Lazada

Saturday, March 4, 2017

KABLE ni Maj Punzalan

KABLE
ni Maj Punzalan

Bakit? Bakit hindi nalang tayo ang nagkatuluyan? Bakit sa iba kapa napunta? Bakit hindi tayong dalawa?

Parang dati'y ikaw lang ang pangarap ko,
Parang dati'y ikaw lang ang palaging kasama ko,
Parang dati'y ikaw lang ang katabi ko,

Pero bakit ngayon?

Ngayon na hindi na ako yung katabi mo,
Ngayon na iba yung pinapangarap mo,
Ngayon na iba na yung palaging kasama mo,

Siguro nga eto ang plano ng diyos para sa ating dalawa,
Ang bitawan ang kamay ng isa't isa,
Para tayong kable na magkahiwalay,
Maaaring pinagtagpo tayong dalawa,
Ngunit hindi itinadhana para sa isa't isa

14 comments:

  1. Dama mula sa tulang ito ang hinagpis ng may akda. Alam natin na may mga tao na dadating sa ating buhay upang tayo ay pasayahin at mahalin ng panandalian. Ang hirap mag tiwala lalo na kung alam mo na ito ay hindi permanente. Yung tipong naging masaya naman kayo pero hindi parin kayo yung nagkatuluyan. Pero sa kabilang banda ay isipin mo na maraming nagmamahal sayo. Maraming tao ang mamahalin ka ng higit sa pagmamahal nya at pasasayahin ka ng sobra sobra pa.

    ReplyDelete
  2. Ang pag ibig natin ay parang kable na magkahiwalay dahil pinagtagpo nga tayo para maging masaya at makagawa ng mga magagandang alaala pero sa bandang huli ay hindi pala tayo ang tinadhana sa isa't isa ang Diyos ang nakakaalam kung sino ba talaga ang para sayo kaya maghintay na lang tayo na dumating ang tamang tao sa ating buhay.

    ReplyDelete
  3. Ang pag-ibig na isa nalang ang nagmamahal ay tunay na masakit na parang kable ng kuryente na pag naputol ay wala ng buhay pa. hindi na magagamit pa. Naroon ang sakit at pighati lalo na kung ipagpapalit sa ibang tao at iiwan ka. Ngunit darating ang araw na maaayos ang kable at mabibigyang buhay muli nito ang pag-ibig. Kableng hindi na muling mapuputol pa.

    ReplyDelete
  4. Ikumpara naten ang pag ibig na ito sa chop sticks, hindi mo magagamit ng maayos ang chop sticks kung mag isa lang ito ganon din sa pag ibig hindi pwedeng iisa lang ang nagmamahal

    ReplyDelete
  5. Palagi na nating maririning yung mga katagang "Pinagtagpo ngunit hindi itinadhan". Pero sa totoo lang tayo naman talaga ang may hawak ng sarili nating kapalaran, tayo ang may kontrol sa mga pangyayari sa ating buhay. Ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin ang mga bagay na nangu=yari na di na maibabalik pa. Ipagpatuloy natin ang buhay ganyan talaga, may mawawala pero siguradong may darating pa.

    ALLIAH GAIL A. BAUTO

    ReplyDelete
  6. ganun talaga ang buhay. Yung feeling na pinagtagpo kayo pero di naman kayo ang tadhana syempre maaaring nandyan yung tadhana mo, hindi talaga para siya sayo, Tanggapin nalang natin na yung pangyayari na ganyan kasi yung nga nakaplano sayo yung tadhana mo

    ReplyDelete
  7. Ako'y nalulungkot. Damang dama ang bawat linya. Malalim ang pinanghuhugutan ni Maj sa tulang ito, marahil sya ay nasawi na rin at umasa sa isang tao na hindi sya nagustuhan.

    ReplyDelete
  8. Hugot! :D Totoo ngang baka yun ang plano ng Diyos. Maraming bagay na nawawala dahil sila ang nagsisilbing aral. Pero lahat ng nawawala ay may katumbas na kapalit.

    ReplyDelete
  9. Sadyang mapaglaro ang tadhana ramdam ko ang lungkot sa bawat linya ng akda. May pagkakataon talagang magbabago siya at di mo ito mababago dahil di talaga dapat kayo nung una

    ReplyDelete
  10. Isang masining na pagpapahayag ng pag-ibig, sa aking pagmamasid sa mga kable ng kuryente sa daan, may mga kableng sa una magkahiwalay at magkalayo ngunit habang binabagtas ko ang daan pauwi samin, unti unti itong naglalapit hanggang sa narating ko ang isang poste, hindi ko na malaman kung nasaan na ang dalawang kableng sinusubaybayan ko, nakakalito dahil buhol-buhol ang mga ito. marahil nais ipahiwatig ng may akda na mayroon kang makikilala at paglalapitin kayo ng tadhana ngunit sa bawat poste (kabanata) ng inyong buhay ay may pagdadaanan kayong kaguluhan. Maaari ring kaya kayo pinaghihiwalay ay sa kadahilanang masyadong mataas ang voltage(ego) niyo sa isat-isa marahil ang isa sa inyo ay marupok at kapag nadikit sa isa pang marupok ay magbubunsod ng short circuit (pagtatalo) at makaapekto sa nasa paligid niyo. Pero isa lang ang matitiyak ko marami pang ibang kable na makakasalamuha sa daan at baka hindi mo alam papunta lang pala kayo sa iisang tahanan kung saan maayos ang daloy ng inyong current (pagsasama) na walang halong resistance (pagpipigil).

    ReplyDelete
  11. Wag malunqkt kung Ito ang katapusn na qnwa SA inyonq dalawa Ng ating panginoon . Baka Ito ang tulay Niya para mrnsan anq maging masaya malunqkt umiyak makakilala at mrnsan maqmahal Ng isang taong di Mo na ulit mkakapiling.

    Kyla Mendoza

    ReplyDelete

  12. May mga tao talaga dumarating sa ating buhay para pangitiin tayo at pasiyahin sa araw-araw. Bawat araw na labis ang tuwa ang ating nadarama dulot ng taong akala nating panghabang buhay na pero ika nga walang pernente sa mudo kundi ang salitang "pagbabago". Wag nating sanayin ang ating sarili sa mga bagay na alam nating panandalian lang šŸ˜Š.

    -EUVI JANE C. TUBAC

    ReplyDelete
  13. minsan masasabi nga nating mapaglaro ang tadhana,sa dahilang pinagtagpo kayo pero hindi itinadhana.dito masasabi natin yung tamang tao pero maling pagkakataon/panahon,dahil dito sa tamang tao na ito nararamdaman natin ang pagmamahal pagmamahal na kung saan masasabi nating totoo at masarap o magaan sa pakiramdam kapag tayo ay minamahal.Ngunit maling panahon dahil minsan ang akala nating tamang tao na para sa atin ay mali pala, Hindi itinadhana dahil may dadating din sa atin ng tamang tao sa tamang panahon.

    ReplyDelete
  14. Masining ang pagkakagawa at ramdam mo na bawat linya na binitawan may pinanghuhugutan! Thumbs up! Galing!

    ReplyDelete