Lazada

Saturday, September 11, 2010

Wika at Kalikasan, Mahalin at Ingatan

Wika at Kalikasan, Mahalin at Ingatan
Pauline Dimafelix

Ang ating mga aksiyon at salita,
Sa ating pang araw araw na ginagawa
Na nagpapakita ng ating pagiging iba,
Ito’y matatawag nating ating sariling wika.

Mga dahon at halamang satin ay kumakaway
Pati na mga hayop at isda na may buhay
Maging mga bukirin at karagatan, mula sa Diyos sa ati’y ibinigay
Upang magamit natin sa ating pamumuhay.

Lahat ng mahalaga
Ay binibigyang importansiya
Tulad ng wika at kalikasan
Wagas na pagmamahal tunay na kailangan.

Wag abusuhin at higit pang ingatan
Ang ating mga likas na yaman.
Ating wika ay higit pang paunlarin
Huwag ikahiya’t ipagsigawang sariling atin.

No comments:

Post a Comment