"Takatak"
sa panulat ni Romina A. Ramos
Dumadagundong; ang banta’y umaalulong,
Nariyan na pala ang bughaw na ulupong.
Tinatahak ang pasilyong nilulumot,
Nang-aamba at nananakot.
Karga ang bata; karga ang benta.
Dadalhin mga yosi’t kendi, magpapalamig muna.
Saan sisilong? Saan kukubli?
Kahit ang bata lamang at supot ng kendi.
Mga mata ng aking muwang ay nakatitig sa akin.
“Saan pupunta ang tatay?” patanong n’yang lihim.
Paano kong iiwan ang isang inosente?
Tanging makakasama n’ya ay tig-pipisong bente.
Isang halik sa noo bago pa sumama.
Sa azul na taong nadaan kanina.
Kinabukasan, aking babalikan
Lahing inilayo ng azul na kawatan.
Lazada
Saturday, September 25, 2010
Pinoy nga naman!
Pinoy nga naman!
sa panulat ni Christina Alpad
Sa paglitaw ng hostage-taking crisis sa Maynila,
Pilipinas nanama'y naging bida
Ngunit hindi dahil tayo'y gumawa ng tama
Kundi dahil tayo'y nagmukha daw tanga.
Pinaabot ng halos kalahating araw,
Ang pagsagip na sana'y ginawa bago pa lumubog ang araw
Ang mga pulis na dapat ay mabilis
Hayun at nagpraktis-praktis.
Ngunit ang praktis ay napanis
Nang humarap sa tunay na pagsusulit
Sugod, wait, atras takbo
Taktikang ginamit ng mga pulis sa nag-aamok na tao
Pagbasag ng salamin ay palpak
Maso ay palaging nadudulas
Kaya pinto na lang ang pinagdiskitahan
Ngunit manipis na taling putol ang kinabagsakan
Saksi ang buong mundo
Salamat sa mga mamamahayag na ayon sa pulis ay nakikigulo
At dahil may mga usisero
Hindi maiwasang may isang tinamaan ng bala sa malayo
Sunod-sunod na palitan ng putok,
At mga tao sa bus ay natigok
Pati ang hostage-taker ay bagsak
Sa pagtatapos ng gabing puno ng dahas
Ngayon ay gumagawa sila ng imbestigasyon
Ngunit para sa akin ay iba ang kanilang layon
Maghusgas kamay at ituro ang iba
Upang ang sisi ay di mabaling sa kanila.
Pinoy nga naman o!
Hindi pa rin nagbabago
Kailan kaya tayo matututo?
Sana ay huli na ito.
Kailan kaya tayo mababalita
Hindi sa kadahilanang tayo'y nasalanta
O may napatay na banyaga
Kundi sa kadahilanang tayo'y may nagawang maganda.
Sana malapit na.

Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
sa panulat ni Mae Ellen M. Brimon
Sa bawat araw na lumilipas
Unti-unting nawawala ang kalikasang pumapagaspas
Ang kagandang dati rati'y nakahahalina
Ngayon ay tila basurang itinapon na
Kung ang ating kalikasan ay napapabayaan
Anupa't ang ating wika ay malapit nang malimutan
Napakarami na sa atin ang nahahalina sa wikang banyaga
Ngunit hindi ba nila batid ang biyayang taglay ng ating sariling wika?
Atensiyon at wagas na pagmamahal ang siyang kailangan
Upang ang wika at kalikasan ay ating matulungan
Presensiya nila'y mahalaga sa ating buhay
dahil sila'y ating pag-asang tunay

Ang sa akin lang naman...
Ang sa akin lang naman...
sa panulat ni Richard B. Garcia
Sa buhay sa mga teleserye, pelikula o maging anime hindi nawawala ang mga kontrabida mapa fairytale nga eh nandoon din sila at hindi nawawala.
Teka, teka nga hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa ssisilipin ko na ang buhay sa loob ng isang unibersidad. Bakit kaya ganun? May mga tao na nais ipakita ang kanilang mga hangarin o naisin labas o lampas na sa kanilang limitasyon. “Oo, sige sabihin natin na tama ang hangarin mo, pero tama kaya ang pagaksyon lagpas sa iyong limitasyon? Hmm…
May iba namang paraan eh, ang daanin sa mabuting usapan diba? Pero pano kung hindi madaan sa mabuting usapan, dadaanin sa santong paspasan?
“Hay naku ang gulo!”
Pero… pero sandali lang, di ba kapag tayo ay pumapasok sa isang unibersidad ibig sabihin pumapasok tayo sa isang ibang kapaligiran na may ibang kapamahalaan ibang awtoridad. At kung hindi magustuhan ang kanilang pamamalakad o ang kanilang pamamahala “bukas naman ang gate maaring lumabas anumang oras mo gustuhin, ayaw mo eh, mabuting umalis na nga lang di ba?”
Kaakibat ng pagpasok sa isang unibersidad… lahat ng mga materyal na bagay katulad ng mga lamesa, upuan at maraming marami pa ay hiram lang natin dahil ang binayaran natin ay ang kanilang serbisyo. Kung ganun, wala tayong karapatan na sirain, babuyin ang mga iyon dahil hindi natin iyon pagmamay-ari bagkus hiram lang natin. Oops! Paalala ito ay sa akin lamang.
Alam nyo kung gusto talaga natin ng kaayusan, simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos.

Awit ng Pusong Ulila
Awit ng Pusong Ulila
sa panulat ni Ashley Lucas
Lumilipad ang mga gigintong yabag
Sa daan kung saan puno ng sanga,
Hinahawi ang tinik gamit ang espada
Mairaos lamang ang pusong kumakanta.
Sa gitna ng san-tatlo ikaw ang nanguna
Ginamit ang kagitingan upang maisalba,
Yaong alay na dama para sa iyong sinisinta
Maparusahan an ng Diyos ng awa.
Haplos mula sa kamay ng isang dosena,
Walang silbi sa pusong nangungulila.
Hitik na bunga mula sa Gresya,
Anupama'y pitik lamang sa uhaw na dila.
Namumutawi ang tanan mong musika
Sa aking mga ugat na tumatalima,
Hinahangad na ikaw ay makita
Bundok man at dagat ay hindi alintana.
Puspos na halimuyak mula sa lawa,
Huni ay ngalan mo ang ginugunita.
Sundot sa napakadilim kong hawla,
Naghihintay ng liwanag mula sa iyong mukha.
Pagnanasa'y umabot na sa kaitaasan,
Ngunit tila ba ating puso'y pinagkaitan.
Dama ko ang pighati at karamdaman,
Dulot ng pag-ibig na sa atin lamang nananahan.
O irog ako'y sadyang nanghihina
Dasal kong sambit ay binalewala,
Marahil tayo'y tuluyan ng tinalikuran
Pinarusahan sa pag-ibig na hindi naman kasalanan.
Hambog at taksil nga'y pinagbibigyan,
Tayo pa kayang umibig lamang sa kariktan?
Ngayo'y humahangos ang aking pusong ulila,
Gigintong yabag pinapangarap na tuluyan ng makuha.

KAPE
KAPE
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Sa pampagising mong taglay
Isip at diwa ko’y buhay
Sa kalaliman ng gabing mapanglaw
Hanggang sa pagsikat ni Haring Araw
Habang iba’y himbing na himbing
Eto ngayon ako’t gising na gising
Handing handa ng tapusin
Binigay ng gurong mga takdang aralin
At sa susunod pa na ika’y kailanganin
Ika’y muli kong titimplahin
At muli mo naming buhayin
Katawang lupa kong himbing na himbing
Salamat sa’yo Kape..Hanggang sa uulitin.

Diskriminasyon
Diskriminasyon
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan
Masaya ngunit mahirap ang buhay irreg. Nakakatuwa dahil marami kang
makikilala at magiging kaibigan. Minsan, sa bawat pagdaan sa lobby ay tila kakilala mo ang lahat ng nandoon at parang walang katapusan ang pagkaway at pagbati. Parang Ms. Congeniality ang dating! Minsan nga'y sa dami ng pangalan ng mga kaklase sa bawat seksyon ay di na matandaan lahat at sa itsura na lamang sila kilala. Masaya din daw ang maging irreg dahil hawak mo ang oras mo at pwede kang makapili ng iskedyul para sa isang semestre. Ikaw, gugustuhin mo din ba maging isang irreg?
Simula ng ako'y lumipat ng kursong Broadcast Communication ay naging isang irreg na din ako. Nararanasan ko ang hirap at saya! Masaya dahil marami ngang kaibigan. Pero hindi lamang puro saya ang buhay irreg. Mas mahirap pala ang maging isang irreg. Sa pag-enrol pa lamang ay nararanasan na namin ang hirap. Dahil sa luma ang sistema na aming ginagamit ay kailangan pa naming gumamit ng tinatawag na ace form para sa mga asignaturang naka-SIS. At sa bawat asignaturang iyon ay kailangan pa naming papirmahan sa mga propesor. Malas namin kung kami'y hindi tinanggap. Lumalagpas ng isang linggo bago namin matapos ang buong proseso. Tiyaga lamang ang kailangan lalu na't madalas wala pa ang mga propesor sa mga unang linggo ng pasukan.
Mahirap din mag-adjust sa iskedyul ng aming mga kaklase. Minsan may mga oras na may pag-eensayo o mga pagpupulong para sa mga pangangailangan sa ibat ibang asignatura. At dahil dito, madalas na hindi sumasakto ang iskedyul namin sa iskedyul ng mga regular na estudyante. Madalas ay ilang oras pa naming kailangan mag-antay sa bakanteng oras nila para sa mga pagpupulong. Iyon ang dahilan kung bakit ang katulad naming irreg ay madalas makita sa lobby, library o computer shop. Iyon ang ilan lamang sa mga maari naming puntahan habang nag-aantay. Kailangan talagang maging magtiyaga.
Pero higit sa lahat, nararanasan din namin ang diskriminsayon. Iba ang tingin samin ng ibang tao. Kapag narinig ang irreg, para kaming isang taong walang lugar para mag-aral. Ang tingin nila'y kami ang mga estudyanteng walang ginawa kundi pumasok sa paaralan at di man lang nag-aaral. Tila kami ang mga estudyanteng walang maidudulot na maganda. Nakakapanliit.
Minsan ay nagkaroon kami ng mga klaseng ayaw nila ng irreg. Ang masakit pa doon ay naranasan namin na kahit isang grupo ay walang gustong tumanggap sa amin para sa requirement sa isang asignatura. Pero hindi nga namin sila masisisi dahil iba-iba ang pananaw ng tao.
Hindi lamang iyon, minsan pa'y mismong guro ang nagparamdam sa amin nito. Napakasakit isipin na yung taong sana'y magbibigay pa sa amin ng lakas para magpatuloy sa kabila ng aming nararanasan diskriminasyon ay siya pa pala mismo ang magpaparamdam nito sa amin. Pero ayos lang dahil ang konting kirot na naramdaman namin sa aming mga puso ay nagbibigay din sa amin ng lakas para patunayan na makakatapos din kami kahit kami'y irreg.
Bawat irreg ay may iba't ibang dahilan kung bakit naging ganito. Hindi pare-parehas ang kwento ng mga irreg. At anu man ang dahilan kung bakit naging isang irreg ang isang tao ay hindi na ganun kahalaga. Ang mahalaga ay makita sa bawat isa na pursigidong mag-aral at makatapos. Irreg man o hindi, pare-parehas lamang na may karapatang mag-aral, makasali sa mga organisasyon at makihalubilo sa mga tao at higit sa lahat, pare-parehas na ESTUDYANTE kaya't parehas lamang din ang mga karapatan.
Nawa'y matutunan ng mga taong nakapaligid sa amin na kami'y tanggapin at ituring na katulad lamang din nilang ESTUDYANTE, isang simpleng estudyanteng gustong matuto at tuparin ang mga pangarap sa buhay.

Isang pag-alala...
Isang pag-alala...
sa panulat ni Joyce Jemoto
Isang gabi natagpuan ko ang aking sariling nag-iisa, sa aking tahimik na silid, hawak ang isang aklat. Malamig ang ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana at ang bilog na buwan ay tila nagpapahiwatig ng isang malungkot na magdamag. Mahaba pa ang gabi, sa wari ko'y hindi pa oras para magpahinga. Minsan gaano man kasaya ang maghapon lalamunin din ng dilim ang matatamis na ngiti at ang maiiwan ay pawang mga bakas na lamang, mga balat ng kendi, basang sapatos, mga alaalang masaya. Maaaring hindi na muling maulit, maaaring iyon na ang huli, maaaring isang araw hahanap-hanapin ko at hindi na muling masusumpungan na tulad ng dati. Minsan masarap din pala ang mag-isa, nakatingala sa kalangitan at minamasdan ang kagandahan ng mga bituin, mag-isa. Sa mga panahong ito, nakatingala ka din kaya sa mga tala kagaya ko? Sa mga sandaling ito naaalala mo rin kaya ang nakaraan at napapangiti ka rin, tulad ko? Marahil hindi, marahil oo. Marahil marami akong hindi alam. Ang tanging alam ko lamang ngayon ay nag-iisa ako, malalim na ang gabi. Minsan masarap din palang umiyak nang mag-isa, maging tunay na ikaw, marupok, mahina, tao lang. Minsan masarap din palang kalimutan na hindi mo kayang sagutin ang lahat ng bagay sa mundo, na hindi mo hawak ang buhay ng iba, na hindi mo kayang paibigin ang lahat ng taong iniibig mo, na wala kang kapangyarihan, ni lakas ng loob... Minsan masarap din palang tanggapin ang reyalidad.
Sa pagkakataong ito, patas ba na alalahanin kita, mahalin ang iyong mga alaala gayong alam ko, wala na ring silbi? Tama ba na lumuha para sa mga maliligayang panahon na kukupas din? Alin ba ang tama?
Alam ko, magkikita tayong muli at hindi kagaya noon. Magkikita tayo, kung saan tayo'y nabago na ng panahon. Hindi na kasing musmos ng dati. Malakas pa ring humalakhak ngunit mas may lalim na ang bawat salita. Matamis pa rin ang mga ngiti sa kabila ng bawat pagkasawi. Mas kilala na kaya natin ang mundo sa mga sandaling iyon? Sana.
Isang gabing malamig ang ihip ng hangin at makinang ang mga bituin, ang buwan ay nagbabadya ng malungkot na magdamag, natagpuan ko ang aking sarili. Mag-isa. Naaalala ko ang anino mo noong isang gabing walang buwan. Hinahanap ang maamo mong mukha kasabay nang pagtugtog ng musika. Mga munting kaligayahan. Mga munting pulot sa mapaiit kong mundo. Mga munting pag-asa sa mga sawing pangako.

Kristal at Bulak
Kristal at Bulak
sa panulat ni Kristine Mae A. Puhawan
Ikaw ba ay isang kristal o isang bulak?
Ihalintulad natin ang dalawang ito sa tao. Ang kristal ay ang mga lalaki at ang bulak naman ang mga babae. Noong nagkaklase kami sa Ethics, biglang nagtanong ang aming propesor kung ano ang mas katanggap-tanggap sa ating lipunan. Ang mambabae o manlalaki? At ang lahat ng sagot ay mambabae. Siguro, ito ay sa kadahilanang sobrang malinis ang tingin ng mga tao sa kababaihan. Ang bulak kapag nalagyan ng mga burak ay magbabago na ang anyo nito. At kahit ano pang gawin upang linisin ito ay hindi na ito maibabalik sa dati. Pero ang kristal kapag nilagyann ng burak ay hindi padin magbabago ang anyo nito kapag nilinis. Iyan ang malaking pagkakaiba ng kristal at ng bulak.
Kaya't para sa mga kababaihan, ingatan ang sarili. Hindi lamang dahil sa malinis ang tingin sa atin ng lipunan kundi ito ay para respetuhin tayo ng mga taong nakapaligid sa atin.
At sa mga kalalakihan naman, hindi dahil lamang sa kayo'y mga kristal ay may karapatan na kayong manloko. Nararapat padin na mahalin niyo ng buo ang nag-iisang babae sa inyong buhay.
Maging kristal ka man o isang bulak, nararapat lamang na maging tapat sa ating minamahal.

SUNOG NA KILAY
SUNOG NA KILAY
sa panulat ni Mary Ann Jobelle L. Ponce
Lapis at papel
Kanilang dala-dala
Naagsisilbing sandatang
Panlaban nila
Araw-araw libro ay binabasa
Taglay ang kaalaman
At mga gintong aral
Sa bawat pahina
Gabi-gabi’y
Nagsusunog ng kilay
Upang magtagumpay
Sa mithiin nilang tunay
Review dito.Review doon.
Puyat pa sa lahat ng pagkakataon
Lagi nalang ganyan
Sa loob ng apat na taon
Sadyang mahirap
Buhay mag-aaaral
Ngunit kapalit nito’y
Sayang di matatawaran ng anuman.
sa panulat ni Mary Ann Jobelle L. Ponce
Lapis at papel
Kanilang dala-dala
Naagsisilbing sandatang
Panlaban nila
Araw-araw libro ay binabasa
Taglay ang kaalaman
At mga gintong aral
Sa bawat pahina
Gabi-gabi’y
Nagsusunog ng kilay
Upang magtagumpay
Sa mithiin nilang tunay
Review dito.Review doon.
Puyat pa sa lahat ng pagkakataon
Lagi nalang ganyan
Sa loob ng apat na taon
Sadyang mahirap
Buhay mag-aaaral
Ngunit kapalit nito’y
Sayang di matatawaran ng anuman.
WINDANG
WINDANG
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Haggard na tunay
Ang aking buhay
Sa mga nakalipas na araw
Kaliwa’t kanan
Nakatakdang pasahan
Tila akin ng nalilimutan
Ang salitang magpahinga ka naman
Lalo na ngayon
Nalalapit na ang eksaminasyon
Ang daming kailangang pag-aralan
Kaya lagi nalang puyatan
At walang tulugan
Eye bugs tuloy ay lumalaking lubos
Sa mga gawaing di maubos- ubos
Kailan ba ito matatapos?
Ako’y bangag ng nakagapos
Sa proyektong di ko matapos tapos
Ngunit bumulong ang Diyos,
Sa sakripisyong nagawa
Nararapat ay gantimpala
Kaya ako’y naniniwala
Balang araw,paghihirap ko’y
May patutunguhan rin
Gabi'y nalalapit ng muli
at sa wakas ako’y makakatulog na rin
Ng pagkahimbing himbing.
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce
Haggard na tunay
Ang aking buhay
Sa mga nakalipas na araw
Kaliwa’t kanan
Nakatakdang pasahan
Tila akin ng nalilimutan
Ang salitang magpahinga ka naman
Lalo na ngayon
Nalalapit na ang eksaminasyon
Ang daming kailangang pag-aralan
Kaya lagi nalang puyatan
At walang tulugan
Eye bugs tuloy ay lumalaking lubos
Sa mga gawaing di maubos- ubos
Kailan ba ito matatapos?
Ako’y bangag ng nakagapos
Sa proyektong di ko matapos tapos
Ngunit bumulong ang Diyos,
Sa sakripisyong nagawa
Nararapat ay gantimpala
Kaya ako’y naniniwala
Balang araw,paghihirap ko’y
May patutunguhan rin
Gabi'y nalalapit ng muli
at sa wakas ako’y makakatulog na rin
Ng pagkahimbing himbing.
Noon ... Ngayon ...
Noon ... Ngayon ...
sa panulat ni Christine Abigael T. Lumugdan
Kalikasan noo'y lubhang kayganda
Mga puno't halaman ating kinakalinga
Luntiang kapaligiran tuwina'y pinapanatili
Upang polusyon, lubos na maisantabi.
Mga ilog ay malinis
Isdang yaman ay kanais-nais
Tubig ay malinaw
Kahit iyong sarili ay matatanaw
Hanging ating nilalanghap
Tunay na sariwa't kaysarap
Polusyon ay di alintana
Bawat isa ay may disiplina
Ngunit anong nangyari sa ating kapaligiran?
Tila Inang Kalikasa'y ating napabayaan
Disiplina sa sarili'y unti-unting naglaho
Likas na yaman ay libos na inabuso
Ating munting mga puno
Ngayo'y gamit bilang troso
Mga dapat sana'y nagbibigay ginhawa
Sanhi ngayon ng malalaking baha
Ilog na tirahan ng mga isda
Lumulutang ngayon ay mga basura
Mga pabrika'y dito bumubuga
Kemikal na sumisira sa kanyang ganda
Hangin na noo'y sariwa
Ngayo'y usok ang nakababahala
Dala nito'y maraming sakit
Perwisyong ito ay hindi kaakit-akit
Kung makapagsasalita lamang
Ating Inang Kalikasan
Sambit nito'y, "Anak nasaan na
pagmamahal mo't pagkalinga?"
Sapat na ba ang noon
Na tayo'y nagbigay pagpapahalaga?
O kulang pa ang ngayon
Upang pagkakamali'y ating mapuna?

SA KANYA
SA KANYA
sa panulat ni Christine Abigael T. Lumugdan
Unang pagsilay ko sa kanyang mga mata
Tanaw ko ang pagmamahal na nais niyang ipadama
Ang sinseridad at kanyang katapatan
Tunay na aking nasisilayan
Sa bawat oras na kami'y magkasama
Lubos ang kasiyahang aking nadarama
Lungkot sa aking labi ay napapawi
Bagkus, napapalitan ng mga ngiti.
Kung mababatid lamang niya
Puso ko'y kanyang nabihag na
Pagmamahal ko'y walang hanggan
Handang ipagsigawan kahit kanino man.
Mula sa mapait na nakaraan
Puso ko'y muling nabuhayan
Tinuruan itong muling magmahal
At pinaramdam ang pagkalinga't pagmamahal
Humadlang man ang karamihan
Sa aming wagas na pagmamahalan
Hindi mapuputol ang aming sinumpaan
SA KANYA ako masaya, noon pa man.

MAGPAKATOTOO KA
MAGPAKATOTOO KA
ni Joyce Jetomo
"Pagod na 'ko!"
Sawang sawa na sa buhay na nakasanayan at nakagisnan, ayaw ko na ng ganito.
'wag ka mag-alala hindi lang naman ako basta nilalang na nabubuhay dito sa mundo na puno ng gulo at pagkukunwari. Hindi mo inaasahan na sasabihin ko ito kasi iba ang nakikita mo sa mga kilos ko. Oo, malimit mo ako makikitang nakatambay dyan sa tabi-tabi, patawa-tawa,palaging masaya, isip-bata, pero mali ka. Kasi hindi naman nalilimitahan ng pisikal na anyo ang tunay na nararamdaman ng isang tao.
Eto ako ngayon, eto ang totoong ako. Hindi na ako ang taong nakilala mo at nakagawian ko. 'di mo ako masisisi, 'di ba? Eh, sa ngayon ko lang rin nakikita ang sarili ko sa ganitong kalagayan. Pero masaya ako kahit na nasasaktan ako, kahit medyo mahirap. Ang dami ko ngang natutunan sa mga panahong ito. Kahit 'di nasusuklian ang pagtingin at pagtatanging alay ko. Syempre, hindi naman ako naniningil. Mahirap ang umasa kaya mananatili na lamang ako sa pagkabilanggo ng paghanga. Pero hindi ako bilanggo ng sarili ko. Hindi ako natatakot na ilabas ang nakukubling ako. Hindi mo nga lang siguro halata, kasi mukhang magulo ang pagkatao ko, pero hindi ka magtataka 'pag nakilala mo ako. Magaling lang sigurong prente ang mga kilos at pananalita ko. Magulo. Nakakalito.
Hindi ko pa rin naman sinasarhan ang posibilidad na magmahal ng"straight". Kahit papaano lalaki pa rin naman ang katauhan ko. Natatakot ka sa akin? Bakit? Tao naman ako. Normal lang 'to (para sa mga taong nakakaunawa sa mga katulad ko) Ewan ko lang sa iyo.
Bakit, sino ba sila para sundin ko ang mga gusto nila? Saka wala naman ako'ng ginagawang masama kung ganito man ako. Hindi naman masamang humanga sa kapwa ko. Ang sa akin lang, naging totoo ako sa sarili ko. Hindi tulad ng iba na pilit nabubuhay sa pagbabalat-kayo. Takot ilantad ang tunay na pagkatao.
Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang katotohanan sa likod ng mga kadenang kumbensyon at paniniwala ng makalumang panahon.
Payo ko lang, huwag mo'ng hayaang maging bilanggo ka rin. Magpakatotoo ka.
Tama na ang pagtatago, lumabas ka, magpakita, magparamdam. Kung gusto mo isigaw mo o iiyak o kaya'y itawa mo.
Kung saan ka masaya, sige lang ituloy mo. Basta tiyakin mo lang na hindi kamakakasagabal at makakasagasa ng ibang tao.

Wika - Tagapagtanggol ng Kailikasa
Wika - Tagapagtanggol ng Kailikasan
sa panulat ni Majar Laika Panes
Katulad ng sanggol na saya ng bahay
Na mabubuhay lang, sa piling ni inay
Katulad ng bunsong ali ang ibinibigay
Sa gitna ng pait, dala mo'y bagong buhay
Katulad ng inang ilaw ng pamilya
Nag-aalaga ka, noon at sa twina
Dugo't pawis kung magbigay, katulad ka ni ama
Na magtataguyod, magtatanggol pagdaka
Kawangis mo'y pamilyang puno ng pagmamahal
Bigay mo'y liwanag sa mga naliligaw
Bigay mo'y kalinga sa walang tahanan
Marami'ng bigay mo mahal na kalikasan
Ngunit tulad kong tao ang sisira sayo
ang kintal ng yong buhay, mawawala maglalaho
Sa tulong mong bigay, alay nmi'y di buho
mamamatay kang bigla, at di na mabubuo
Gawa ang naglagim, wika ang tutulong
Siyang iyong pananggalang at tagapagtanggol
kung mababahagi lang sa tulad kong ulupong
marapat alagaan kalikasa'y iusbong
kaya ikaw hudas sumabay ka sa agos
magbago kang bigla, mag-isip ng lubos
si inang kalikasang matagal ng hikahos
alagaa't isalba, ang lahi mong nauubos

PILANTIK NG AKING PANITIK
PILANTIK NG AKING PANITIK
ni JOYCE LAMILA JETOMO
Maraming mga ideya ang sa aki'y nagsusumiksik
Sangkatutak na panaghoy ang sa utak ko'y sumisingit
Sa hilatsa ng isip imahinasyon ko'y gumuguhit
Pumilantik ang panitik sa taludturang marikit.
Sa bawat pagpilantik kapalaluan ang ikinukubli
Piling katotohanan lamang ang aking hinuhuni
Datapwa't kredibilidad ko'y hindi nabibili
Sapagkat katalinuhan ang aking haligi.
Sa sandaling matuyo ang aking isipan
Lulunurin ko ito ng inspirasyon upang hindi matapakan
Muli itong maglalakbay sa talinhaga ng buhay
Susuyuin nito ang tunay nitong pagbubulay-bulay.
Hindi man ako isang pantas ngunit ako'y isang pangahas
Sinuyod ko ang daang malubak, masikip at maputik
Kahit na mga kritiko ang saki'y pumipilansik
Muli pa rin akong magsusulat sa muling pagpilantik ng akingpanitik.

NAGTATAE AKO!
NAGTATAE AKO!
sa panulat ni JOYCE LAMILA JETOMO
Nagtatae ako sa isang blangkong isip
At sa isang puting papel.
Nagtatae ako sa tuktok ng aking kawalan
Ng mga emosyon at damdaming palaban.
Nagtatae ako sa himpapawid ng kamalayan
At mga saloobing sa puso ko'y naghihiyawan.
Nagtatae ako ng tinig sa aking bangungot
Bangungot ng imahinasyon, pangarap at ambisyon.
Nagtatae ako ng mga pananaw sa talukap
Ng pangarap at hamog ng alapaap.
Nagtatae ako ng tulang walang himig
Mula sa daliring unti-unting nanginginig.
Nagtatae ako sa hilatsa ng isip
Na unti-unting nabuo at matapang na tumindig
Nagtatae ako sa isang puting papel
At sa isang blangkong isip.

Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
Eksklusibo Para Kay JUAN DELA CRUZ
sa panulat ni JESSICA FERRERA
Kilala mo ba si Juan Dela Cruz?
Maraming masasamang bagay ang ipinupukol kay Juan Dela Cruz at sa ganang akin, hindi ito dahilan para naman ikahiya siya. Bakit? Wala namang perpekto ah! Kahit sino pang itapat mo kay Juan, lahat yan may kapintasan!
Si Juan daw ay tamad. Wala raw siyang disiplina. Mahilig raw umasa sa iba at sa himala. Bobo raw siya. Dakilang manggagaya raw. At higit sa lahat, wala na raw pag-asang umasenso.
Siguro nga maraming pagkakataon na negatibo ang pinapakita ni Juan Dela Cruz. Pero sana naman maisip nating hindi lang hanggang doon si Juan. Totoo iyon. Marami ring bagay tungkol kay Juan ang pwede nating maipagmalaki.
Sa mga nagdaaang "delubyo", nawalan ba ng pag-asa si Juan? Sa mga pagkakataong may karapatang sumuko si Juan, ginawa ba niya? Hindi ba't palaging nasasalamin kay Juan ang masidhing pag-asa sa puso at kalakip nito ay ang pananatili ng ngiti sa kaniyang mga labi. Ika nga ng isang pulitiko sa kaniyang naging patalastas noong panahon ng kampanya, "Nabaha na ay nakakangiti pa. Binagyo na ay nagawa pang tumulong sa iba." Astig 'di ba? 'Yan si Juan! Dalhin mo pa sa ibang panig ng mundi si Juan at tiyak akong angat at hindi siya pahuhuli sa iba't ibang larangan. Ngayon sabihin mo nga sa akin, lugmok ba si Juan?
Maaari ngang sa unang tingin ay masasabing magirap si Juan. Pero iyan ay isang mababaw na pagkilala sa kaniya. Mayaman si Juan. Hindi lang natin alam paano ilalabas ang yamang ito. Hindi man sa pinansyal pero sa mga bagay na higit na mahalaga ay tunay na pinagpala si Juan.
Maraming kritiko si Juan. At ang nakalulungkot ay ang mga kapwa "JUAN" rin nya nagmamaliit sa kaniya. Nakukuha mo ba? Saklap ano?
Baka ikaw minamaliit mo rin siya ha. Huwag naman. Gaya ng isa sa mga sabi sa Parabula ng Lapis, "Mayroong mabuting bagay tungkol sa'yo." At ganiyan rin si Juan.
Huwag nating tingnan ang mga kakulangan ng personalidad ni Juan. Kilalanin natin kung anong mga bagay na nagpapaangat kay Juan at mula sa mga bagay na iyon, unti-unti nating punan ang kaniyang mga kakulangan.
Isinulat ko ito para sa ating lahat ----- para kay Juan Dela Cruz.
Mabuhay ang mga Pilipino...

"Pa'no magmahal muli?"
"Pa'no magmahal muli?"
sa panulat ni Bb. Jayen D. San Diego (BJ2-1N)
"sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"
Pa'no magmamahal muli?
kung ang puso'y nasaktan noong huli.
Pa'no magmamahal muli?
kung hindi pa handa ang sarili.
Sa mga panahong nagdaan,
Puso'y nanatiling walang laman
Maliban sa sakit na dulot ng nakaraan
At isang kahapong kay hirap malimutan.
Pangarap na umibig at ibigin
Ay pinilit 'wag munang isipin
Dahil sarili'y kailangang hanapin
Nang ang iba'y matutunan akong tanggapin.
Mga bituin'y aking tiningala
Nagbaka-sakaling makakita ng hiwaga
Kaya't puso'y nagtanong at umasa
Nasa'n ang sa aki'y nakatadhana
Kung saan-saan na naghanap
Kasaguta'y sadyang kay ilap
Magmahal muli ay ganoon ba kahirap?
Magmahal at mahalin ba'y isa na lang pangarap?
May mga sandaling sarili'y 'di maintindihan
At puso't isipa'y naguguluhan
Tunay na nga ba ang nararamdaman
Dahil ito ay ayaw ng pakawalan
Kung ang puso'y handa na muling buksan?
Sana'y 'wag na uilt masaktan
Magmahal ay muling susubukan
Sana ito'y walang hanggan
Pa'no magmamahal muli?
Ikaw lang ang nais maging sanhi
Dahil nararamdama'y ayaw ng ikubli
Tanggap na sa sarili, ikaw lang ang nais mahalin muli.

"I would Breakaway!"
"I would Breakaway!"
sa panulat ni Jayen D. San Diego
"sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"
NP (ngayo'y pinakikinggan) : "Breakaway" inawit ni Kelly Clarkson
Sa muling pagluha ng kalangitan
Labas ng bintana ang sinulyapan
Munting pangarap'y nabuo sa isipan
Imahinasyon ko ang aking kaharian
Tinig ay nais mapansin
Ngunit 'di nila kayang intindihin
Sa mundong ito'y nais tanggapin
Ngunit sarili, dito'y di kayang hanapin
Kaya't tanging nagawa'y magdasal
At humiling sa may kapal
Na dinggin ang tulad kong hangal
Na humihingi ng munting parangal
Pinakanais ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Susubukang makuha ang hangad
Unti-unting lalabas sa kadiliman
Liwanag ang aking patutunguhan
Mga taong nagturo ng pagmamahalan
Kailanma'y di ko malilimutan
Kaya't gagawin ang lahat
Nang makuha, tagumpay na hangad
At sarili'y tuluyang mahagilap
Nang sa mundo, ako'y matanggap
Nais ko lang ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Nang ang pangarap ko'y matupad

Pagpanaw
Pagpanaw
ni Carylee
Sa apat na sulok ng silid na ito
Nabubuhay ang kakaibang paraiso
Ang mga puno ng kalungkutan at batis ng kawalan
Ang siyang nagsisilbing permanenteng tahanan
Araw at gabi ang lumilipas
Bawat Segundo ang pagkupas
Kalungkutan ay kumakalat
Sa kasiyahan at pag-asa ay salat
Paano nga ba makakatakas sa silid ng mga sawing palad?
Pilitin mang pihitin ang pinto ng pag-amin
Nahaharangan pa ring nabubulag na pagtingin
Ilang oras ba ang kinakailangang patayin?
Upang ang nagtatagong tadhana ay singilin?

Multo sa aking tabi
Multo sa aking tabi
niRashiel Pabelico
Ano itong laging naka-dikit sa akin?
di magawang umiwas, nais akong sakupin
pilit man layuan, laging nadarama
Espiritu nya'y di na mapipigilan pa
Saan man ako dako magpunta,
pilit siyang nagpapakita
ako'y natakot nang siya'y lumapit
nasaktan sa mahigpit niyang kapit
pinikit ko ang aking mga mata
pinigil ko ang aking luha
humagugol ako sa labis na kalungkutan
sapagkat aking nakita, multo ng kahirapan..

Walang pamagat
Walang pamagat
ni Laika baby baby
Nakangiti syang humalik sa aking noo
sabay sabing "anak gumising na't tumayo"
dun sa masayang lugar pupunta tayo
kakain, magpapahinga't maglalaro
Sa aming pagbaba, tanawing maganda
masayang paligid at kahali-halina
ang bawat anak na may ngiti at tawa
samantalang pag-ibig kay ina at ama
Sa ilalami ng maberde't mabangong kakahuyan
kami ay kumain at nagkakwentuham
si ama umangat sa pinagtatrabahuhan
samantalang si ina, bayad na sa utang
Sa tayog ng arae na pagkatirik tirik
masaya na akong pamilya ko'y hitik
sa pagmamahalang walang kapalit
buo na't matatag, masaya't walang bahid
Sa pamilyang tulad niyan kay sarap sumali
ngunit katotohanan pa rin ang saksi
masakit tanggaping paggising ikukubli
kabaligtaran lang ang lahat ng nangyari

Saturday, September 18, 2010
YARI KA!
YARI KA!
by Maria Kristina V. Dario
Bago umalis ng iyong bahay ay mag isip-isip na muna,
At baka kung "anung meron" sa iyong bag ay makita.
Si Manong guard nasa gate ay nakabantay,
Kung mag-inspek, alikabok lang ang walang latay.
Ang mga tsinelas ay itago na,
Pagkat bawal sa Eskwelehan ang nakalabas ang paa.
Kahit ang tinidor sa iyong baon ay kalimutan na,
At baka ang nangangapa ay matusok pa.
Wag mong kalimutan ilawit ang iyong I.D
Na kung baga sa Diyosa, 'yan ay brilyante.
Iwasan ring magkamali sa pagsuot ng sapatos,
Pagkat kung di 'yan itim, tiyak may babatikos.
Kabi-kabila man ang ipinagbabawal sa atin,
Ay hindi natin dapat babalewalin,
Ang gusto lang naman ng pamunuan, tayo'y maging handa.
Sa tamang pagporma, pagkilos at paggawa.

PANANABIK
PANANABIK
ni Maria Kristina V. Dario
Magdamag na akong naghihintay sayo
Maga na ang mga mata, naghihintay na datnan mo
Dating sigla ako'y di na halos bumalik
Umaasang sa gabing ito'y magwawakas na ang pananabik.
Lahat na yata ng posisyon ay akin ng nagawa
Patayo, paluhod,patuwad at padapa,
Humiga na ako sa sahig nagpatirapa
Ngunit walang saysay pala kung ika'y wala.
Kailan ka ba babalik upang punan aking pangangailangan
Bawat gabi ako'y kulang nang ako'y iyong lisan
Ayoko namang sa yosi't alak ay pamisan
Oh, antok, ikaw ba'y nasan? Insomia, ako'y iyo nang iwan!

My RC Tan
My RC Tan
(ito po ay aking dinededicate sa pinakamamahal kong BF :] , oh diba ang landi ko)
ni Elaine R. Ramos
Araw-araw gusto kang kasama
It's like you are my own mama
You are lovable, caring and thoughtful
At alam kong, I love you among them all.
Pustiso ka nga bang talaga?
Kung wala ka kasi, hindi makangiti ng sobra.
I love my RC, sabi nga ni Maja
Selos ako. Pati artista gusto ka.
Love never needed to be so blind,
Kasi destiny will make a way to make us bind.
Sayo kaya ay hindi ako nabulag
Pero nang nakita ka, panti ko ay nalaglag. :)
Sa online shop, I will never put you to bid,
Pagmamahal mo kasi ay walang patid.
Para na rin pala kitang kapatid,
You are always there to be with.
I don't sing pero lagi tayong duet,
Hind isa pagkanta kundi sa pagiging makulit
Kapag kasama ka laging sira ang diet,
Ok lang pala, basta ba lagi mong treat e.
Pasensya kung marami akong crush
Sa beauty pageant ikaw naman ay ang aking sash.
You are my one and only love
Kaya ikaw ay aking iniingatan, babz :)
Kung sakaling ang puso ko ay dalawa,
Ang isa ay para mahalin ka
At ang natitira ay para mas mahalin ka
Sa akin, ganyan ka kahalaga.
Alam mo mahal na mahal kita,
Kulang na lang pakasalan ka.
What if, marry me na kaya?
I think it would be very masaya.

SALITANG-UGAT, Pilipinas 1832
SALITANG-UGAT, Pilipinas 1832
ni Jomar Ian Calope
Ugat sa sinapupunan
Ng pinagpalang Inang Kalikasan,
Perlas sa kanya’y pinakaiingat-ingatan
Upang sangkatauha’y bigyan kaalaman;
Ngunit isinilang niyang karunungan
Tangan-tanga’t siya’y kinakalaban;
Pinanggalingan ng kanilang kapangyarihan,
Hindi na kinilala’t kinalimutan.
Kaawa-awang inang pinagmulan
Ng immortal na sandata ng sanlibutan;
Dinggin sana kanyang kahilingan
Silang mag-ina’y bigyang kanlungan – alagaan.
Anak niya’y walang kamatayan
Subalit siya’y malapit na sa hangganan,
Hindi na sa kapabayaan
Datapwat ay sa sariling kagustuhan,
Ng mga nilalang na pinagmalasakitan.
Hihintayin pa bang ihatid sa kanyang libingan
Pinag-ugatan ng wikang ating kaibigan;
Lisanin na ang kasamaang kinasadlakan
Wakasan ang bangungot ng kalikasan
Kailangan ng wika ang natatanging sinapupunan.

KANDILA, Pilipinas 1521
KANDILA, Pilipinas 1521
ni Jomar Ian Calope
Pinipigilan mong ako’y malusaw
Tuwing may nagtatangkang pumukaw,
Sa aking alab na tumatanglaw
Tumatagos hanggang matunaw.
Iniligtas mo na naman ako
Ngunit hindi kayang ipangako
Na buong buhay ko
Ilalaan lang para sayo.
Hindi mo ako kailanman nilisan,
Subalit hindi naman magkasintahan;
Kahit lihim na pagtitinginan
Hindi ko maramdaman.
Paumanhin sa aking kakulangan
Bagamat hindi ko kayang punuan
Sapagkat ako’y sadyang nilikhang
Manhid at walang pakialam.
Naiinis ka na marahil
Sa paulit-ulit na pagpigil
Sa nakatakdang pagkupas
Ng kaluluwa ng lumipas.
Paalam na aking kaibigan
Na sa aki’y nanindigan;
Lihim mong pagtingin
Sa langit ko dadalhin.
ni Jomar Ian Calope
Pinipigilan mong ako’y malusaw
Tuwing may nagtatangkang pumukaw,
Sa aking alab na tumatanglaw
Tumatagos hanggang matunaw.
Iniligtas mo na naman ako
Ngunit hindi kayang ipangako
Na buong buhay ko
Ilalaan lang para sayo.
Hindi mo ako kailanman nilisan,
Subalit hindi naman magkasintahan;
Kahit lihim na pagtitinginan
Hindi ko maramdaman.
Paumanhin sa aking kakulangan
Bagamat hindi ko kayang punuan
Sapagkat ako’y sadyang nilikhang
Manhid at walang pakialam.
Naiinis ka na marahil
Sa paulit-ulit na pagpigil
Sa nakatakdang pagkupas
Ng kaluluwa ng lumipas.
Paalam na aking kaibigan
Na sa aki’y nanindigan;
Lihim mong pagtingin
Sa langit ko dadalhin.
Sinta
Sinta
Ni Christine Ronalyn Baoy
Nagkita na ba tayo?
Noong tayo ay bata pa,
Ikaw ay dati’y ibang iba,
Hindi gaanong gwapo
Pero ngayo’y iba ka na,
Abot langit sa kagwapuhan,
Ako’y nahulog sa iyo,
Parang anghel na totoo.
Ako’y nag-isip nang mabuti
Nagtanong nang maigi
Ngunit wala ng iba…
Ikaw lamang Sinta
Walang ibang hihintayin pa
Tinuruan mo akong umibig Sinta
Ako ay iyong hinarana,
Sa harap ng aming bahay,
At sabi mo…
Ikaw lang ang mahal ko…
Ako ay hindi nakapagsalita
Nabigla sa binitiwang salita
Hindi ko inaasahan na…
Sa akin ay may lihim na pagsinta.
Ni Christine Ronalyn Baoy
Nagkita na ba tayo?
Noong tayo ay bata pa,
Ikaw ay dati’y ibang iba,
Hindi gaanong gwapo
Pero ngayo’y iba ka na,
Abot langit sa kagwapuhan,
Ako’y nahulog sa iyo,
Parang anghel na totoo.
Ako’y nag-isip nang mabuti
Nagtanong nang maigi
Ngunit wala ng iba…
Ikaw lamang Sinta
Walang ibang hihintayin pa
Tinuruan mo akong umibig Sinta
Ako ay iyong hinarana,
Sa harap ng aming bahay,
At sabi mo…
Ikaw lang ang mahal ko…
Ako ay hindi nakapagsalita
Nabigla sa binitiwang salita
Hindi ko inaasahan na…
Sa akin ay may lihim na pagsinta.
Ikaw
Ikaw
Ni Christine Ronalyn Baoy
Noong una kang makita
Sumunod aking mga mata
Hinangad na makilala ka
‘Di malaman ang nadarama.
Kahit na malayo ako sa iyo,
Nadarama ko ay ‘di pa rin nagbabago;
‘Di ako makatulog t’wing gabi,
Gabi-gabi na lang ako ay ‘di mapakali.
Sana maipahiwatig ang nadarama ko
Aking maipadama ang nilalaman ng aking puso
Ibibigay ko sa’yo lahat ng luho,
Kahit umabot pa tayo sa dulo ng mundo.
Kahit na ako ay mapahiya lamang
Sana ay maintindihan ang aking kalagayan.
Sana magmula ngayon ay lagi kang masilayan
Dahil hindi ako nakukumpleto kapag hindi ka makasama
Lagi kang mamamalagi sa aking puso… IKAW

Tuesday, September 14, 2010
Wikang Filipino
Wikang Filipino
Ruffa Indico
Tayong mga Pilipino, may sariling wika
Dumako ka man saang sulok ng bansa
Makikita mo na pinagbuklod ng isang salita
Ito'y sagisag ng bansang malaya
O wika ko, ano ang halaga?Kung lahat sila'y nasa pandaigdigan na salita
Wikang ingles, "universal language" ika nga
Mga Pilipino tuloy napipilipit ang dila
Bawat bansa may kani-kaniyang salita
Na siyang nagbubuklod sa isang bansa
Kahit na buwagin pa ito ng tadhana
Isang lahi kamtumbas ay isang wika
Wikang Filipino ating pahalagahan at siyang pagyamanin
Huwag ikahiya't sa maayos ating gamitin
'Pagkat ito ay sumisimbolo sa lahi natin
Wikang Fiilipino, syang pagyamanin, ating yakapin

Sa Tawag ng Kadiliman
Sa Tawag ng Kadiliman
(sa panulat ni Lyka Dianne Flores)
Poot ko sa iyo ay sukdulan na
Hindi ko alam kung ikaw ay mapapatawad pa
Sa mga katarantaduhan na iyong ginawa
Mabuti pa sigurong ika'y mamatay na.
Wala ka ng ginawang tama
Halos lahat ng tao sa paligid mo ay puno na
Tanging hiling lamang sa'yo ay ang magbago ka
Pero nasaan na? Mamumuti na ang mga uwak ay wala pa.
Hindi ko na kayang tiisin ang lahat ng ito
Mga paghihirap na dinaranas dahil sa pag-uugali mo
Sa makitid mong utak wala ng itutungo
Pagpapaliwanag para din sa ikabubuti mo.
Laman ng aking panalangin ay palaging ikaw
Kay Bathala ikaw ay aking pinagmamakaawa
Ngunit sa tingin ko ay hanggang dito na lang
Makulong man sa gagawin ay wala ng pakialam.
Sa makalawa, bukas o kahit mamaya
Ako at ang talim sa aking kamay ay handa na
Ito ay isang maliit lamang na sakripisyo
Para sa iyo, kapatid ko.

IMAHINASYON KO LANG PALA
"IMAHINASYON KO LANG PALA"
(Sa panulat ni:Joseph Ray Ramirez)
Sa pagmulat ng aking mga mata
Ay aking muling nakita
Ganda ng mundo
Na kaloob sa ating mga tao
Kulay luntiang kapaligiran
Akin muling nasiliyan
At bughaw na kalangitan
Tila aking nakamtan
Ngunit ano ito
Di pala ito totoo
Sa likod pla nito
Ay tila may isang multo
Dahil peke pala ang aking nakita
Iyon pala ay nasa akin lang gunita
Dahil ang katotohana'y
Kapaligira'y tila inaanay
Na uti-uting sinisira
Nating mga maninira
Na holos ubusin
Ang kayamanang kaloob sa atin
(Sa panulat ni:Joseph Ray Ramirez)
Sa pagmulat ng aking mga mata
Ay aking muling nakita
Ganda ng mundo
Na kaloob sa ating mga tao
Kulay luntiang kapaligiran
Akin muling nasiliyan
At bughaw na kalangitan
Tila aking nakamtan
Ngunit ano ito
Di pala ito totoo
Sa likod pla nito
Ay tila may isang multo
Dahil peke pala ang aking nakita
Iyon pala ay nasa akin lang gunita
Dahil ang katotohana'y
Kapaligira'y tila inaanay
Na uti-uting sinisira
Nating mga maninira
Na holos ubusin
Ang kayamanang kaloob sa atin
Sinta
Sinta
Ronalyn San Pedro Baoy
Sinta
Nagkita na ba tayo?
Noong tayo ay bata pa,
Ikaw ay dati’y ibang iba,
Hindi gaanong gwapo
Pero ngayo’y iba ka na,
Abot langit sa kagwapuhan,
Ako’y nahulog sa iyo,
Parang anghel na totoo.
Ako’y nag-isip nang mabuti
Nagtanong nang maigi
Ngunit wala ng iba…
Ikaw lamang Sinta
Walang ibang hihintayin pa
Tinuruan mo akong umibig Sinta
Ako ay iyong hinarana,
Sa harap ng aming bahay,
At sabi mo…
Ikaw lang ang mahal ko…
Ako ay hindi nakapagsalita
Nabigla sa binitiwang salita
Hindi ko inaasahan na…
Sa akin ay may lihim na pagsinta.
Ronalyn San Pedro Baoy
Sinta
Nagkita na ba tayo?
Noong tayo ay bata pa,
Ikaw ay dati’y ibang iba,
Hindi gaanong gwapo
Pero ngayo’y iba ka na,
Abot langit sa kagwapuhan,
Ako’y nahulog sa iyo,
Parang anghel na totoo.
Ako’y nag-isip nang mabuti
Nagtanong nang maigi
Ngunit wala ng iba…
Ikaw lamang Sinta
Walang ibang hihintayin pa
Tinuruan mo akong umibig Sinta
Ako ay iyong hinarana,
Sa harap ng aming bahay,
At sabi mo…
Ikaw lang ang mahal ko…
Ako ay hindi nakapagsalita
Nabigla sa binitiwang salita
Hindi ko inaasahan na…
Sa akin ay may lihim na pagsinta.
PAGLISAN, DI SADYA
"PAGLISAN, DI SADYA"
Ma.Victoria B. Garcia
Noong araw na nakilala kita
Tumibok ang puso sa’yo aking sinta
Hindi mawari aking nadarama
Sana ito’y iyong nakikita
Masaya ako tuwing kasama kita
Malungkot ako kapag ika’y wala
Sa tabi ko sana’y laging narito ka
Upang ang araw ko’y laging maligaya
Dumating ang araw na ako’y iyong sinaktan
Wala akong ginawa kundi umiyak ng lubusan
Hindi ko alam kung ano nga bang dahilan
Nang hindi sinasadyang iyong paglisan
Bakit nga ba ako’y iyong iniwanan
Ano bang nagawa upang ako’y iyong saktan?
Mahirap tanggapin ang katotohanan
Na ako’y iyong linisan kung saan
Sinabi mo sa aking Mahal mo ako
Ngunit sinabi mo ring “aalis na ako”
Hindi mo sinasadyang saktan ako
Ngunit sa ginawa mo, durog ang aking puso
Masakit isiping wala ka na sa akin
Ngunit ito’y kailangang kong tanggapin
Na sa iyong paglisan kailangang kayanin
Upang itong aking puso’y hindi mailibing.

Wika at Kalikasan
Wika at Kalikasan
Ma.Victoria B. Garcia
Wika at kalikasan ating pangalagaan
Wagas na pagmamahal, talagang kailangan
Wikang sariling atin, gamitin, mahalin
Kalikasan na ating natatamasa ating pagyamanin.
Mga basura ng tao, tapon doon, tapon dito
Halina’t magkaisa, tayo na’t magbago
Mga basura’y linisin upang hangin ay mabango
Malinis na paligid, masaya ang bawat tao.
Wikang Pambansa ating palawakin
Sariling atin, tangkilikin, pagyamanin
Ang wika ay napag-aaralan at natututunan
Kaya naman ito’y kaugnay ng kalinangan.
Mahalagang papel ginagampanan ng wika
Sa lipunang ating ginagalawan, ito’y nagsisilbing kasangkapan
Na ginagamit ng bawat tao sa pakikipamuhay sa kanyang kapwa
Sa pagpapahayag ng saloobin at pagbabahagi ng karunungan.
Kalikasan at wika ay ating kailangan
Kaya naman ito’y ating pangalagaan
Upang tayo’y maging huwaran
Sa mata ng bawat mamamayan.

Biro Sa Paghimbing
Biro Sa Paghimbing
Ruffa Indico
Nang minsang ipikit aking mga mata
Dagli kong nakita mundong kakaiba
Mabilis na hinanap kung saan ba papunta
Mundong tinapakan nitong mga paa
Humakbang pang muli upang mapatunayan
Sakaling lahat ito'y katotohanan
Nang biglalng bumulaga sa aking harapan
Mga naglipanang hindi ko maunawaan
Sandaling tumigil nang aking marinig
Sigaw at ingay sa aking paligid
Biglang kinabahan, takot ang sa dibdib
Aking pakiramdam biglang nanlamig
Ngunit sandali pa ay may nagsalita
Gising na! Isang mukhang kakaiba
Nang aking imulat itong mga mata
Lahat ay naglaho, panaginip lang pala
Ruffa Indico
Nang minsang ipikit aking mga mata
Dagli kong nakita mundong kakaiba
Mabilis na hinanap kung saan ba papunta
Mundong tinapakan nitong mga paa
Humakbang pang muli upang mapatunayan
Sakaling lahat ito'y katotohanan
Nang biglalng bumulaga sa aking harapan
Mga naglipanang hindi ko maunawaan
Sandaling tumigil nang aking marinig
Sigaw at ingay sa aking paligid
Biglang kinabahan, takot ang sa dibdib
Aking pakiramdam biglang nanlamig
Ngunit sandali pa ay may nagsalita
Gising na! Isang mukhang kakaiba
Nang aking imulat itong mga mata
Lahat ay naglaho, panaginip lang pala
Pangarap ng Wika
Beverly Recluta
Sariling wika'y mahalin at ingatan,
Gaya ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Wikang Filipino'y huwag itapon o dumihan,
Panatilihing may buhay, palaguin at bantayan.
Ano nga ba itong nauusong balbal?
Wikang Filipino'y sinisira, ginagawa tayong hangal.
Hahayaan ba nating sariling wika'y 'di maintindihan?
Kaya't Jejemon ay puksain, huwag tangkilikin ninuman.
Panahon ng matuto, lahat ng tao sa bansang 'to.
Mahalin at gamitin itong Wikang Filipino.
Maging ika'y Presidente o nagbebenta ng taho,
Intindiha'y makakamit kung sariling wika ang gamit mo.
Pagkakaisang inaasam ay madaling makakamtan,
Kung gagamiti'y sariling wika at hindi iyong hiram.
E ano naman kung sa Wikang Ingles ika'y mangmang,
Nasa bansang Pilipinas ka, wala silang pakialam!
Bawat Pilipino ngayon ay makiisa,
Sa paggamit ng sariling wika, tayo'y may ginhawa.
Ibandera itong wikang sa mga ninuno'y nagmula pa,
Malay mo buong mundo'y sa wika rin nati'y makiisa.
Kinabukasan, aking babalikan,
Lahing inilayo ng asul na kawatan.

ni Romina A. Ramos
Dumadagundong; ang banta’y umaalulong.
Nariyan na pala ang bughaw na ulupong.
Tinatahak ang pasilyong nilulumot,
Nang-aamba at nananakot.
Karga ang bata; karga ang benta,
Dadalhin mga yosi’t kendi, magpapalamig muna.
Saan sisilong? Saan kukubli?
Kahit ang bata lamang at supot ng kendi.
Mga mata ng aking muwang ay nakatitig sa akin.
“Saan pupunta ang tatay?” patanong n’yang lihim.
Paano kong iiwan ang isang inosente?
Tanging makakasama n’ya ay tig-pipisong bente.
Isang halik sa noo bago pa sumama,
Sa asul na taong nadaan kanina.

ANONG KLASENG BATA KA DATI?
ANONG KLASENG BATA KA DATI?
Lhymeve Bagayo
1. Dugyutin. Ito yung mga batang well, dugyot. Hindi ko alam kung napabayaan ng magulang o sadyang dumuhin lang talaga. Dito nakapaloob ang mga batang uhugin/sipunin, galisin, mga batang kalyeng nakapitan na ng polusyon, may mga kuto at kung ano-ano pang mga dumi na pwedeng makuha.
2. Bibo. Yan yung mga parang Chacha. Mga pwede sa commercial ng hotdog, gatas, chocolate drink at kung ano-ano pa. Sa sobrang pagkabibo, ang sarap iuwi sa bahay at paglaruan. Biro lang. xD
3. " I-can-see-dead-people." Sila yung mga patay na bata. Mga walang gana sa buhay. Nakasalampak lang sa tabi at nag-eemot, minsan nakatulala sa kawalan na parang may nakikita silang hindi nakikita ng mga normal. Mga bata pa lang, ang negative na ng tingin sa buhay.
4. Manny Villar. Ito naman yung may sipag at tiyaga. Alam mo yung mga batang kahit hindi utusan, gumagawa? Pa-impress kaya? Hmm. Yung iba naman, dala ng kahirapan kaya bata pa lang, nagbabanat na ng buto. Mga child-laborer kung baga.
5. Trophy. Yan naman yung mga batang EXCELLENT, OUTSTANDING, BEST IN BLAH BLAH sa school. Mga batang laging may 5-STAR na nakatatak sa magkabilaang kamay tuwing uuwi ng bahay galing eskwelahan. Mga batang halos isabit na ng maglulang at pagawan ng rebulto sa sobrang pagmamalaki nila sa anak nila.
6. Angel. Mga batang sobrang sweet. Yung mga batang pag-uwi ng mga tatay nila sa bahay eh, siya pa yung kukuha ng tsinelas na susuotin ng tatay niya.O yung mga batang nang-aalok ng pagkain sa mga bisita o kahit hindi niya kakilala. Sweet noh? HINDI AKO YAN.
7. Outcast. Mga batang walang kalaro o ayaw isali sa laro. Mga batang kawawa at inaapi ng kapwa niya.
8. SI HINGI. Ito yung mga batang buraot at madalas manghingi. Kapag sa kanila ka naman hihingi. AYAW. Yung iba, bastos pa, nilalawayan yung pagkain para hindi ka makahingi. EEEW DIBA??
9. Normal. Kung ikaw yung batang hindi ma-classify yung sarili sa mga nabanggit. Sakto lang ba. Ordinaryo.

Tahanan Nating Lahat
Tahanan Nating Lahat
Ruffa Indico
Mayroong isang tahanang malaki
Langit ang bubungan at lupa ang sahig
Bawat silid nito'y may bundok na dingding
Dagat at batisan ang siyang salamin
Palamuti naman ang tanang bulaklak
Tala at bituin ang hiya na sangkap
Maraming laruang nakapagtataka
Isadang lumalangoy, ibong lumilipad
May tanging laruang isang bolang apoy
Aywan ko ba kung sino dito'y nakapukol
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi
Siya ang ating mabait na Ama
Kay bango ng hanging kanyang hinihinga
At tayo? Oo, tayo'y magkakapatid
Buhay na ito ang ngalan ng daigdig

Ang Mabuting Pagbabago
Ang Mabuting Pagbabago
Francidieto T. Garcia Jr.
‘Wag mong ipikit ang iyong mga mata
’‘Wag kang magpanggap na hindi mo nakikita;
Ang paligid na dati ay kaysigla;
Nanganganib mawala, hahayaan mo na lang ba?
Gumawa ng pagtutumpak, kabataang Pilipino,
Ngayon mo simulan ang mabuting pagbabago,
At nang ating maisigaw sa wikang kikilalanin ng mundo;
Kung anong uri ng lahi tayo.
Ang wikang nagbigay sa’yo ng pagkakakilanlan,
At ang kalikasang nagbigay ng kaginhawaan;
Ay biyayang dulot ng pag-ibig ng maykapal,
Marapat lang pagyamanin at suklian ng pagmamahal.
Ipagmalaki mo, Kulturang Pilipino
Wikang Filipino pagyamanin mo,
Maginhawang paligid pangalagaan mo;
Matatag na bansa ang nag-aabang sa iyo.

Saturday, September 11, 2010
Sagradong Kayamanan
Sagradong Kayamanan
Roselle P. Evangelista
Wika't kalikasan ang likas na yaman
nating Pilipino na s'yang kayamanan
Ating pangangalaga dito'y kailangan
upang ito'y mapagyaman ng lubusan.
'wag kalimutan at pakatatandaan
pangangalagang sa ati'y inilaan,
ang pagyaman ng wika at kalikasan
ang responsibilidad na ating tangan.
Wagas na pag-ibig sa likas na yaman
ay talagang kailangan nating gampanan.
Ating isapuso't isakatuparan
dahil ito ay sagradong kayamanan.
Roselle P. Evangelista
Wika't kalikasan ang likas na yaman
nating Pilipino na s'yang kayamanan
Ating pangangalaga dito'y kailangan
upang ito'y mapagyaman ng lubusan.
'wag kalimutan at pakatatandaan
pangangalagang sa ati'y inilaan,
ang pagyaman ng wika at kalikasan
ang responsibilidad na ating tangan.
Wagas na pag-ibig sa likas na yaman
ay talagang kailangan nating gampanan.
Ating isapuso't isakatuparan
dahil ito ay sagradong kayamanan.
Wika at Kalikasan
Wika at Kalikasan
Carla Reyes
Wika ay sandigan sa komunikasyon.
Kalikasa’y tahanan na ngayo’y tinatapon
Pangagalaga sa kalikasan,
Kailanpa at paano?
Ang wika ay gawain nating intrumento,
Sa pagpapalaganap ng komunikasyon.
Gamit ang mapaglarong wika at isipan,
Baguhin at pagandahin ang mundo at kalikasan.
Wika, kalikasan at ang bayan.
Kung wika’t baya’y mahal,
Nararapat din ang kalikasan.
Dahil ang kalikasan at bayan ay ating tirahan.
Puno, dagat, dahon at halaman.
Letra, sulat, kaisipan at wika.
Pagmamahal na inaalay ay hindi lamang sa mga ito,
Ngunit alay na rin sa Maykapal.

Wika at Kalikasan, Mahalin at Ingatan
Wika at Kalikasan, Mahalin at Ingatan
Pauline Dimafelix
Ang ating mga aksiyon at salita,
Sa ating pang araw araw na ginagawa
Na nagpapakita ng ating pagiging iba,
Ito’y matatawag nating ating sariling wika.
Mga dahon at halamang satin ay kumakaway
Pati na mga hayop at isda na may buhay
Maging mga bukirin at karagatan, mula sa Diyos sa ati’y ibinigay
Upang magamit natin sa ating pamumuhay.
Lahat ng mahalaga
Ay binibigyang importansiya
Tulad ng wika at kalikasan
Wagas na pagmamahal tunay na kailangan.
Wag abusuhin at higit pang ingatan
Ang ating mga likas na yaman.
Ating wika ay higit pang paunlarin
Huwag ikahiya’t ipagsigawang sariling atin.

Pagmamahal ang Kasagutan
Pagmamahal ang Kasagutan
Catrina F. Garcia
Kung pagmamahal ang pag uuusapan
Lahat ng bagay ay nasasaklaw
Ngunit sa panahon ngayon
Mas higit na kailangan ito ng wika at kalikasan.
Sa pamamagitan ng pangangalaga,
Sa pag-gamit ng wasto at di pag-abuso
Sa ating kalikasang nagbibigay buhay
Pagmamahal ay ating maipapadama.
Wikang sumasalamin
Sa bawat kulturang ating nakagisnan
Dapat ding ingatan
Upang kulturang Pilipino ay maingatan ding lubusan.
Pagmamahal sa mahahalagang bagay
Ang kasagutan sa kinatatakutan
Upang hindi mawala ito
Sa atin ng tuluyan.
Kung kaya Wika at Kalikasan
Kapwa nating mahalin at ingatan
Nang sa huli ay di magsisi
Na ito ay mapabayaang tuluyan.

Kung Kailan Huli..
Kung Kailan Huli..
Catherine Santos
Sa paglipas ng panahon aking napagtanto,
Kayraming nagbago, kayraming naglaho,
May napabayaan, may naisantabi,
Nang hindi nag-iisip, paano na sa huli.
Halaman kung minsa'y parang tao,
Kung aalagaan, ito'y lalago.
Parang dagat pag napabayaa'y tila nagtatampo,
Dahil sa kapabayaan mismo ng mga tao.
Wikang Filipino, kadalasa'y binabalewala,
Di ginagamit at tila'y ikinakahiya.
Bakit 'di maisipang ito'y ipagmalaki,
Wikang banyaga kanilang pang mas pinipili.
Kung iisipin, kayganda ng ating wika,
Na ating mapapansin sa mga makata.
Mga hinabing salita, o kay sarap pakinggan,
Kay daling maunawaan, at puno ng paggalang.
Ang tao para mabuhay, kailangang mahalin,
Parang wika at kalikasan kung ating mapapansin.
Kung hindi pahahalagahan ay maaaring mawala,
Tanging pagsisisi lamang ang masasambit nitong dila.
Sa mundong ito, di mahalaga kung ano tayo,
Kung anong itsura, o kung nasaang estado,
Pagmamahal ang binigay ng Diyos para tayo'y mabuhay,
Na atin ding gagamitin at sa iba'y ialay..

IISANG MUNDO..
IISANG MUNDO..
Regine L. Granadozin
Nais kong damhin malinis na hangin
At sa linis ng tubig gusto kong manalamin
Nais ko ring umakyat sa mga puno natin
Upang kumuha ng bungang makakain
Pero hanggang pangarap na lamang ito
Kung tayo ay di na matututo
Sapagkat wagas na pagmamahal ang ating kailangan
Upang maruming kapaligiran ay masolusyunan
Mga dumi sa hangin ay gawa ng tao
Di natin pinapansin at di binabago
Malimit na pagkakasakit ng karamihan
Polusyon rin ang madalas na dahilan
Mga puno ay unti- unting nawawala
At mga kabundukan ay nakakalbo na
Pati mga dagat ay tinatapunan ng basura
Kelan kaya tayo matatauhan ng kusa?
Lahat tayo saan tatakbo,
Kung mawawala pa ating iisang mundo?
Atin ng buhayin kapaligirang nawasak natin
Na bigay ng Poong Maykapal sa atin.
Regine L. Granadozin
Nais kong damhin malinis na hangin
At sa linis ng tubig gusto kong manalamin
Nais ko ring umakyat sa mga puno natin
Upang kumuha ng bungang makakain
Pero hanggang pangarap na lamang ito
Kung tayo ay di na matututo
Sapagkat wagas na pagmamahal ang ating kailangan
Upang maruming kapaligiran ay masolusyunan
Mga dumi sa hangin ay gawa ng tao
Di natin pinapansin at di binabago
Malimit na pagkakasakit ng karamihan
Polusyon rin ang madalas na dahilan
Mga puno ay unti- unting nawawala
At mga kabundukan ay nakakalbo na
Pati mga dagat ay tinatapunan ng basura
Kelan kaya tayo matatauhan ng kusa?
Lahat tayo saan tatakbo,
Kung mawawala pa ating iisang mundo?
Atin ng buhayin kapaligirang nawasak natin
Na bigay ng Poong Maykapal sa atin.
Pangarap ng Wika
Pangarap ng Wika
Beverly Recluta
Sariling wika'y mahalin at ingatan,
Gaya ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Wikang Filipino'y huwag itapon o dumihan,
Panatilihing may buhay, palaguin at bantayan.
Ano nga ba itong nauusong balbal?
Wikang Filipino'y sinisira, ginagawa tayong hangal.
Hahayaan ba nating sariling wika'y 'di maintindihan?
Kaya't Jejemon ay puksain, huwag tangkilikin ninuman.
Panahon ng matuto, lahat ng tao sa bansang 'to.
Mahalin at gamitin itong Wikang Filipino.
Maging ika'y Presidente o nagbebenta ng taho,
Intindiha'y makakamit kung sariling wika ang gamit mo.
Pagkakaisang inaasam ay madaling makakamtan,
Kung gagamiti'y sariling wika at hindi iyong hiram.
E ano naman kung sa Wikang Ingles ika'y mangmang,
Nasa bansang Pilipinas ka, wala silang pakialam!
Bawat Pilipino ngayon ay makiisa,
Sa paggamit ng sariling wika, tayo'y may ginhawa.
Ibandera itong wikang sa mga ninuno'y nagmula pa,
Malay mo buong mundo'y sa wika rin nati'y makiisa.
Beverly Recluta
Sariling wika'y mahalin at ingatan,
Gaya ng pangangalaga sa ating kalikasan.
Wikang Filipino'y huwag itapon o dumihan,
Panatilihing may buhay, palaguin at bantayan.
Ano nga ba itong nauusong balbal?
Wikang Filipino'y sinisira, ginagawa tayong hangal.
Hahayaan ba nating sariling wika'y 'di maintindihan?
Kaya't Jejemon ay puksain, huwag tangkilikin ninuman.
Panahon ng matuto, lahat ng tao sa bansang 'to.
Mahalin at gamitin itong Wikang Filipino.
Maging ika'y Presidente o nagbebenta ng taho,
Intindiha'y makakamit kung sariling wika ang gamit mo.
Pagkakaisang inaasam ay madaling makakamtan,
Kung gagamiti'y sariling wika at hindi iyong hiram.
E ano naman kung sa Wikang Ingles ika'y mangmang,
Nasa bansang Pilipinas ka, wala silang pakialam!
Bawat Pilipino ngayon ay makiisa,
Sa paggamit ng sariling wika, tayo'y may ginhawa.
Ibandera itong wikang sa mga ninuno'y nagmula pa,
Malay mo buong mundo'y sa wika rin nati'y makiisa.
Sama-Sama Tayo!
Sama-Sama Tayo!
Paul John H. Pangniban
Ang mga puno,halaman at iba pa,
ang bumubuo sa ating kalikasan.
Marapat natin itong pangalagaan,
para sa ika-unlad ng ating bansa.
Gaya ng kalikasan, ang ating wika
ay kailangan nating pangalagaan,
dahil ang wika ay napakahalaga
at susi tungong pagkakaunawaan.
Sa paggawa ng mga simple na bagay,
makatutulong ito sa pangangalaga
at pagyabong ng kalikasan at wika,
mapapakita ang pag-ibig na tunay.
Napakadali namang pangalagaan
ating sariling wika at kalikasan,
kung ang bawat isa ay magtutulungan
at mamahalin ang mga sariling atin.
Paul John H. Pangniban
Ang mga puno,halaman at iba pa,
ang bumubuo sa ating kalikasan.
Marapat natin itong pangalagaan,
para sa ika-unlad ng ating bansa.
Gaya ng kalikasan, ang ating wika
ay kailangan nating pangalagaan,
dahil ang wika ay napakahalaga
at susi tungong pagkakaunawaan.
Sa paggawa ng mga simple na bagay,
makatutulong ito sa pangangalaga
at pagyabong ng kalikasan at wika,
mapapakita ang pag-ibig na tunay.
Napakadali namang pangalagaan
ating sariling wika at kalikasan,
kung ang bawat isa ay magtutulungan
at mamahalin ang mga sariling atin.
Wikang Katutubo, Kalikasang may puso
Wikang Katutubo, Kalikasang may puso
Ni: Ayana Camille B. Sebastian
Wikang Katutubo, Kalikasang may puso
Kapwa mahalaga’t dapat pakaingatan
Ito’y nagbigay sa atin ng buhay at pagkakakilanlan
At nagkintal ng sariling ganda sa ating mga puso
Ang Inang Wika ay siyang inang may katha
Ng komunikasyon at pagkakaunawaan
Nang diwa’y maipahayag ng may kalayaan
Salamat Inang Wika sa iyong pagpapala
Ngunit sa paglipas ng matagal na panahon
Ang pagpapahalaga ay tila nawaglit
Pumasok ang wikang banyaga at ito ang kanyang naging kapalit
At ang wikang sa ati’y umampon ay tuluyang naitapon
Inang kalikasan, Inang mapagmahal
Nagbigay sa atin ng yaman at buhay
At sa kanya tayo’y dapat magbigay pugay
Salamat sa kalikasang bigay ng Maykapal
Sa yamang likas tayo ay pinagpala
Ngunit sa pag abuso at kapalaluan,
tao’y naninira ng walang pakundangan
At sa huli tao rin ang magdadala ng galit niya
Ibayong pag-iingat at pagmamahal
Ang tanging kapalit ng natamong pagpapala,
Ng dalawang inang sa ati’y kumalinga
Kaya naman sa tuwina’y ipagmalaki’t gamitin ng tama

Gising Juan Abuso!
Gising Juan Abuso!
Richard Amborgo
Juan Abuso ito ba ang iyong gusto?
Na ang bawat isa ay hindi magkasundo
Dahil ang sariling mong wika’y ipinagkanulo.
Hindi ba dapat pag ibig ang siyang ihandog mo
Nang makapagdala ng pagbabago.
Ito ba ang naisin mo Juan Abuso?
Na ang karagata’y magdilim at kagubata’y makalbo
Upang nasisirang kalikasan ang iyong matamo
Na noon ay kahali- halina na ipinagkaloob sa iyo
Ng mga itinatangi nating dakilang ninuno.
Ito’y kalatas ng wikang kinagisnan
At panaghoy ni Inang Kalikasan.
Bagama’t itinuro ng sintang paaralan
Kalinga’t pagmamahal talagang kailangan
Nguni’t sa di kinalaunan sila’y pinabayaan.
Gising na Juan Abuso!
Halina’t buksan ang ating mga puso
Na ang Poong Maykapal ang Siyang nagregalo
Pagmamahal na matagal mong pinagmaramot at itinago
Sa sariling wika at Inang Kalikasan na nagsusumamo.

Pag-ibig Lang ang Kailangan
"Pag-ibig Lang ang Kailangan"
ni: Marie Kris Priet
Lahat ng bagay dito sa mundong ibabaw
Wagas na pagmamahal, iyong matatanaw
Kung hindi mo 'to alam ika'y naliligaw
Pagkat sa Pinas, pag-ibig ang nangingibabaw.
Wagas na pagmamahal, ito'y kailangan
Nang maipakita ang pagkamakabayan
Mga banyaga'y hindi ito nalalaman
Pagkat wika nila'y iba ang kinagisnan.
Tamang gamit ng wika'y dapat na matutunan
Nang mabatid taglay nitong kahalagahan
Ngunit di sapat na ito'y matutunan lang
Ang pagmamahal dito'y nararapat din naman.
Gayundin naman pagdating sa kalikasan
Ito'y kailangan din na pahalagahan.
Pagkat nagsisilbi itong yaman ng bayan,
At natatanging sagot sa ating kabuhayan.
Pangangalaga sa wika at kalikasan,
Nararapat lamang na ating pagtuunan
Pagkat ito'y daan ng ating unawaan,
Maging ang kaguluhan ay maiiwasan.

Dakilang Pamana ng Poong Lumikha
Dakilang Pamana ng Poong Lumikha
Coreedel Mae P. Tongol
Wika at kalikasan
Sadyang pinagbuklod ng kapalaran
Dalawang magkaibang salita
Ngunit magkaugnay sa diwa.
Wika,pundasyon ng pagkakaunawaan
Kalikasan,tumutugon sa ating pangangailangan
Bawat isa'y malaki ang papel na ginagampanan
Kapwa mahalaga sa pag-unlad ng bayan.
Kaya marapat lang na ating ipagmalaki
Sariling wika saan man magawi
Kung ating baybayin ito'y sadyang maikli
Ngunit ito'y yamang dapat ipagbunyi.
Gayundin ang kalikasang ating namulatan
Sadyang kayganda't kaaya-ayang tignan
Mga tanawing likha ng Maykapal
Karikta'y tunay,wagas at banal.
Ating limiin mga kaibiga't kapatid
Wika at kalikasan ano ang sa ati'y hatid
Magandang tanawin,maayang paligid
At malinaw na mensaheng dagliang mabatid.
Mga biyayang natatangi at espesyal
Ating pagyamanin at ikarangal
Dakilang handog ng Poong Maykapal
Marapat na alayan ng wagas na pagmamahal.

PAG-IBIG, PAGMAMAHAL, AT PAGSINTA
PAG-IBIG, PAGMAMAHAL, AT PAGSINTA
JUNA JARDIN
I
Ilang taon ka na?
Ilang taon mo nang ginagamit,
Wikang tanging binabanggit?
Gaano katagal ka nang buhay?
Gaano katagal mo nang minamasdan,
Paligid at likas na yaman na luntian?
II
Hindi mo ba naisip ni minsan,
Paano mo kaya ito natutunan?
Paano ka nagising sa katotohanan
Na sa ganitong paraan ika’y nabuhay?
Ang wikang sinasalita at paligid na nakikita,
Hindi kaya’t mahal ka rin nila?
III
Mahal ka na wika at kalikasan?
Kahibangan! Wala silang emosyon,
Ni makarinig at makakita’y di nila magawa.
O baka naman ay sa kabilang banda
Ikaw ang nagmamahal sa kanila.
IV
Ang wikang kinagisnan at paligid na luntian,
Mga yamang dapat nating ingatan.
Ngunit paano iingatan,
Ang mga bagay na walang pakiramdam?
Sa kabilang banda’y
Alam ba nito ang iyong pag-iingat?
V
Pakinabang, iyan ang mayroon sila.
Walang mata, o kahit puso.
Ngunit sila’y may emosyon na tuso.
Emosyong di mo alintana.
VI
Pakinabang sa wika ay sagana.
Paano mo ipaparating ang iyong pag-ibig
Sa iyong sinta kung wika ay wala?
Paano mo malalaman ang tugon ng wala ang wika?
VII
Gayundin ang lupa, ang likas na yaman
Paano mo ipapakita sa iyong murang supling
Na ang mundo ay luntian at puno ng pag-asa
Na siyang magbibigay ng magandang bukas?
VIII
Hindi ba’t dapat lang pangalagaan
Ang wika at likas na yaman?
Na siyang magbabadya n gating pagmamahal
Sa kapwa man natin at sa ating sinisinta.
Ito’y pangalagaan ng lubos-lubusan
Ng may pag-ibig, pagmamahal, at pagsinta
Nang ang mga ito’y patuloy na manatili
Sa atin at sa susunod pa na lipi.
IX
Pag-ibig, pagmamahal at pagsinta
Ang tanging bagay na siyang hinihiling
Hiniling ng wika gayun din ng lupa.
Kapalit ng pakinabang na hated nila.
X
Ngayon sabihin mo sa iyong iniirog
Na lubos mo siyang iniibig ng walang wika.
Makakayanan mo ba?
Paano ang kainyang tugon
Kung wika ay wala?
XI
Ngayon imulat mo ang mata ng bata
Sa paligid at lupa nang wala ng kalikasan
Mabubuo kaya ang pag-asa at saya,
Sa puso at isip niya?
Ang sagot ay hindi nga!

"Wika. Kalikasan. Pag-ibig"
"Wika. Kalikasan. Pag-ibig"
Raya V. Moron
Huning likha ng ibong malaya
Musika sa pandinig ng taong makata
Lagaslas ng tubig sa ilog at sapa
Uyayi ang dulot sa tulad ni tanda,
Mayabong na punong kanina'y tinanim
Nawala't pinutol sa pagtakip-silim
Malinis na ilog, bukal ng inumin
Ngayo'y mabaho't malabo na burak ang ilalim
Tulad nila yaong ating wika
Napalitan, natabunan ng wikang banyaga
Kung hindi ma'y nahaluan ng kung anong salita
Sapagkat tayong Pinoy tunay ngang malaya,
Tignan mo ang paligid na iyong kinalakhan
Kita mo pa ba natural nitong kagandahan?
Dinggin mo bawat salitang sayo'y namumutawi,
Iyo bang nakikilala wika ng iyong lipi?
Ang araw ay palubog na sa tulad ni tanda
Kaya't 'di niya nagawa, nais niyang ipasa
Sa hhenerasyong susunod na maging tagapangalaga
Ng ating kalikasan at sariling wika,
Nag-iwan pa nga ng isang paalala
Mula sa taong sadyang ating kilala
"Ang 'di magmahal sa sariling wika,
ay higit pa sa mabaho at malansang isda."

Kalikasan at Wika na Ating Kayamanan
Kalikasan at Wika na Ating Kayamanan
Charen Letsoncito
Ang kalikasan ay parang isang wika
May sariling yaman na dapat pahalagahan
Yamang itinuturing ng bawat bansa
Pagmamahal dito'y dapat pagukulan
Kalikasa'y may panganib na kaharap
Tao'y inaabuso't inuubos lahat
Wika'y bigyan ng importansya
Upang patay na wika'y maiwasan
Pabagobagong wika at kalikasan
Dapat bigyang pansin at paunlarin
Ito lamang ang ating maipagmamalaki
Makihalubilo man sa ibang mga lahi
Ibigin ang wika at kalikasan
Wikang nagbabago, hayaang lumutang
Kalikasan, paunlarin at wag saktan
Pagkat ito'y bahagi ng dangal ng ating lahi

Salut! Langue et la Nature
Salut! Langue et la Nature
-Kathlean S.Atacador
Hola! Como estas?
Mga katagang minana sa Kastila at ipinamalas
Dahil sa pagiging daang taon na kolonya
Wikang Espanyol, nasa ating kultura
Hello! How do you do?
Iyan ang turo at sabi sa school
At dahil sa iyan ang pang-internasyonal na wika
Hindi maiwasan ay natatabunan nito ang ating salita
Konnichiwa! Bati ng mga Hapon
Tingnan natin ang bansa nila patuloy na umaahon
Kahit tayo’y sinakop ng tatlong taon
Tinitingala pa rin natin sila hanggang ngayon
Pero kahit tatlong wika ang dumaan sa kasaysayan
Wikang ating sinasambit ay hindi mapapantayan
Daan sa ating magandang komunikasyon
“Filipino” hanggang sa dulo ng panahon
Tayo ay pinagbubuklod nito
Kahit na sabihin nila na ito ay dinamiko
O kahit pa sabihin nila ay “eow pho”
Hindi maitatanggi ang halaga nito sa ating mga Pilipino
Kung ito man ang iyong wikang ginagamit
Isang responsableng pangangalaga dito ay ikinakabit
Hindi lang sa paggamit nito araw-araw sa kalye’t bahay
Kundi ipagmalaki at isapuso habang buhay
Dahil sa nasabi ko ang kalye’t bahay sa tulaan
Hindi ba’t parang nasambit ko na rin ang kalikasan
Kalikasan na buong mundo ay nakadepende
At kung pangalagaan ito ay bibiyayaan tayo ng swerte
Kung ang wika ay tulay ng pagbubuklod
Kalikasan naman ay buhay ang idinudulot
Kung pangangalaga’y gustong ibigay
Mahalin mo ito at respetuhin ng tunay

NASYONALISMO
NASYONALISMO
Ruffa B. Indico
Dumidilim, nawawala ang liwanag
Nasaan na? Nasaan na ang aninag?
Unti-unti na tayong lumulubog
Pagkatao’t kaisipa’y nabibilog
Bagong kabanata, bagong henerasyon
Pagpapahalaga’t pagmamahal noon
Tila isang panaginip na lang ngayon
Anong nangyari? Gising Pilipinas. Bangon.
Iisang lahi, tayo’y Pilipino
Wika’y ipagmalaki ng taas noo
Isipa’y ‘wag magpasakop sa mga Kano
Unahin at mahalin wikang Filipino
Isinilang sa Perlas ng Silangan
Angkin ang kagandahan ng kalikasan
Maraming puno, maraming halaman
Magagandang tanawin, ating mga yaman
Bunga ng modernisasyon sa ating bansa
Kalikasa’y binubulabog, sinisira
O buhay, balik nga naman ay karma
Ayan at nananalasa, unos ati’y hinaharap
Pag-usbong ng nasyonalismo ang kailangan
Pagmamahal ng wagas sating bayang sinilangan
Kung ating isasapuso pagiging makabayan
Wika’t kalikasa’y tiyak na maaalagaan

Kasalanan sa Kalikasan
Kasalanan sa Kalikasan
Eldon John Silerio
Kasalanan sa Kalikasan
Hindi mo ba napapansin?
Iba na ang mundong ginagalawan natin
Ang dating sariwang hangin
Ngayo’y usok na maitim.
Kay sarap pakinggan,
Mga huni ng ibon sa kapaligiran
Pero ngayo’y ingay ng mga sasakyan
Ang maririnig sa iyong daraanan.
Mga punong dati’y nagtataasan
Ngayo’y tila nagkakaubusan
Iba na kasi ang iyong mapagmamasdan
Mga gusaling nagtataasan.
Ang dating malinis na kapaligiran
Ngayo’y kay dumi nang tignan.
Ang dati kasing kalikasan
Ngayo’y nagiging malawak na basurahan.
Wala nga ba tayong pakialam
Sa ating Inang Kalikasan
Na ngayo’y napapabayaan
Sino nga ba ang may kasalanan?
Matuto tayong mahalin
Ang mundong ipinahiram lang sa atin
Kaya’t simulan na natin
Ang pagbabagong kailangan ng kapaligiran natin.
Magagawa natin ito
Kung magtutulungan tayo
Sa maliit na bagay ating simulan
Pero malaking bagay ito para sa kalikasan.
Tayo din ang may kasalanan
Kung bakit patuloy itong napabayaan
Kaya dapat na natin solusyonan
Bago pa ang Inang Kalikasan ang magbigay ng kaparusahan.

“TRU LAB”
“TRU LAB”
Joyce Anne Calma
Tapon dito! Tapon doon!
Nagkalat ang basura sa’n man naroon
Tingin sa magkabilang panig sabay tapon
Kalat na iniwa’y hindi man lang nilingon
Nagtutumpukan sa isang sulok ng kanto
Yun pala’y pinagtsitsismisan buhay ng ibang tao
Kahit pilipit na dila “Ay tink dey shud go”
Tila nalimot na ang wikang Filipino
Kung nakapagsasalita lamang ang wika at kalikasan
Marahil tanong nila’y “Ba’t mo ako pinabayaan?”
O ‘di kaya’y sumisigaw “Wag mo akong saktan!”
Maari rin naming “Sana’y ‘di mo ako kalimutan.”
Pagmamahal ay kailangan, pagmamahal na walang hanggan
Ang magliligtas sa wika maging sa kalikasan
Tila yelo sa katigasan at manhid nating kamalayan
Sana’y apoy na mag-alab upang kaligtasa’y makamtan
Dahil sa ating wika ay nagkakaintindihan
Tayo nama’y nabubuhay dahil sa ating kalikasan
Wika at kalikasan, malaki ang katulungan
Pagmamahal na wagas and dapat na kasuklian
Mga puno at halaman, hindi ba natin sila mahal?
Mga ilog at karagatan, hindi ba natin sila mahal?
Wikang ating kinamulatan, hindi ba natin mahal?
Baka dumating ang araw na tayo na ang ‘di mahal.
Hindi naman masama ang mag-apgreyd ng sarili
Na manalita ng ingles kahit kakaunti
Tanging hiling ko bilang wika’y ‘wag kalimutan.
Manatiling pundasyon sa puso’t isipan ninuman.

WIKALIKASAN
WIKALIKASAN
Lhymeve S. Bagayo
Mula pa nung pagkabata
Sa atin na ay iminulat,
Ipagmalaki ang ating wika
At kalikasa’y bigyang ingat.
Wika na salamin ng mayabong na kultura
Ninunong mahal sa atin ay ipinamana,
Pinayaman pa ng iba’t-ibang impluwensiya
Tunay nga namang kahali-halina.
Biyaya na sana’y ipinagtataas noo
Nabaain ata sa paglimot,
Kabataa’y naging panatiko
Ng kung ano-ano at ‘di ng wikang Filipino.
Nasan na ang mahahalagang pangako?
Ng pag-alay ng gintong respeto?
Tuluyan na nga bang naglaho?
Katulad ng dahong unti-unting natuyo?
Ganito rin ata ang tadhana
Ang kalikasa’y hindi inaruga,
Mga tao’y hindi alintana
Karma dahil sa ‘di pagkalinga.
Mga bundok ay sinira
Mga ilog ay biglang nagbara,
Konting ulan tuloy ay bumabaha
Dahil lang sa mga lintek na basura.
Maduming usok ng tambutso
Akala mo’y kapreng nagtatabako,
Sa sobrang baho ika’y mauubo
Kumapit sa ilong, di maglaho-laho.
Saan ka man pumaroon
Mga mata mo’y san man lumingon,
Lipunan ayaw atang bumangon
Sa umaalingasaw na katotohanan ngayon.
Disiplina’y malabo na atang lumitaw
Kahit na kalikasa’y magsusumigaw,
Tayo sana’y wag bumitaw
Malinis na bukas wag sanang maagaw.
Kelan ka ba gigising?
Baka bukas ay hindi na makailing,
Sa malupit na lagim na sasapitin
Ganti ng tadhana’y ibibigay sa atin.
Wika’t kalikasan - dalawang elemento
Kung bakit tayo patuloy na naririto,
Hindi sana parang kanin na niluto
Itatapon pag naging tutong.
Pagmamahal na lantay
Matutunan nating ibigay,
Pagmamalasakit sa puso’y ilagay
Ng tayo ay wag nang umaray.

Sa Wika at Kalikasan Ihandog Natin ay Pagmamahal
Sa Wika at Kalikasan Ihandog Natin ay Pagmamahal
Gerald Paragas
Wika’y nagbabago, nag-iibang anyo.
Lalong napapabuti at lumalago.
Sa pag-unlad natin sumasabay ito.
Ngunit hanngang saan ang pagmamahal mo?
Kalikasa’y tunay at sadyang iba na.
Napapabuti nga ba o lumalala?
Umuunlad tayo ngunit ito’y hindi.
Sa mga palahaw nila’y para tayong bingi.
Mahal natin ang wika, ito’y totoo.
ngunit sa huli ‘di ako sigurado.
Hindi lang wika ang dapat mahalin.
Kalikasan sana’y bigyan rin ng pansin.
Bakit hindi gamitin mahal mong wika?
sa ikakabuti ng yaman ng bansa.
Tunkuling ng wika iyong napamalas
at halaga ng kalikasa’y nabakas.
Sana’y magtagal handog mong pagmamahal
nang lalong bumuti wika’t kalikasan.
Lumamang man ang isa sa pagmamahal
huwag mo lang pabayaan ang alinman.

Ikaw ang Dapat Kong Mahalin
Ikaw ang Dapat Kong Mahalin
Franklyn P. Rizo
“Mahal ko ang bayan kong sinilangan.”
Iyan ang sinasabi mo noon pa man.
Subalit sa nakikita ko sa kasalukuyan,
Dapat ba kitang paniwalaan?
Wikang gamit mo sa pakikipagtalastasan,
May bahid na ng wikang kanluran...
Maging ang kilos mo’ t gawi, O aking kaibigan
May bahid din ng kulturang dayuhan!
Kaibigan, may dapat kang malaman...
Kaya kahapon ay muli mong balikan,
Pagkat ang tunay mong katauhan,
Nakatago sa iyong nakaraan!
Ikaw ay isa sa amin,
Pilipinong noon ay inalipin...
Ngunit nakipaglaban para sa lahi natin,
Upang di magapi ng maga dayuhang mapang angkin!
Ngayon mo sabihin sa akin,
Ano ang dapat mong sundin?
Kultura ng mga banyagang nang-alipin?
O ang kulturang likas sa atin?
Ipagsumigawan mo ding sagutin,
Sino ang dapat mong mahalin?
Ang dayuhang pilit mong tinutularan?
O si Inang Bayan na dapat mong paglingkuran?

Wika at Kalikasan Pagkaingatan
Wika at Kalikasan Pagkaingatan
sa panulat ni Degones, Daisy Jennifer F.
Bansang Pilipinas, Wikang Filipino
Nagpapakilala’t humuhubog, sa ‘king pagkatao
Lubos kong mahal kaya ito’y pagkaiingatan
At pagyayamanin nang pag-unlad ay makamtan.
Wika ko, Mahal ko.
Mga salitang nais kong sambitin sa’yo
Dalangin na sana’y gayun din
Nararamdaman mo sa sariling wika natin.

Subscribe to:
Posts (Atom)