Pag-asa
Ni Jizelle P. Juntayas
Gutom na gutom na ako. Paano ba naman kasi nag-overtime na naman yung propesor namin na bihira lang pumasok. Nakakainis talaga. Habang binabaybay ko ang daan papuntang sakayan, nakarinig ako ng nagpapatugtog ng plawta. Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng magandang tunog. At hindi nga ako nagkamali. Sa may terminal ng dyip, may isang matandang lalaki ang nagpapatugtog ng plawta ng buong galak sa may gilid ng sidewalk. Dahil sa nakakaaliw na saliw ng musika, naglagay ako ng natitira kong barya sa may baso at inantay na matapos ang tugtog. Nang ibinaba na ng matandang lalaki ang plawta, nagpasalamat siya sa akin.
"Maraming salamat dito iha. Malayo ang mararating nitong ibinigay mo," asal ng matanda.
"Ay nako lolo, maliit na bagay. Sana ho makatulong iyan sa pamilya mo," nakangiti kong sagot. "Iha, wala na akong pamilya. Ang asawa ko ay matagal nang pumanaw dahil sa sakit sa bato. Hindi kami nagkaanak. Umaasa na lang ako sa pension ko na syang bumubuhay sa akin." "Kung ganon ho, bakit nagpapakahirap pa ho kayong tumugtog dito gayong may pagkukuhaan naman po pala kayo ng pera?" usisa ko. "Ahh, yan ba? Para yan sa mga kapitbahay ko. Bihira lang kasi silang kumain sa loob ng isang araw at malaki pa ang kanilang pamilya. Kaya ito ginamit ko ang aking talento upang makatulong sa kanila." Lubos akong namangha sa kwento ng matanda. Hindi ko akalain na may mga ganoon pa palang tao ngayon, matulungin sa kapwa. Dumating na ang dyip na sasakyan ko kaya nagpaalam na ako. "Sa uulitin po. :)" Sumakay ako sa dyip ng puno ng galak. Napagtanto kong ako'y busog na. Busog sa kaalaman na may natitira pang kabutihan sa mundong ating ginagalawan.
Sa likod ng mga taong nangangailangan ay may tao siyang tinutulungan dahil alam niya ang pakiramdam ng wala.
ReplyDeleteLikas talaga sa ating mga Pilipino ang tumulong sa kapwa. May mga panahon ngang kahit walang wala na tayo, tumutulong pa rin tayo sa iba. Hanggat makakaya natin, gagawin natin. Gagawa tayo ng kabutihan dahil naniniwala tayong doble pa ang balik nito sa atin. Hindi ko alam kung dala ito ng mga napapanood natin sa telebisyon, o nababasa sa mga social networking sites, o kung saan pa. Ngunit ito lamang ang masasabi ko, basta tumutulong tayo sa tamang paraan, walang masama dito.
ReplyDeleteMakikita natin ang tunay at likas na kaugalian ng mga tao. Sa kabila ng paghihirap na nararanasan may parte pa din as puso nila na kayang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Likas satin na tulungan ang mga tao kahit na hindi natin sila kakilala. Dahil kung tayo ang nasa kalagayan na meron tayo ay hindi tayo magdadalawang isip na magbigay s iba.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng pagkakagawa ng akda na ito ay napakaganda. Ang mga pilipino talaga ay likas na matulungin at taglay ang kabutihan ng puso , ito ay nasasalamin dito sa akda.
ReplyDelete