Lazada

Saturday, March 4, 2017

TULA KO PARA SA’YO ni Michael Bermundo

TULA KO PARA SA’YO
ni Michael Bermundo

Para kang kalabasa
Lumilinaw aking mata
Tuwing ika`y nakikita
Iba aking nadarama

Tulang aking sinulat
Tapat kong inaalay
Sa isang binibining
Bumihag ng puso ko

Di maipaliwanag
Ang sayang nadarama
Sa bawat sandali na
Masilayan `yong ganda

Ang pag-ibig kong inasam
Inanod sa tubig tabang
Nilamon ng karagatan
Na para bang sakal-sakal

Kapag ika`y ngumingiti
Na mula sa ibang binhi
Dala nito`y dalumhati
At matinding pighati

Isa kang bilanggo
Sa puso`t isipan ko
Kailanma`y di naglaho
Pagtingin ko para sayo

9 comments:

  1. Sobrang simple at ikli ng tula pero alam mong nandun yung mensahe na gusto ipabatid nung may akda. Nakikita dito yung pagiging tapat nung tao sa iniibig nya na kahit alam mong masaya na sa iba yung taong gusto mo eh nananagili ka pading mapagmahal sa kanya. :)

    ReplyDelete
  2. Lihim na pagtingin mong wagas para sa kanya.. napaka swerte ng babaeng ito sapagkat may nagmamahal sa kanya ng palihim ngunit sa kabila'y may lungkot rin dahil walang lakas na loob upang umamin.. hanggat may pagasa pa, umamin kana dahil may posibilidad na malay mo gusto ka rin niya.

    ReplyDelete
  3. Makikita mo sa kanyang tula na nais niyang ipabatid ang kanyang pagtingin sa isang dilag na may minamahal ng iba. Na kahit may iba itong gusto, sapat na sa kanya na masilayan lamang ang magandang muka at ngiti nito., kahit na hindi para sa kanya iyon. Tapat ang kanyang pagmamahal sa babaing kanyang iniirog, pagkat sa iba man ito nakatingin, hindi parin siya sumusuko.

    ReplyDelete
  4. Isang magandang paraan ang tula upang maipahiwatig ang nararamdaman ng isang tao. Nakapaloob ang tunay na nararamdaman at nailabas ang pagiging makata. Maswerte ang babaeng pinaglaanan ng tulang ito sapagkat kitang kita ang buong pagmamahal na nararamdaman ng sumulat ng akda.

    ReplyDelete
  5. Isang maikli ngunit ramdam mo ang mensahe na gusto nyang ipahiwatig at maganda na ginawa nya ang pagsasabi ng kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng tula at nasabi nya ang kanyang nararamdaman at pagmamahal sa kanyang iniirog na dalaga

    ReplyDelete
  6. Mararamdaman mo ang pag-ibig ng manunulat sa kaniyang nagugustuhan at sa tingin ko ay napakagandang paraan ito upang ipahayag sa nagugusthan niya ang nararamdaman niya

    ReplyDelete
  7. Isang tulang punong-puno ng pagmamahal. Ang tulang ito ay marahil ngang puno ng pagmamahal, ngunit sa kabilang dako ay may lungkot na nakakubli. Ang pagmamahal ng palihim ay sadyang isang bagay na masakit para sa may-akda. Ngunit wala nang mas tatamis pa sa tulang iniaalay sa kanya ng isang taong tunay na nagmamahal.

    ReplyDelete
  8. Nabihag mo ang aking puso't isipan. Marahil mahal na mahal mo ang babaeng ito sapagkat sa sobrang mahal mo ay di na natanggal sa isipan mo ang pagtingin mo sa kanya. Nakakaantig at nakakabighani

    ReplyDelete
  9. Minsan ka na lang makakakita Ng lalaking gnto makata SA paqsusulat Ng narmdmn . Ito ang kdlasanq gustuhn nq babae .

    Kyla Mendoza

    ReplyDelete