NAGTATAE AKO!
sa panulat ni JOYCE LAMILA JETOMO
Nagtatae ako sa isang blangkong isip
At sa isang puting papel.
Nagtatae ako sa tuktok ng aking kawalan
Ng mga emosyon at damdaming palaban.
Nagtatae ako sa himpapawid ng kamalayan
At mga saloobing sa puso ko'y naghihiyawan.
Nagtatae ako ng tinig sa aking bangungot
Bangungot ng imahinasyon, pangarap at ambisyon.
Nagtatae ako ng mga pananaw sa talukap
Ng pangarap at hamog ng alapaap.
Nagtatae ako ng tulang walang himig
Mula sa daliring unti-unting nanginginig.
Nagtatae ako sa hilatsa ng isip
Na unti-unting nabuo at matapang na tumindig
Nagtatae ako sa isang puting papel
At sa isang blangkong isip.
No comments:
Post a Comment