TULONG NA IBINULONG
ni Jesmar Dantes Roque
Sa ating modernong panahon
Bansa raw ay umaahon.
Mga kababayan sa dako paroon
Hirap sa buhay, 'di makabangon.
Magandang ekonomiya sa mayaman lamang bumabati,
Sa buhay ng mahirap ay humahati.
Bayang mayroong mayayamang kaunti
Mga mahihirap na maraming minimithi.
Silangang Kabisayaan, sagana sa agrikultura,
Palay na kayrami, nagtatayugang copra,
Mga yamang-dagat, mineral at enerhiya.
Rehiyong nakamamangha, labis na pinagpala.
Parating ang sakunang nagngangalit,
Kabuhayang itinigil, hindi na rin magagamit.
Mamamayan tuloy ang magigipit.
Inaasahang tulong mula sa may posisyong nakamit.
Tumama sa lupa ang bagyong Haiyan,
Sinabayan ng bugso ng hanging Amihan.
Mga bahay, istruktura hinagupit, nagtumbahan
Sumunod ang daluyong, malakas na ulan.
Kinabukasan, mga bangkay nakaharang sa daan,
Mga punong nabuwal, sirang pananim sa sakahan,
Piraso ng mga bangkang nilamon ng dalampasigan,
At ang madilim, malamig, matamlay na kalungsuran.
Mabagal na tulong mula sa gobyerno,
Mga kahong may pangalan ng kung sino,
Mga donasyong naimbak sa bangko,
Mga pansamantalang tirahang madaling maabo.
Paghihirap ng mamamayan, hindi natatapos,
Binabantayan ng militar na tila nakagapos,
Nilalabanan ang sakit at sikmurang naghihikaos.
Ito nga ay lubhang mahirap pa sa unos.
Tulong na pinagkakitaan ng mga kapitalista,
Mga pakitang-tao sa harap ng medya,
Opisyales na maagang nangampanya,
Mga politikong mandarambong ng pera.
Sa kasalukuyan, mga tulong panawagang ihandog,
Kasabay ng reklamong sama-samang idinulog,
Upang kalampagin gobyernong natutulog
Sa tulong ng Diyos, Kabisayaan tindog!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteDenmark Manlusoc
ReplyDeleteTunay ngang napakaraming mahirap sa ating bansa mga mahihirap na tuloy parin sa paghihirap sa kabila ng mga naggagandahang pangako ng mga nakaupo nung sila ay kumakandidato. Kailan nga kaya mag babago ang bulok na sistema ng bansa yung mayayaman patuloy sa pagyaman habang ang mga nasa ibaba patuloy na nasa baba kailan kaya mababago ang sirkulayon ay daloy ng sistema kailan ba?
Habang binabasa ko ang tilang ito napa isip ako bakit nga ba may ganitong uri ng sistema tayo? Di ko rin maiisip ang mha posobleng dahilan pero ano paman yun kailangan na yung wakasan sana dumating ang panahon na mag kaisa tayo at mag karoon ng isang bago ay progrsibong sistema na hindi lang para sa mga nasa taas kundi para sa lahat ng Pilipino
Malungkot na katotohanan para sa ating mga Pilipino, kapwa natin ang nagpupunla at nagtatanim. Ngunit iba ang nakikinabang, iba ang umaasenso. Imbis na ang siyang nagbayo ang umangat, isang sangkap lamang sila ng mga negosyante. Ang nakakalungkot na pananaw ay kapwa mo Pilipino ay ginugulangan mo. Patunay na ang mga nasa baba ay mananatiling nasa baba dahil di binibigyan ng pagkakataon sa halip ay pinagkakakitaan. -Aira May Judan
ReplyDeletepinapakita ng akda na ito ang totoong nangyari noong panahon na sinalanta ang bansa natin ng bagyong Yolanda. maraming mga donasyon ang nabulok at hindi na napakinabangan dahil hindi naipamahagi ng tama dahil sa kasakiman ng humahawak ng mga ito.
ReplyDeleteMakikita sa akda ang realidad ng mundo. Makikita ang kahirapan ng buhay ng mga mamamayan na nabibilang sa mababang estado ng lipunan at ang kaginhawaan ng mga mandarambong na mayayaman. Sa realidad ng mundo makikita na ang umaasenso lamang sa buhay ay ang mga nakaaangat at ang lalong naghihirap ay ang mga nasa mababang parte ng lipunan. Walang ginagawang aksyon ang pamahalaan tungkol dito, kung meron man ay sobrang bagal at minsan pa ay di na talaga naibibigay. Kapag nagpatuloy ang ganitong sistema sa ating bansa. Malabong ang ating ekonomiya ay umangat.
ReplyDeleteMARK DARRYL M. DELORIA
Ipinapakita sa akda ang realidad na hinaharap ng ating bnsa ngayon. Na ang pag-unald ng bansa, ang mga mayayaman lamang ang nakikinabang. Ito lamang kakaonting persyento lamang ng ating populasyon, ang mga mahihirap ang halos bumubuo ng ating bansa. Ngunit tila’y wala parin silang napapala. Sa ating bansa na maraming likas na yaman at agricultura, isang saglit lamang ay biglag nasisira ang mga ito dahil sa mga sakunang dumadating sa ating bansa. Ipinpakita dito ang mga dinanas ng mga nasalanta ng bagyong Haiyan. Kung saan madadming mga namata at mga narirang istraktura. At ang tulong ng gobyerno ay dapat maroon pang mga pangalan nila upang mapabango ang kanilang mga pangalan at ang ibang mga tulong ay hindi rin napunta sa kanila. Kung may tulong man na binigay, ito ay hindi rin pang matagalan. Kung tutuusin ay mas mahirap pala talaga ang mga dinadanas ng mga nasalanta pagkatapos ng unos kaysa nuong mga oras na sila ay sinasalanta. Pinapahiwatig lang ng akdang ito na dapat huwag natin baliwain yung mga paghihirap ng ating mga kababayan, sapagkat ang kanilang paghihirap ay atin ding mararanasan.
ReplyDeleteCoreen Jois M. Manay ng STEM 11-24
Nakakalungkot isipin na ang sistemang meron tayo ngayon ay bulok dahil ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap samantala ang mga mamayan ay patuloy na yumayaman. kung sino ang nasa laylayan ng lipunan ay nanatili sa laylayan at hindi ito ginagawan ng aksyon ng ating pamahalaan. Bakit nangyayari ito sa ating bansa? Sana mapansin at bigyang pansin ito ng pamahalaan upang masulusyunan na ang paghihirap ng ating mga kababayan.
ReplyDeleteNel H. Azaña STEM 1-24
Nakakalungkot isipin na ang ating mga kababayan ay nakakaranas ng kahirapan. Kung sino ang mayaman ay sila ang patuloy na yumayaman at kung sino ang mahirap at nasa laylayan ng lipunan ay sila ang patuloy na bumababa. Sana mapansin at bigyang pansin ito ng pamahalaan upang masulusyunan na ito at matapos na ang kanilang paghihirap.
ReplyDeleteNakakatuwa na nakakalungkot. Nakakatuwa dahil may isang taong nakakaalam ng pinagdaraanan ng mga taga-bisaya at sumulat pa ng tula upang iparating sa mga tao ang kawalanghiyaan ng gobyerno. Nakakalungkot isipin pagkat maraming tao ang nasawi sa kadahilanang hindi sila "informed" sa mangyayari. Walang dapat sisihin sa nangyari ngunit nakakasama lang ng loob dahil hindi sila nabigyan ng sapat na tulong. Hands down para sa awtor ng akda.
ReplyDeleteNakatutuwa ang kamalayang ipinabatid ng may akda dahil sa kanyang matalinong pagsasalarawan sa kalagayan ng ating mga kapatid sa panahon ng unos. Nakalulungkot isipin na mayroong mga gantong tagpo sa panahon na dapat nagbabayanihan ang lahat at sa halip na nagkakaisa para sa pagbangon ng isa ay pinagkakaisahan at sinasamantala pa. Magsisilbing boses ang akdang ito para sa mga kapatid nating nakararanas ng ganito at walang kakayahang maipahayag ang kanilang hinaing.
ReplyDeleteIpinahahayag sa akda ang sinapit ng mga nasalanta ng bagyo sa panahong iyon. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang reyalidad ngayon. Sa kabila ng paghihirap ng mga mamamayan ay tila nagawa pa ng gobyerno at ilang opisyal na takpan ang kanilang tenga at magbingi bingihan sa hinaing ng mga mamamayan. Pawang katotohan ang nilalamanan ng akda kaya nararapat lamang na mabigyang pansin ang nais iparating nito.
ReplyDeleteIto ang kototohanan, pasimpleng tutulangan ka ngunit malaking kapalit ang inaasahan. Pinagsamantalahan ang mga tao, pinaasa at sinayang lang ang boto sa mga politikong sa satsat lang magaling. Nakaawa na hindi naipakita ang totoong nangyari sa mga nasalanta. Mga opisyal na kukuhan ka lang ngunit kapag kailangan mo na ay hindi mahanap sa kanilang pinaroroonan.
ReplyDeleteMaraming kababayan natin sa Tacloban ang talaga namang naperwisyo at nawalan ng buhay dahil sa mapaminsalang dulot ng bagyong Yolanda, naibigay ng maayos at ginamitan ng matalinong pamamaraan ng akda na ito ang nais ipabatid kung ano ang totoong kalagayan ng mga nasalanta sa ng bagyo sa tacloban. Mga corrupt na opsiyales, donasyong hindi nakaabot sa kanila at lahat ng dinanas nila ay nakasulat sa akdang ito.
ReplyDelete