Lazada

Saturday, March 4, 2017

HANAPIN MO ni Evan Michael Estrella Cruz

HANAPIN MO
ni Evan Michael Estrella Cruz

Magulo ang tadhana
Animo'y kalsada ng Quiapo
Isipin mo tayo'y pinagtagpo
Malaki ang impluwensiya mo sakin

Ang tiwala na di iiwan ay ibinigay
Hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal sayo
Ang hampas lupang tulad ko
Lumigaya ng nakita ang tulad mo

Kinalimutan ang katayuan sa buhay
Iniangat at nagsumikap para makaahon sa hirap
Tadhana nga'y magulo
Ang hiling ko ay di pinako

Pagkukulang ay natugunan na
Edukado na ang dating hampas lupa lamang
Relihiyoso na rin ang dating tarantado
Oras na para sabihing mahal kita.

7 comments:

  1. Isang inspirasyonal na tula na nagpapatunay na may magandang naidudulot ang pagmamahal. Pinatunayan lamang sa akdang ito na kaya nating gawing inspirasyon ang ating mga mahal sa buhay upang makaahon at magsikap. Isa itong magandang ihempo sa kabataan na magsikap at gawing inspirasyon ang pag-ibig sa halip na maging dahilan ito ng hindi pagkakaayos ng ating buhay.

    ReplyDelete
  2. May tao talaga na magbibigay ng inspiration sa iyong buhay upang maging masipag ka at magsumikap para lang mapatunayan mong mahal mo ang isang tao at mapakita mo sa kanya na seryoso ka para sa kanya. Tadhana ay napaka galing dahil magbibigay sayo ito ng lakas ng loob para makaahon sa buhay at para mapatagumpayan mo ang iyong minamahal

    ReplyDelete
  3. Tunay ngang isang magandang ehemplo rin ang maidudulot ng pag-ibig sa isang tao. Ito'y makapagpapabago ng isang tao sa pamamaraang, ito ang nagbibigay inspirasyon para sa kanila, gabay para ipagpatuloy ang bagay na hindi na nila kaya pa, sa tulong ng pag-ibig, magbubukas ang pintong ng iyong pagkatao sa malawak pang pagbabago.

    ReplyDelete
  4. Ang akdang ito'y naghahatid ng sikretong mensahe maaari nating iisantabi ang nilalaman ng buong akda para lamang makita ang sikretong mensahe. Maaaring ang mensahe nito ay para sa isang babae na lubusang minahal ng awtor ngunit bigla na lang nangiwan sa di sinasabing dahilan makalipas man ang mahabang panahon ay umaasa pa rin ang awtor na babalik siya.

    ReplyDelete
  5. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig no? May mga tao talang dadaan lang sa buhay natin para tayo ay baguhin. Madalas, napakagandang impluswensya. Yung sya yung kalakasan mo. Pero dapat nating maintindihan at tanggapin na hanggan doon na lang sya.
    "He brings out the best in me."

    ReplyDelete
  6. basta tungkol sa pagibig ang akda ay talagang napakaganda ramdan na ramdam ko ang kabutihan at katapatang magmahal ng may akda maaring sinulat niya ito ng galing sa puso.

    ReplyDelete
  7. Ang may akda ay nakakita ng isang taong naging inspirasyon niya sa kaniyang buhay at nagpabago sa kaniyang pananaw sa buhay. Naging maganda man ang naidulot nito sa kaniya para sa akin ay hindi parin kailangan ng isang tao ang taong mag papabago sa kaniya upang magsumikap.Kung ikaw mismo ay may pangarap para sa sarili mo sa umpisa pa lang magsisikap kana. At dagdag na lamang ang isang taong tatanggap sa iyo pag dating ng panahon na ikaw ay matagumpay na.

    ReplyDelete