Pakihanap, Nawawala
ni Frances Michole Dizo
Ate, Kuya patulong naman po
Para kasing may nawawala, aking napagtanto
Baka kasi nadaanan o nakasalubong man lang ninyo
Paki sabi namang bumalik na ho
Hindi ko kasi alam kung saan ko nailagay
Halos halughugin ko na ang buong bahay
Tiningnan ko na sa ilalim ng upuan at ng mesa
Pero wala parin, saan ka ba nagpunta?
Mahirap isipin o sabihin
Kung ano nga ba ang nawawala sa akin
Pera ba to, gamit o pagkain?
Bakit naman napakahirap mong hanapin
O nandyan na pala si Rosa at Nena
Tuloy sa dada ng kung ano anong walang kuwenta
Ang sa akin lamang, wala naman silang mapapala
Hindi ko naman sila pupurihin habang ako'y binababa
Ay, oo, ayon na nga
Alam ko na kung anong nawawala
Hindi na kong magaabala pang hanapin pa
Dahil bukod sa iniibig mo, ang paki ko naman ang nawala
MACALALAD, Miko B.
ReplyDeleteSa una ay may hinahanap ang sumulat ng tula. Hindi niya maalala kung ito ba ay pagkain, pera, o gamit. Kalaunan, nakita niya sina Rosa at Nena na maraming sinasabing wala namang katuturan at wala naman silang mapapala sa kanya kahit siya ay hamakin pa nila. Sa dulo, napagtanto ko na ito ay tula base sa sumikat na pangungusap na, "Pakihanap na lang yung paki ko." Sa tingin ko, nabanggit niya na bukod sa iniibig ng maaaring bumabasa ng tula ( na marahil ay wala na nga) nawala na rin ang paki niya na maaaring pagtibayin na ang linya nga na iyon ang naging inspirasyon sa pagsulat nito.