Pangarap ng Wika
Beverly Recluta
Sariling wika'y mahalin at ingatan,
Gaya ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Wikang Filipino'y huwag itapon o dumihan,
Panatilihing may buhay, palaguin at bantayan.
Ano nga ba itong nauusong balbal?
Wikang Filipino'y sinisira, ginagawa tayong hangal.
Hahayaan ba nating sariling wika'y 'di maintindihan?
Kaya't Jejemon ay puksain, huwag tangkilikin ninuman.
Panahon ng matuto, lahat ng tao sa bansang 'to.
Mahalin at gamitin itong Wikang Filipino.
Maging ika'y Presidente o nagbebenta ng taho,
Intindiha'y makakamit kung sariling wika ang gamit mo.
Pagkakaisang inaasam ay madaling makakamtan,
Kung gagamiti'y sariling wika at hindi iyong hiram.
E ano naman kung sa Wikang Ingles ika'y mangmang,
Nasa bansang Pilipinas ka, wala silang pakialam!
Bawat Pilipino ngayon ay makiisa,
Sa paggamit ng sariling wika, tayo'y may ginhawa.
Ibandera itong wikang sa mga ninuno'y nagmula pa,
Malay mo buong mundo'y sa wika rin nati'y makiisa.
Kinabukasan, aking babalikan,
Lahing inilayo ng asul na kawatan.
No comments:
Post a Comment