"Pag-ibig Lang ang Kailangan"
ni: Marie Kris Priet
Lahat ng bagay dito sa mundong ibabaw
Wagas na pagmamahal, iyong matatanaw
Kung hindi mo 'to alam ika'y naliligaw
Pagkat sa Pinas, pag-ibig ang nangingibabaw.
Wagas na pagmamahal, ito'y kailangan
Nang maipakita ang pagkamakabayan
Mga banyaga'y hindi ito nalalaman
Pagkat wika nila'y iba ang kinagisnan.
Tamang gamit ng wika'y dapat na matutunan
Nang mabatid taglay nitong kahalagahan
Ngunit di sapat na ito'y matutunan lang
Ang pagmamahal dito'y nararapat din naman.
Gayundin naman pagdating sa kalikasan
Ito'y kailangan din na pahalagahan.
Pagkat nagsisilbi itong yaman ng bayan,
At natatanging sagot sa ating kabuhayan.
Pangangalaga sa wika at kalikasan,
Nararapat lamang na ating pagtuunan
Pagkat ito'y daan ng ating unawaan,
Maging ang kaguluhan ay maiiwasan.
No comments:
Post a Comment