Sinta
Ni Christine Ronalyn Baoy
Nagkita na ba tayo?
Noong tayo ay bata pa,
Ikaw ay dati’y ibang iba,
Hindi gaanong gwapo
Pero ngayo’y iba ka na,
Abot langit sa kagwapuhan,
Ako’y nahulog sa iyo,
Parang anghel na totoo.
Ako’y nag-isip nang mabuti
Nagtanong nang maigi
Ngunit wala ng iba…
Ikaw lamang Sinta
Walang ibang hihintayin pa
Tinuruan mo akong umibig Sinta
Ako ay iyong hinarana,
Sa harap ng aming bahay,
At sabi mo…
Ikaw lang ang mahal ko…
Ako ay hindi nakapagsalita
Nabigla sa binitiwang salita
Hindi ko inaasahan na…
Sa akin ay may lihim na pagsinta.
para kay Ms.Christine Ronalyn Baoy, nakakakilig po ang iyong tula....
ReplyDeletenaalala ko ang mga palabas sa telebabad... tungkol sa pag-ibig.
:D