Lazada

Saturday, March 4, 2017

SAYANG TAYO ni Patrick Helera

SAYANG TAYO
ni Patrick Helera

Matagal na noong huling nagkita at nagkausap tayo
Pero sobrang sariwa pa rin ng mga alaalang naiwan mo
Hinahanap hanap ko ang ngiti mong kay tamis
Pati ang mga mata at malamig mong boses
Hinahanap hanap pa din kita

Lahat ng aking pagmamahal ay iyong binalewala lang
Ni hindi nga alam ang tunay na dahilan ng iyong pagpapaalam
Kung magagawa lang ibalik ang nakaraan
Ito'y gagawin sapagkat nais kang muli ay masilayan
Ipaparamdam sa iyo na ikaw lamang

Sobrang nasasaktan pa rin ako
Pero ayos na dahil masaya ka na kahit ganito pa rin ako
Kalilimutan na lang yung dating tayo
Dating tayo na masaya

Masaya na parang mga bata
Mga bata na walang iniisip
Walang iniisip sapagkat kapiling ka
Walang iniisip dahil kasama ka

Kasama ka kahit na may problema
Pero naging problema dahil minahal kita
Minahal kita kahit na wala namang pag-asa
Wala na ring pag-asa na maibalik ang nasayang na dating tayo
At oo nga pala,
'Di nga pala naging tayo

10 comments:

  1. masakit maranasan ang mga ganitong bagay na kung dati ay lagi mo siyang kasama at masaya kayong namamasyal kung saan-saan hanggang sa dumating sa punto na parang wala na siyang gana sayo at sa huli hindi kana niya magawang kausapin kaya ikaw sobrang nasasaktan. mukhang totoong naranasan to ng nagsulat ah? hahaha

    ReplyDelete
  2. May mga bagay talaga na tila nakakahinayang. na hinihiling mo na lang na sana maibalik ang dating kayo kaso siguro masyado niyo nang nasaktan ang isa't isa kaya naman kayo'y nagkahiwalay.Tanggapin na lang na wala na talaga na hindi na maibabalik dahil wala namang maibabalik dahil ni minsan hindi naging kayo

    ReplyDelete
  3. Naniniwala ako sa kasabihang kapag mahal mo di ka kayang saktan niyan dahil ang tunay na nagmamahal ayaw masaktan ang taong minamahal niya,sa reyalidad ng buhay madalas dalawang klase ang pag-ibig una ikaw ang nagmamahala pangalawa ikaw ang minamahal.

    ReplyDelete
  4. Wag tayong manghinayang sa taong tayo mismo ang sinayang. Isang halimbawa ng nasaktan ng dahil umasa sa maling pag-asa. Nasaktan dahil nagmahal ng maling tao. Ngunit kung tatanggapin mo naman ang reyalidad na wala na siya, na wala ng kayo mararamdaman mo ang kalayaan sa iyong sarili. May mga bagay talagang dapat hindi natin pinipilit, hayaan lang natin ang panahon lilipas din ang lahat at ang mga sugat ay gagaling din.

    ReplyDelete
  5. Ako mismo ay kakilala ng personal ang manunulat nito. Napagandang paraan ito upang mailabas niya ang kaniyang saloobin na hindi niya masabi sabi sa kaniyang nagugustuhan. MAsasabi ko sa tulang ito ay walan masamang magmahal ngunit kung magmamahal tayo ay handa rin tayong masaktan dahil ang pagmamahal ay hindi lamang puro pasarap lang at kilig. Dadaan din tayo sa mga pagsubok at mga pagtanggi mula sa mga nagugustuhan natin. Ngunit kahit na ganoon, dapat parin nating ipagpatuloy ang buhay dahil malay mo, may mas karapatdapat na makakatagpo ka na magpapasaya sa'yo sa buong buhay mo at may mag-aalaga sa'yo na hindi kayang ibigay ng taong ito. Move on kapatid!


    EDRIAN O. PABONA STEM-24

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Pareho tayo ng naging katayuan kaibigan ngunit kahit anong mangyari ang sakit na nadarama ay lilipas din. Matutong tanggapin ang wala na dahil may mga bagay na pinagtagpo lamang upang tayo'y matuto sa kanila ngunit hindi itinadhana para sa isa't isa.

    ReplyDelete
  8. Magandang sa gantong paraan nailalabas ng mga kabataan ngayon ang sakit na dala ng nakaraan. Kahit ako man ay nakaranas ng ganitong pangyayari. Mahirap talagang masanay sa mga bagay na walang kasiguraduhan, sa mga bagay na ikaw lang ang nagbibigay ng kahalagahan, sa mga bagay na alam mong may katapusan. Kaya kung makaranas man ulit tayo ng ganitong pangyayari sa ating buhay mas maiging maaga palang ay maging handa ka na, huwag ng bigyan ng pakahulugan ang bawat galaw at salitang ibinibigay niya šŸ˜Š.

    ReplyDelete
  9. matuto tayong maging malakas na kung saan ang ating pagkakamali ay ating gagamitin upang hindi na tayong muling masaktan pa, imbis na ika'y magmukmok o di kaya'y magpakabitter gamitin natin ang sakit na nararamdaman natin upang tayo ay makalimot at maging malakas nang sa ganun sa susunod na magmamahal tayong muli ay hindi na tayo kasing rupok ng dati.

    ReplyDelete
  10. nakakalungkot, nararamdaman ko ang sakit ng awtor. siguro sawi sya ng sinulat nito kaya sya nakabuo ng ganito. masakit maiwan sa ere ng taong minamahal mo. yung tipong kahit wala pa syang sinasabi ay nararamdaman mo ng aalis siya. masakit maiwanan at nakakapanghinayang sapagkat marami kayong pinagsamahan. pero sa kabila ng lahat matuto taong magpatawad kahit sinaktan nila tayo.

    ReplyDelete