Lazada

Saturday, September 11, 2010

NASYONALISMO

NASYONALISMO
Ruffa B. Indico

Dumidilim, nawawala ang liwanag
Nasaan na? Nasaan na ang aninag?
Unti-unti na tayong lumulubog
Pagkatao’t kaisipa’y nabibilog

Bagong kabanata, bagong henerasyon
Pagpapahalaga’t pagmamahal noon
Tila isang panaginip na lang ngayon
Anong nangyari? Gising Pilipinas. Bangon.

Iisang lahi, tayo’y Pilipino
Wika’y ipagmalaki ng taas noo
Isipa’y ‘wag magpasakop sa mga Kano
Unahin at mahalin wikang Filipino

Isinilang sa Perlas ng Silangan
Angkin ang kagandahan ng kalikasan
Maraming puno, maraming halaman
Magagandang tanawin, ating mga yaman

Bunga ng modernisasyon sa ating bansa
Kalikasa’y binubulabog, sinisira
O buhay, balik nga naman ay karma
Ayan at nananalasa, unos ati’y hinaharap

Pag-usbong ng nasyonalismo ang kailangan
Pagmamahal ng wagas sating bayang sinilangan
Kung ating isasapuso pagiging makabayan
Wika’t kalikasa’y tiyak na maaalagaan

No comments:

Post a Comment