Ikaw ang Dapat Kong Mahalin
Franklyn P. Rizo
“Mahal ko ang bayan kong sinilangan.”
Iyan ang sinasabi mo noon pa man.
Subalit sa nakikita ko sa kasalukuyan,
Dapat ba kitang paniwalaan?
Wikang gamit mo sa pakikipagtalastasan,
May bahid na ng wikang kanluran...
Maging ang kilos mo’ t gawi, O aking kaibigan
May bahid din ng kulturang dayuhan!
Kaibigan, may dapat kang malaman...
Kaya kahapon ay muli mong balikan,
Pagkat ang tunay mong katauhan,
Nakatago sa iyong nakaraan!
Ikaw ay isa sa amin,
Pilipinong noon ay inalipin...
Ngunit nakipaglaban para sa lahi natin,
Upang di magapi ng maga dayuhang mapang angkin!
Ngayon mo sabihin sa akin,
Ano ang dapat mong sundin?
Kultura ng mga banyagang nang-alipin?
O ang kulturang likas sa atin?
Ipagsumigawan mo ding sagutin,
Sino ang dapat mong mahalin?
Ang dayuhang pilit mong tinutularan?
O si Inang Bayan na dapat mong paglingkuran?
No comments:
Post a Comment