Wika at Kalikasan
Ma.Victoria B. Garcia
Wika at kalikasan ating pangalagaan
Wagas na pagmamahal, talagang kailangan
Wikang sariling atin, gamitin, mahalin
Kalikasan na ating natatamasa ating pagyamanin.
Mga basura ng tao, tapon doon, tapon dito
Halina’t magkaisa, tayo na’t magbago
Mga basura’y linisin upang hangin ay mabango
Malinis na paligid, masaya ang bawat tao.
Wikang Pambansa ating palawakin
Sariling atin, tangkilikin, pagyamanin
Ang wika ay napag-aaralan at natututunan
Kaya naman ito’y kaugnay ng kalinangan.
Mahalagang papel ginagampanan ng wika
Sa lipunang ating ginagalawan, ito’y nagsisilbing kasangkapan
Na ginagamit ng bawat tao sa pakikipamuhay sa kanyang kapwa
Sa pagpapahayag ng saloobin at pagbabahagi ng karunungan.
Kalikasan at wika ay ating kailangan
Kaya naman ito’y ating pangalagaan
Upang tayo’y maging huwaran
Sa mata ng bawat mamamayan.
No comments:
Post a Comment