Tahanan Nating Lahat
Ruffa Indico
Mayroong isang tahanang malaki
Langit ang bubungan at lupa ang sahig
Bawat silid nito'y may bundok na dingding
Dagat at batisan ang siyang salamin
Palamuti naman ang tanang bulaklak
Tala at bituin ang hiya na sangkap
Maraming laruang nakapagtataka
Isadang lumalangoy, ibong lumilipad
May tanging laruang isang bolang apoy
Aywan ko ba kung sino dito'y nakapukol
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi
Siya ang ating mabait na Ama
Kay bango ng hanging kanyang hinihinga
At tayo? Oo, tayo'y magkakapatid
Buhay na ito ang ngalan ng daigdig
No comments:
Post a Comment