Lazada

Saturday, March 4, 2017

Langit ka, Lupa ako. (Biktima ng Yolanda) Ni Anthony Macawile

Langit ka, Lupa ako. (Biktima ng Yolanda)
Ni Anthony Macawile

Hindi mawari ng aking isipan,
Mga pangyayaring di ko nabalitaan,
Mga pangyayaring di katanggaptanggap,
At pangyayaring kasaklap-saklap.

Mga tulong O nasan ka?
Mga panahong ika' y kailangan,
Mga panahong ika'y inaasahan,
Ng mga taong wala ng pag-asa.
Mataas ka, mababa ako.

Langit ka, lupa ako.
Di ko mawari kung saan lulugar,
Ang mga tulad kong musmos.
Kapangyarihang di ginagamit ng tama,
Kapangyarihang mali ang may hawak.

Kung bakit baluktot ang kinalabasan,
Ng mga tulong na dapat sa tuwid na daan.
Kami'y kulang sa kaalaman,
Pati sa mga kagamitan.
Kakulangan sa kasanayan,
At sa taong maaasahan.

2 comments:

  1. Likas na may mga tao talagang hindi kayang magparaya para sa kapakanan ng iba. Ang bagyong Yolanda ay isa sa mga bagyong nagpalubog ng maraming nayon at sumira ng kinabukasan ng mga taong nakatira roon. Alam nating lahat na bumuhos ang tulong mula sa iba pang kalapit na bansa noong tayo sinalanta ng nasabing bagyo. Ngunit hindi ito direktang natanggap ng mga biktima bagkus kulang na ito nang matanggap nila iyon.

    ReplyDelete
  2. Minsan naisip ko na hindi lahat ng bagay na nangyayari sa ating lipunan ay alam natin. akala natin maayos na ang isang problema pero hindi pa pala. Nakakaawa ang mga kababayan natin sa kabisayaan na sa ilang taon ay hindi man lang nakatanggap na nararapat na pangangailangan. Oo ngat nakatanggap nga sila noon ngunit maayos ba? Nakakaawa ag mga kababayan natin. Sana ang mga susunod na manunungkulan at ang mga nahahalal ay gawin ang kanilang tungkulin ng nararapat para rin sa ikabubuti ng lahat at di lang ng kanyang sarili.

    ReplyDelete