Lazada

Saturday, March 4, 2017

BUHAY SA SINTANG PAARALAN Nel Azaña

BUHAY SA SINTANG PAARALAN
Nel Azaña

Marami ang nagtataka
Bawat isa ay bakas sa mukha
Ang katanungang mahahalata
Na bakit sa pup gustong mag-aral ng madla?

Bakit nga ba?
Hayaan niyong isiwalat ko ang sikreto
Kung bakit dito gusto ng mga tao
Dahil dito mo mararanasan kakaibang tagpo
Kakaibang tuwa na walang halong biro
Mga kaibigang mapangbuyo
Pero taglay ang malambot na puso
Dito mo makikita ang mga dalubhasang guro
Mga kaalamang bago at makakatulong sayo
Kahit na mahirap ang bawat asiganatura
Di mo masasabi sa iyong sarili na ika'y suko na
Dahil andyan ang kaibigang patatawanin ka
Tutulong sa oras ng problema.

Mga karanasan sa loob at labas ng sintang paaralan
Ay sadyang walang hangganan
Ituturing mo talagang isang yaman
Na kailan man ay hindi mapapatanyan
Iyan ang dahilan
Kung bakit sila gumawagawa ng paraan
Makapasok lang sa sintang paaralan.

33 comments:

  1. totoo nga naman na napakasarap mag aral sa sintang paaralan na resulta na pagtitiis sa napakahabang pila para lamang makapasok dito at hindi ka nga bibiguin ng mga guro na magbibigay ng maraming kaalaman para matuto ka..

    ReplyDelete
  2. Bilang iska ay saksi ako sa nilalaman ng tulang ito. Sa loob lamang ng ilang buwan ay hindi naging madali ang pananatili ko sa Sintang Paaralan pero nasisiguro kong lahat ng paghihirap ay may katumbas na saya. Isang prebilehiyo ang makapag aral sa tanglaw. Isa itong mahalagang pagkakataon na habang buhay kong tatanawin at habang buhay kong ipagmamalaki sa madla.

    ReplyDelete
  3. Bilang isang PUPian hindi talaga ito madali kailangan mo ng tiyaga at lakas ng loob bago mo makamit ang Sintang Paaralan, madaming pagsubok ang dinanas ko bago ako maka pasok dito. Pero lahat naman ng paghihirap at sakripisyo ko ay napaka saya naman ng kinalabasan.

    ReplyDelete
  4. Tunay na isang pagsubok sa akin ang karanasan ko bilang isang mag-aaral sa Sintang Paaralan. Ngunit wala akkng pinagsisihan ni minsan. Marahil lahat ng ito ay inaaamin kong nakatulog sa akin ng malaki at talagang hinubog ako bilang isng karapat dapat na Iska ng unibersidad na ito.

    AIRA MAY JUDAN

    ReplyDelete
  5. Madami talaga ang gustong makapag aral sa ating Sintang Paaralan. Bilang isang isang iskolar ng bayan kailangan mo ng mahabang pasensya at pagpupursige para makamit ang iyong ninanais. Dito sa paaralang ito lubos kang matututo lalo na sa buhay, sabe nga nila "papasok ka na walang alam ngunit lalabas ka na punong puno ng karunungan na madadala mo hanggang sa iyong pagtanda"

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Karamihan sa ating kababayan ay gusto magaral sa ating Sintang paaralan dahil dito ay matututo sya hindi lamang sa mga dapat malaman kundi pati nadin ang mabuhay bilang isang skolar ng bayan. Hindi hadlang ang pera o layo ng kani-kaniyang bahay para makapasok lamang at madagdagan ang kaalaman. Masarap magaral sa aking Sintang Paaralan dahil natututo ako sa lahat ng aspeto sa aking buhay.
    -CHARLES CORONEL

    ReplyDelete
  8. Hindi biro ang pagiging iskolar ng bayan maraming paghihirap ang dapat maranasan ngunit pagkatapos naman nitong lahat ay sobra sobra ang sayang mararamdaman dahil sa kabila lahat ng paghihirap may biyaya tayong nakakamtam. Ang karanasan na dadalhin natin hanngat sa paglisan natin sa Sintang Paaralan.

    ReplyDelete
  9. Iskolar ng Bayan, yan ang magiging bansag sa iyo kapag ikaw ay parte na ng sintang paaralan. Bilang isang iskolar ng sintang paaralan. Masasabi ko na masaya ang mag-aral dito. Dito mo mararanasan ang lahat ng mga bagay na hindi mo nadarama. Makakatagpo ka din dito ng iba't-ibang tao na may iba't-ibang pag-uugali. Nariyan din ang mga propesor na handang gumabay at umakay sa atin tungo sa ating mga pangarap. Marami kang matututunan sa sintang paaralan, mga bagay na di mo pa alam, mga bagay na ngayon mo palang makikita o masasaksihan. At bilang isang iskolar ng bayan ng aming sintang paaralan, masasabi kong hindi ako nagsisi na nag-aral ako dito, dahil alam kong marami pa akong matututunan dito, marami pa akong mga taong makikilala na maaaring bumuo sa aking pagkatao, at marami pang mga karanasan ang naghihintay sa akin sa sintang paaralan.


    MARK DARRYL M. DELORIA

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Lubos akong sumasang-ayon sa akdang ito. Ako mismo ay nararanasan ang mga nakasaad sa akda. Maari ngang sa simula ay ika'y madidismaya dahil sa mga hindi pumapasok na propesor, ngunit ikaw ay masasanay rin pag tumagal tagal na. Maraming kang bagong karanasan na sa sintang paaralan mo lamang mararanasan gaya na lamang ng pagsakay sa trolley, pakikipagunahan sa PNR, pagsakay sa mga patok na jeep, at marami pang iba. Natitiyak kong marami kang karanasan na hindi malilimutan kapag ika'y nag-aral sa sintang paaralan.

    ReplyDelete
  12. Ipinapakita sa akda ang mga karanasan at pananaw ng may-akda sa paaralang PUP. Makikita na ang mga kaibigan na iyong matatagpuan sa paaralang PUP ay ang uri ng tao kung aan tunay mong maasahan. Sila ang iyong magiging kalinga at inspirasyon sa mga pagsubok na dadating katulad ng mga mahihirap na aralin at proyekto. Ayon sa may-akda ang mga alaala at mga taong kanyang nakilala sa pamamagitan ng pag-aaral sa PUP ang isa sa mga bagay na nais niyang balik-balikan at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nais mag-aral ng madaming mga estudyante sa paaralang ito. Ako’y sang-ayon din sa mga ito sapagkat sa aking pag-aaral sa PUP ay natuto akong magtiwala sa sarili at sa mga taong nakapalibot sa akin sapagkat alam kong nandyan sila palagi upang suportahan ako.

    ReplyDelete
  13. lahat ng sinabi ng awtor ay totoo. hindi man katulad ng ibang prestiyosong paaralan ang PUP ay hindi mo maitatanggi na masaya ang mga araw mo doon. Isipin mo na ang mga nararanasan mo sa sintang paaralan ay hindi kailan man mararanasan ng ibang paaralan. mapalad ka dahil PUPian ka.

    ReplyDelete
  14. Masaya sa sintang paaralan. Marami kang matututunan at marami kang mararanasang mga bagay na hindi mo nararanasan sa ordinaryong buhay. Nariyan ang mga madudugong thesis na pinapagawa ng prof mo na hindi naman pumapasok at mga quizzes na pinapasagutan sa'yo ng prof mo na hindi mo naman alam kung ang Diyos lamang ba ang tanging makakasagot nun. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mas mangingibabaw parin ang mga matututunan mo sa sintang paaralan na paniguradong magagamit mo sa totoong buhay. Mahal na mahal ko talaga ang sintang paaralan.

    EDRIAN O. PABONA STEM-24

    ReplyDelete
  15. Masaya sa sintang paaralan. Marami kang matututunan at marami kang mararanasang mga bagay na hindi mo nararanasan sa ordinaryong buhay. Nariyan ang mga madudugong thesis na pinapagawa ng prof mo na hindi naman pumapasok at mga quizzes na pinapasagutan sa'yo ng prof mo na hindi mo naman alam kung ang Diyos lamang ba ang tanging makakasagot nun. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mas mangingibabaw parin ang mga matututunan mo sa sintang paaralan na paniguradong magagamit mo sa totoong buhay. Mahal na mahal ko talaga ang sintang paaralan.

    EDRIAN O. PABONA STEM-24

    ReplyDelete
  16. Lahat ng nangyari sa unang taon ko sa SHS sa PUP ay ituturing kong isang malaking biyaya dahil sa mga guro, kaklase, mga tindera, atbp. Tunay ngang kakaibang daan ang tatahakin kapag ikaw ay isang PUPian. Mamumulat ka sa iba't ibang bagay sa mundo.

    ReplyDelete
  17. Isang pagsang-ayon ang aking ipinababatid. Labis na nakahihikayat ang gabitong klase ng tula ng dahil sa nakabase mismo ito sa reyalidad ng pagiging buhay estudyante mula sa paaralang nabanggit. Damdamin at atensyon ng mambabasa ang hihit na makukuha at ang epektibong paraan sa pagkuha ng pag sang auon tulad ko. Salamat.

    JELYN MARIE CASA

    ReplyDelete
  18. Bilang isang mag-aaral sa sintang paaralan ay sumasang-ayon ako sa manunulat. Ang makapasok sa sintang paaralan ay maituturing na isang magandang oportunidad. Mamumulat ka sa mga isyu sa lipunan at maraming matutunan mula sa iba't ibang guro. May mga karanasan din sa sintang paaralan na tiyak na hindi malilimutan.

    ReplyDelete
  19. Marami talaga ang naghahangad na makapasok sa pup, bukod sa murang tuition, maganda dito mag aral dahil sa kalidad ng edukasyon. Marami din ang hindi pumapasa kaya't marani ang nanghihinayang. Sa pup mararanasan mo ang pagtitipid at ang tunay na buhay ng isang mag aaral. Mahirap mag aral sa Pup ngunit dito masusubok ang iyong kakayahan. Kaya kung ikaw ay isa sa magaaral ng pup, huwag na magpatumpik pa at mag aral ng mabuti para sa ikauunlad ng bawat isa.

    ReplyDelete
  20. Hindi ako sigurado sa kaniyang sinabi. Oo,nararamdaman ko ang buhay sa sintang paaralan. Ngunit hindi ako sumasang-ayon na lubos na nakakatuwa ang pag-aaral dito lalo pa't hindi mo makukuha ang pagiging tunay na estudyante kung wala kang natutunan. Alam nating maganda ang sintang paaralan, ngunit hindi maalis ang pagkainis sa mga propesor ditong mga hindi nagsisipasok. Na hindi inisip ang kalagayan ng mga mag-aaral na pumapasok, gumagastos ng pamasahe at pagkain, at napapagod sa kahihintay sa wala. Nawa'y ang komentong ito ang magpawaksi ng kabalukturan ng sistemang matagal ng sumisingaw upang makagawa ang sintang paaralan ng mga asensado at progresibong mamamayan na tutulong sa ikauunlad ng ating bansa

    ReplyDelete
  21. Ang una kong tingin sa pag-aaral ay puno algn ito ng pagbabasa at pakikinig sa guro mo hanggang pumasok sa utak mo ang tinuturo nito. Pero habang tumatanda ako ay nag-iba ang pananaw ko sa paaralan, nung napasok sa sintang paaralan ay namulat pa ang mata sa kakaiba pang mga karanasan. Oo, totoo na mahirap ang mga asignaturang tinuturo dito pero solid parin naman dahil ang kapalit naman neto ay ang walang katapusang tawanan at kulitan kasama ang mga tunay mong kaibgan. Kaibigan na masasandalan sa lahat ng oras at di ka iiwanan sa ere. Kaya sumasang ayon ako sa sinasabi ng awtor nito

    ReplyDelete
  22. napaka rami po talaga nating matututunan sa ating sintang paaralan kung tayo lamang po ay totoong nag seseryoso sa ating pag aaral.. katulad na lamang ng tulang ito . kung ating titingnan maaari itong gawing inspirasyo ng bawat isa sa mga estudyante ay ito ay maging isa sa mga dahilan kung bakit sila mag aral ng mabuti.

    ReplyDelete
  23. marami talagang nangangarap na makapag aral sa PUP hindi lang dahil sa murang tuition, isa pa rin ang rason na mataas ang kalidad ng edukasyon dito. Sa paaralan na ito, makakakilala ka ng iba't ibang tao na may iba't ibang klase ng personalidad, isa rin ay ang matututo kang maging maabilidad sa buhay dahil dito ka makakaranas ng tunay na realidad ng isang buhay ng estudyanteng pinapaaral ng taong bayan.

    ReplyDelete
  24. marami talagang nangangarap na makapag aral sa PUP hindi lang dahil sa murang tuition, isa pa rin ang rason na mataas ang kalidad ng edukasyon dito. Sa paaralan na ito, makakakilala ka ng iba't ibang tao na may iba't ibang klase ng personalidad, isa rin ay ang matututo kang maging maabilidad sa buhay dahil dito ka makakaranas ng tunay na realidad ng isang buhay ng estudyanteng pinapaaral ng taong bayan.

    ReplyDelete
  25. Marami ang may gustong makapasok sa sintang paaralan dahil madami ang nag sasabi na mura dito. pero hindi lang din don, pero dahil maganda ang turo dito. sa pup ay makakasalamuha ka ng iba't ibang tao na tutulong sa pang araw araw mo at magiging kaibigan mo dito mo masasalamin ang sarili mo at kung ano ang gusto mong gawin sa future.

    Jose Franco Natividad

    ReplyDelete
  26. Napakaraming nag babalak na pumasok sa sintang paaralan. Sa aking karanasan, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa mga nagtatanong sa akin. Baka naman siguro iba ang kanilang mararanasan sa kanilang oras. Baka siguro ang ating hindi magandang karanasan ay maaayos na sa kanilang panahon. Iba iba naman ang plano ng Diyos para sa ating buhay.

    ReplyDelete
  27. Karamihan siguro sa mga iskolar ng bayan ay ganito rin ang papnanaw nila bilang isang pupian. Sa kabilang banda, hindi lahat ay ganito ang pananaw. Magkakaiba kasi ang karanasan ng bawat estudyante sa PUP at hindi mo masasabing palaging masaya. Para sa aking karanasan, parehas lang kami ng opinyon ng sumulat ng akda. Kahit na mahirap ang dinaranas namin ngayon sa pag aaral, sa ibang side naman ay mararamdaman mo ang saya kasama ang kaibigan at totoong essence ng pagiging pupian.

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. may mga prof lang talaga na minsan lang magpapapasok sa klase tapos hindi kagalingan magturo. Bagamat ganon, hindi pa rin ako magsisisi kung bakit sa pup ako nagaral at proud ako sa sarili ko na isa akong iskolar ng bayan.

    ReplyDelete
  30. Kahit ako hindi makapaniwala na nakapsok sa ako pup. MArami akong natutuhunan, MAraming umiiyak kapag hndi nakapasok sa pup kaya hindi ko sasayangin ang opportunity mag aral sa unibersidad na ito

    CHin chin Santos

    ReplyDelete
  31. Bilang isang 'PUPIAN' isa nga itong pagsubok sa ating buhay na kailangan na pagbutihin ang ating pag-aaral sa paaralang ito. Sa pagpasok sa sintang paaralan may mga bagay akong natutunan natuto akong maging independent. Natutunan ko din na hindi lang puro saya sa pag-aaral kundi kailangan ng tyaga at determinasyon,tatag at lakas ng loob sa pagharap ng mga pagsubok sa ating 'Sinisintang Paaralan'.

    ReplyDelete
  32. Bilang isang PUPIAN napasaya ang magaral sa pup dahil naparaming kang matutunan na kahit naparaming mga pagsubok ang dumarating pero aming nakakayanan.kaya naman laki pasasalamat ko dahil ako ay nakapasok sa PUP.Ipinagmamalaki ko ang aking SINTANG PAARALAN.

    ReplyDelete