Salut! Langue et la Nature
-Kathlean S.Atacador
Hola! Como estas?
Mga katagang minana sa Kastila at ipinamalas
Dahil sa pagiging daang taon na kolonya
Wikang Espanyol, nasa ating kultura
Hello! How do you do?
Iyan ang turo at sabi sa school
At dahil sa iyan ang pang-internasyonal na wika
Hindi maiwasan ay natatabunan nito ang ating salita
Konnichiwa! Bati ng mga Hapon
Tingnan natin ang bansa nila patuloy na umaahon
Kahit tayo’y sinakop ng tatlong taon
Tinitingala pa rin natin sila hanggang ngayon
Pero kahit tatlong wika ang dumaan sa kasaysayan
Wikang ating sinasambit ay hindi mapapantayan
Daan sa ating magandang komunikasyon
“Filipino” hanggang sa dulo ng panahon
Tayo ay pinagbubuklod nito
Kahit na sabihin nila na ito ay dinamiko
O kahit pa sabihin nila ay “eow pho”
Hindi maitatanggi ang halaga nito sa ating mga Pilipino
Kung ito man ang iyong wikang ginagamit
Isang responsableng pangangalaga dito ay ikinakabit
Hindi lang sa paggamit nito araw-araw sa kalye’t bahay
Kundi ipagmalaki at isapuso habang buhay
Dahil sa nasabi ko ang kalye’t bahay sa tulaan
Hindi ba’t parang nasambit ko na rin ang kalikasan
Kalikasan na buong mundo ay nakadepende
At kung pangalagaan ito ay bibiyayaan tayo ng swerte
Kung ang wika ay tulay ng pagbubuklod
Kalikasan naman ay buhay ang idinudulot
Kung pangangalaga’y gustong ibigay
Mahalin mo ito at respetuhin ng tunay
No comments:
Post a Comment