ni Nel Azaña
Kurakot sa bayan ay pagbayarin
Sa kaparusahang di niya nanaisin
Dahil sa kanya tayo'y nabibitin
Sa kahirapang sa bansa'y sumasalamin.
Pondo ng bayan
Wag gamitin sa kasakiman
Dahil dito'y nararanasan kahirapan
Nang mga mamamayan.
Kahirapan sa pilipinas
Ating bigyang lunas
Upang sa darating na bukas
Ating pakpak ay ipapagaspas.
Denmark Manlusoc
ReplyDeleteTama marapat ngang pagbayarin na sila dahil sila ang dahilan ng patuloy na pag bagsak ng ating mahal na bansa sila din ang dahilan kung bakit dumarami ang mahihirap at nagugutom dahil imbes na ipamahagi ang yaman kanila itong sinasarili mga walang hiya sila sila lang ang nakikinabang ng mga yamn ng atung bansa habang tayo ang nag papakahirap sa pag tratrabaho pero sila kinukuha lang ang ating mga pinag hirapan.
Nararapat lang na pabagsakin na ang mga baluktot na opisyal na yan kailangan na nilang maparisahan sa kanilang mga kasalanan.
Denmark Manlusoc
ReplyDeleteTama marapat ngang pagbayarin na sila dahil sila ang dahilan ng patuloy na pag bagsak ng ating mahal na bansa sila din ang dahilan kung bakit dumarami ang mahihirap at nagugutom dahil imbes na ipamahagi ang yaman kanila itong sinasarili mga walang hiya sila sila lang ang nakikinabang ng mga yamn ng atung bansa habang tayo ang nag papakahirap sa pag tratrabaho pero sila kinukuha lang ang ating mga pinag hirapan.
Nararapat lang na pabagsakin na ang mga baluktot na opisyal na yan kailangan na nilang maparisahan sa kanilang mga kasalanan.
Hindi man ngayon at hindi man sa kanila mismo. Marahil darating ang araw na kanilang pagbabayaran lahat ng kanilang kasakiman. Kung paano nila gulangan ang kapwa nila ay babalik din sa kanila. At makikita nila ang mismong paghihirap na ipinadanas nila sa mga taong pinagkaitan nila.
ReplyDeleteHindi ko lubos maisip na talaga palang may mga tao talagang ultimo tulong ay kanilang pagkakainteresan. Masyado na nilang ibinababa ang kanilang pagkatao. Nagpabulag sila sa numero at presyo.
Kung ang mga namumuno nga ay ganito tayo itrato, paano pa kayang inaasahan natin silang mag aangat sa ating bansa??
AIRA MAY JUDAN
Dapat lang talaga mawala na yang mga ganyan kase sarili lang ang iniisip yung pera na kinukuha nila ay galing sa bayan din naman kaya dapat sa bayan din mapunta yon,
ReplyDeletehindi talaga nawawala sa buhay natin yung ganyan. Pero dapat lang talaga mawala yang mga ganyan-ganyan dahil hindi nila inisip yung iba kungdi pansarili lamang kasi hindi niya rin inisip kung ano mangyayari sa bayan. Dapat lang magpusahan ang mga kasalanang hindi kaakit akit
ReplyDeleteSang-ayon ako sa patas at karapat-dapat na pagpaparusa sa mga mandarambong ng bayan. Mahalaga ang pakikiisa ng mga kabataan sa mga ganitong isyu sa lipunan upang malaman kung talaga bang matatalino at lumalaban ng may paninindigan ang mga susunod na pinuno ng ating bayan at isa ba sila sa magpapabago ng kaisipan ng mga botante patungkol sa maling pamamalakad ng politika sa ating bansa. Sa ngayon ang mga magnanakaw na opisyales ay nagiging isang batikan sa larangan ng pag-arte at dinadaan sa mga sakit sa kanilang katawan sa oras na sila ay mahuli o kakitaan ng ebidensya ng maling gawain. Nakakadismayang isipin na mas inuuna pa ang pagbibigay hustisya sa mga daing ng katawan ng mga palpak na opisyales kaysa sa daing ng taong bayan, gayong ang mga taong ito na nagbabayad ng buwis ang siyang tunay na aktor sa entablado at siyang dapat kilalanin na matiwasay at matinong mamamayan ng lipunan.
ReplyDeleteNakakalungkot lang isipin na pagdating sa politiko, kahit san mang parte ng mundo ay di mawawala ang korupsyon. Siguro nga'y di na mawawala ang korupsyon na ito sa ating mundo katulad lang ng mga kasinungalingan. Isa sa rason kung bakit di umaabante at umuunlad ang isang nasyon. Parang makina lang ng sasakyan na kahit anong pilit pa ng drayber na ipaabante ang sasakyan kung sira naman ang makina neto ay di ito tatakba. Mga kurakot na nakakalusot sa ating politika na walang nakakaalam kung kelan sila mawawala
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na may mga namumuno ng ating bansa mismo ang nagpapahirap dito. Ang babango ng kanilang mga salita tuwing eleksyon ngunit pag naupo sa pwesto ay sarili lamang ang iniisip. Hindi pinapakinggan ang mga hinaing ng mga pinangakuan noong eleksyon na ngayo'y humuhingi ng tulong madatnan lamang ang sikat ng araw kinabukasan. Masyado silang nabulag sa mapanlinlang na ningning ng salapi kaya sila nagiging ganid.
ReplyDeleteNalalamn natin anq kabulagtugan nq ating pamahalan SA paqhihiwatig Ng ating paqsusulat para mas lumawak anqnating kaalaman at nq iba upang di maqpauto SA mqa ganid nantao
ReplyDeleteKyla mendoza
nakakaiyak isipin na kung sino pa ang binoto at pinag katiwalaan natin ay sila pa ang nangungurakot at sumisira sa ating bayan. mabait lang sila o mala anghel pag kukuha ng iyong boto pero lumalabas ang sungay at buntot pag naka upo na sa trono.
ReplyDeleteJose Franco Natividad
Nakalulungkot man sabihin ganito talaga ang nangyayari sa atin bansa dahil sa ang mga tao na puro pansariling interest lamang ang kanilang iniisip wala na silang pagmamahal sa kanilang kapwa.
ReplyDeleteJhon Fredd Orate