Lazada

Saturday, September 25, 2010

"Pa'no magmahal muli?"

"Pa'no magmahal muli?"
sa panulat ni Bb. Jayen D. San Diego (BJ2-1N)


"sa pakikinig ng mga kanta,

sabayan pa ng pagka-makata,

ako'y nakalikha ng tula

na maibigan mo sana"







Pa'no magmamahal muli?

kung ang puso'y nasaktan noong huli.

Pa'no magmamahal muli?

kung hindi pa handa ang sarili.



Sa mga panahong nagdaan,

Puso'y nanatiling walang laman

Maliban sa sakit na dulot ng nakaraan

At isang kahapong kay hirap malimutan.



Pangarap na umibig at ibigin

Ay pinilit 'wag munang isipin

Dahil sarili'y kailangang hanapin

Nang ang iba'y matutunan akong tanggapin.



Mga bituin'y aking tiningala

Nagbaka-sakaling makakita ng hiwaga

Kaya't puso'y nagtanong at umasa

Nasa'n ang sa aki'y nakatadhana



Kung saan-saan na naghanap

Kasaguta'y sadyang kay ilap

Magmahal muli ay ganoon ba kahirap?

Magmahal at mahalin ba'y isa na lang pangarap?



May mga sandaling sarili'y 'di maintindihan

At puso't isipa'y naguguluhan

Tunay na nga ba ang nararamdaman

Dahil ito ay ayaw ng pakawalan



Kung ang puso'y handa na muling buksan?

Sana'y 'wag na uilt masaktan

Magmahal ay muling susubukan

Sana ito'y walang hanggan



Pa'no magmamahal muli?

Ikaw lang ang nais maging sanhi

Dahil nararamdama'y ayaw ng ikubli

Tanggap na sa sarili, ikaw lang ang nais mahalin muli.

No comments:

Post a Comment