- Coreen Jois M. Manay
Ilang beses ko man titigan
Kahit kailan hindi na mababalikan
Ang masasayang araw na nakaraan
Mga hindi malilimutang pangyayaring nagdaan
Mga pagbabago sa nakalipas na panahon
Ang mga di' makakalimutang turo ng kahapon
Itong mga alaala ang aking tanging baon
Ang mga ito ay unti-unti ko nang naipon
Sa mga alaala ako'y nakakulong
Ika nga nila ang buhay ay parang gulong
Kaya kailangan nang tapusin, ito ang bulong
Upang paghahanda sa aking pagsulong
Sa mga alaala'y kailangang magpaalam
Sapagkat ito nalang ang aking alam
Upang tuluyang maabot ang inaasam
Sa buhay na puno ng mga paalam
Tunay nga na nakakalungkot tignan ang mga litrato na punong puno ng mga masasayang alaala, ngunit lilipas din pala. Tayo ay magpasalamat dahil nangyari ang mga ito dahil baka ibang tao tayo ngayon kung sakaling hindi mangyari ang mga iyon.
ReplyDeleteMay aalis may darating ganito ang buhay ng tao walang permanente sa mundo, mga nawala ngunit may naiwang ala-ala, may saya, lungkot, takot, ngunit ito'y di mawawala ngunit huwag sana tayong mabuhay sa nakaraan may nawala man mag patuloy tayo sa pag lakad
ReplyDelete-Arcilla, Alliah Gayle B.
May mga bagay talaga na magpapaalala satin ng ating mga pinagdaanan, masaya man o hindi. Nakakalungkot mang isipin ngunit sa paglipas ng panahon ang mga alaala ay mananatiling alala na lamang at kailangan nating magpatuloy sa ating buhay.
ReplyDeleteMay mga bagay na nagpapaalala sa atin ng ating mga pinagdaanan masaya man o malungkot ngunit nakakalungkot isipin na sa palipas ng bawat araw buwan o taon ang alaala natin ay mananatili nalang alaala na lang at kailangan pa rin nating magpatuloy sa agos ng ating buhay
ReplyDeleteNakakalungkot man nga isipin na ang mga masasayang araw ng nakaraan ay hindi na mababalikan ngunit masaya din isipin na salamat at nangyari ang masasayang alaalang iyon sa'yo. Hindi man uli ito mangyari sa'yo at least sa puso't isip mo ay nakatanim ito
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMay masasakit mang ala-ala ng kahapon, ito rin ang tutulong sa iyo para sa bukas ay makaahon. Marahil mas mabuti nang mabuhay ng may kahapon kang inaalala; masakit man o maginhawa. Dahil bago ipana ang pana hihilain ka muna nito sa palikod bago ka bumulusok paharap.
ReplyDelete