- Coreen Jois M. Manay
Sa gabi man o sa umaga
Palagi kang nandyan
Sa lungkot at ligaya
Hindi kailan man lumisan
Sa dilim ika'y nagbigay ilaw
Binigyang liwanag ang daan
At gabay upang hindi maligaw
Sa mundong puno ng kalaban
Ika'y nandyan parin sa umaga
Tahimik lang na nagbabantay
Pinagtatangol sa mga trahedya
Upang ang buhay ay matiwasay
Hindi man kita makapiling
Alam kong ika'y nagbabantay
Kaya ito ang tanging hiling
Na iyong buhay mapuno ng kulay
Tayo ay Mahal NIYA. Niya? ng Diyos. pag mahal mo ang isang bagay iyon ay iyong poprotektahan. Ganyan nya tayo kamahal. Walang pinipili. Lahat pantay pantay. Ang gawin mo lang ay manalangin at magpasalamat, sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sayo, sa pamilya mo at sa mga taong nakapaligid sayo.
ReplyDeleteMaayos na naipahiwatig ng may akda ang paglalarawan sa Diyos na lumikha, maituturing ko itong kakaiba sapagkat ang araw ang kadalasang sinisimbolo ng Diyos, sapagkat ito ay liwanag habang ang buwan naman ay kadiliman. Siguro nga oras na para basagin ang mga nakagisnan na. Tama ang may-akda na hindi lamang sa gabi nagpapakita ang buwan. Ang Diyos ay palagi lang nariyan, kung minsan ay nasa ibang kaanyuan lamang gaya ng mga mukha ng buwan. Mapapansin ding ang liwanag nito ay hindi gaanong nakakasilaw, sapagkat ang Diyos na nakilala natin nagkatawang lupa ay minsang nagpakumbaba. Mapapansin din nating mas malapit ang buwan kaysa sa araw, nangangahulugan na ang Diyos ay madaling lapitan. Kapag may buwan nababalanse ang taas at baba ng tubig sa ating karagatan na siyang bumabalanse sa ating mundo. Kapag may buwan nangangahulugang walang paparating na bagyo at suliranin sa ating mga buhay. Kung minsan na may ang buwan ang tumatakip sa araw na nagbibigay ng saglit na kadiliman upang ipaaalala satin ang proteksyon at pagtubos sa ating kasalanan
ReplyDelete