintasan!
Si Juan daw ay tamad. Wala raw siyang disiplina. Mahilig raw umasa sa iba at sa himala. Bobo raw siya. Dakilang manggagaya raw. At higit sa lahat, wala na raw pag-asang umasenso.
Siguro nga maraming pagkakataon na negatibo ang pinapakita ni Juan Dela Cruz. Pero sana naman maisip nating hindi lang hanggang doon si Juan. Totoo iyon. Marami ring bagay tungkol kay Juan ang pwede nating maipagmalaki.
Sa mga nagdaaang "delubyo", nawalan ba ng pag-asa si Juan? Sa mga pagkakataong may karapatang sumuko si Juan, ginawa ba niya? Hindi ba't palaging nasasalamin kay Juan ang masidhing pag-asa sa puso at kalakip nito ay ang pananatili ng ngiti sa kaniyang mga labi. Ika nga ng isang pulitiko sa kaniyang naging patalastas noong panahon ng kampanya, "Nabaha na ay nakakangiti pa. Binagyo na ay nagawa pang tumulong sa iba." Astig 'di ba? 'Yan si Juan! Dalhin mo pa sa ibang panig ng mundi si Juan at tiyak akong angat at hindi siya pahuhuli sa iba't ibang larangan. Ngayon sabihin mo nga sa akin, lugmok ba si Juan?
Maaari ngang sa unang tingin ay masasabing magirap si Juan. Pero iyan ay isang mababaw na pagkilala sa kaniya. Mayaman si Juan. Hindi lang natin alam paano ilalabas ang yamang ito. Hindi man sa pinansyal pero sa mga bagay na higit na mahalaga ay tunay na pinagpala si Juan.
Maraming kritiko si Juan. At ang nakalulungkot ay ang mga kapwa "JUAN" rin nya nagmamaliit sa kaniya. Nakukuha mo ba? Saklap ano?
Baka ikaw minamaliit mo rin siya ha. Huwag naman. Gaya ng isa sa mga sabi sa Parabula ng Lapis, "Mayroong mabuting bagay tungkol sa'yo." At ganiyan rin si Juan.
Huwag nating tingnan ang mga kakulangan ng personalidad ni Juan. Kilalanin natin kung anong mga bagay na nagpapaangat kay Juan at mula sa mga bagay na iyon, unti-unti nating punan ang kaniyang mga kakulangan.
Isinulat ko ito para sa ating lahat ----- para kay Juan Dela Cruz.
Mabuhay ang mga Pilipino...

Subscribe to:
Posts (Atom)