"Wika. Kalikasan. Pag-ibig"
Raya V. Moron
Huning likha ng ibong malaya
Musika sa pandinig ng taong makata
Lagaslas ng tubig sa ilog at sapa
Uyayi ang dulot sa tulad ni tanda,
Mayabong na punong kanina'y tinanim
Nawala't pinutol sa pagtakip-silim
Malinis na ilog, bukal ng inumin
Ngayo'y mabaho't malabo na burak ang ilalim
Tulad nila yaong ating wika
Napalitan, natabunan ng wikang banyaga
Kung hindi ma'y nahaluan ng kung anong salita
Sapagkat tayong Pinoy tunay ngang malaya,
Tignan mo ang paligid na iyong kinalakhan
Kita mo pa ba natural nitong kagandahan?
Dinggin mo bawat salitang sayo'y namumutawi,
Iyo bang nakikilala wika ng iyong lipi?
Ang araw ay palubog na sa tulad ni tanda
Kaya't 'di niya nagawa, nais niyang ipasa
Sa hhenerasyong susunod na maging tagapangalaga
Ng ating kalikasan at sariling wika,
Nag-iwan pa nga ng isang paalala
Mula sa taong sadyang ating kilala
"Ang 'di magmahal sa sariling wika,
ay higit pa sa mabaho at malansang isda."
No comments:
Post a Comment