Kasalanan sa Kalikasan
Eldon John Silerio
Kasalanan sa Kalikasan
Hindi mo ba napapansin?
Iba na ang mundong ginagalawan natin
Ang dating sariwang hangin
Ngayo’y usok na maitim.
Kay sarap pakinggan,
Mga huni ng ibon sa kapaligiran
Pero ngayo’y ingay ng mga sasakyan
Ang maririnig sa iyong daraanan.
Mga punong dati’y nagtataasan
Ngayo’y tila nagkakaubusan
Iba na kasi ang iyong mapagmamasdan
Mga gusaling nagtataasan.
Ang dating malinis na kapaligiran
Ngayo’y kay dumi nang tignan.
Ang dati kasing kalikasan
Ngayo’y nagiging malawak na basurahan.
Wala nga ba tayong pakialam
Sa ating Inang Kalikasan
Na ngayo’y napapabayaan
Sino nga ba ang may kasalanan?
Matuto tayong mahalin
Ang mundong ipinahiram lang sa atin
Kaya’t simulan na natin
Ang pagbabagong kailangan ng kapaligiran natin.
Magagawa natin ito
Kung magtutulungan tayo
Sa maliit na bagay ating simulan
Pero malaking bagay ito para sa kalikasan.
Tayo din ang may kasalanan
Kung bakit patuloy itong napabayaan
Kaya dapat na natin solusyonan
Bago pa ang Inang Kalikasan ang magbigay ng kaparusahan.
No comments:
Post a Comment