Kinabukasan
Ni Jizelle P. Juntayas
Noon, sa pagdilat ng aking mata,
Agad ko nang nahihinuha.
Ang aking masusumpungan,
Sa labas ng aming kabahayan.
Maaliwalas na sikat ng araw,
na sumisilaw sa mga kalabaw.
Mga luntiang kabundukan,
na singtaas ng kalangitan.
Malawak na kapatagang,
punong puno ng palayan.
Napakalinaw na ilog,
na may repleksyon ng niyog.
Ngunit, ano na ang nangyari ngayon?
Nakakalbo na ang kabundukan,
na noo'y dinarayo ang kagandahan.
Mga kapatagang sinasakahan,
ngayo'y wala nang tauhan.
Ilog na dati'y nag uumapaw sa isda,
ngunit ngayo'y puno ng basura.
Unti-unti na itong nasisira,
dahil sa ating mga gawa.
Kumilos na hangga't maaga,
bago pa mahuli ang lahat.
Maganda ang mensahe ng akda. Ipinapakita nito ang simpleng pamumuhay at natural na kagandahan ng mga tanawin noon na unti unting nagbabago at nagiging isang moderno at industriyalisadong tanawin. Mahihinuha sa akda ang negatibong epekto ng malaking pagbabago sa ating natural na kapaligiran.
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na ang kapaligitran natin ay patuloy na nagbabago nalulumo tayo ngunit tayo rin mismo ang mga maituturing na salarin. Napakaganda ng ating bansa sagana tayo sa lahat ng yaman sana ay matututunan nating mahalin at ito'y pangalagaan.
ReplyDeleteAng tula ay nagpapakita kung gaano dati kaganda ang kalikasan at gaano dapat dapat tayo maging mapagpasalamat sa kagandahan nitong taglay. Ngunit paano ang kinabukasan ng iba kung ito'y wala na at naabuso na ng iba
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHindi na talaga nakapagtataka ang mga pagbabagong nangyayari sa ating kapaligiran, nakakalungkot na lang isipin na unti unting nawawala ang likas na ganda ng kapaligiran. Hanggang kailan kaya matututo ang lahat sa salitang "pagpapahalaga"
ReplyDeleteAting mahal na likas yaman, ating munting tahanan ngayon ay wala na. Di pagpapahalaga siyang kaniyang nakamtan matapos natin siyang gawing kanlungan, mga walang pakundangan sa pag gawa ng mali sa kaniya ay dumarami. Panahon na para tayo ay magkaisa, kumilos at magtulungan upang ang mga batang isisilang pa ay may magagandang tanawin pang maasisilayan at malinis na hanging malalanghap.
ReplyDelete