Lazada

Saturday, March 4, 2017

GULUGOD NG EKONOMIYA ni Jesmar Dantes Roque

GULUGOD NG EKONOMIYA
ni Jesmar Dantes Roque

Sa kasalukuyan maituturing natin na papapaunlad na bansa ang Pilipinas kumpara sa mga nagdaang taon. Marahil ay dahil ito sa maganda at mahusay na ipinakita ng ating lakas paggawa, kabilang na diyan ang mga nagtatrabaho sa mga kompanya ng BPO at ang pagdami ng job offers mula sa ibang bansa. Isa pang nakatulong sa atin ang mga produktong gawa sa ating bansa na iniluluwas upang ikalakal. Ngunit bakit kaya hindi ito ramdam ng pangkaraniwang Pilipino? bakit kaya marami pa ring nagugutom? Dahil yan sa isang sektor na hindi natin masyadong pinagtutuunan ng pansin- Ang Agrikultura, ito lamang ang sektor ngekonomiya at ating masasandalan dahil sagana tayo sa mga lupain at ito lamang ang sektor na hindi umaasa sa pag-aangkat. Kung gagamitin natin ang kasaganahan ng bansa sa yamang tao sa paglinang ng ating likas na yaman ay maaaring mapaunlad pa ang kalagayan ng bansa at magbukas pa ng mas maraming hanapbuhay.

Dalawa ang nakikita kong problema sa pagkabaldado ng ating agrikultura; Una ang mga hindi napipigilan pangyayari na gawa mismo ngkalikasan gaya ng mga bagyo, tagtuyot, at mga peste na dulot na rin ngpagbabago ng klima. Ikalawa ang mismong gobyerno at ang karamihan sa mga Pilipino. Napansin kong mayroon tayong kaisipang naimpluwensiyahan ng mga mauunlad at industriyalisadong mga bansa na kung saan ang sektor ng industriya at paggawa ang mas madalas na bigyang pansin. Isama mo pa ang mababang pagtingin sa mga hanapbuhay na may kaugnayan sa sektor ng agrikultura na kung wala ang mga ito ay wala rin ang mga mangkok ng bigas at mga produktong galing sa tubig at lupa na nakakain sa araw-araw.

Isa tayong Agrikultural na bansa kaya dapat nating palaguin ang kung anong meron tayo at bago paunlarin ang ibang kakayahan matutong hubugin ang sariling talento. Malungkot mang isipin pero ang mga bansang asyano na nagaaral sa atin tungkol sa pagpapaunlad ngagrikultura ay sila na ngayon ang nangunguna sa pagluluwas ng bigas sa buong mundo. Sa kasalukuyan, isa tayo sa mga nangunguna pagdating sa pagaangkat ng bigas. Muli sanang pagtuunan ang larangan ngagronomiya na nagaaral sa pagpapaunlad ng ani at produktong sakahan.

9 comments:

  1. Denmark Manlusoc


    Sadyang isang mayamang bansa ang pilipinas napaka rami natung pwedeng pagkunan ng hanap buhay isa sa malaking sector ay ang agrikultura napaka yabong ng ating sector ng agrikultura, mag mula sa pag sasaka, pangingisda hanggang sa paghahayupan dadapwat sa nag lalakihang opotunidad sa ating bansa bakit nga ba tila hindi parin mabawasan ang dami ng mahirap na Pilipino, ayun sa akda maraming bagay ang nakakaapekto sa pagunlad ang ating bansa, ngunit kung ako ang tatanungin sa tingin ko tingin ko ang ating sariling gobyerno ang may pinaka malaking ambag sa pag baba ng ating bansa dahil sa dami ng mga opisyal na ang atung nais ay ang yumaman.

    Sana dumating pa anh panahin na tuluyan naring umahon ang Pilipinas
    Mula sa pagkakalugmok sa kahirapan at sana sa pgakakataong aasenso tayo ay makinabang ang lahat ng Pilipino

    ReplyDelete
  2. Ayon nga sa mga salitang nabanggit sa akda, napakayaman na sana ng ating bansa kung bibigyang diin lamang ng gobyerno ang aspetong agricultural ng ating bansa sapagkat saying nga naman ang lahat ng mga lupain na hindi natin ginagamit at ang mga lupain na patuloy na sinisira ng mga proyekto ng iba’t ibang mga kompanya. Dahil rin ito sa uri ng klima mayroon an gating bansa ngunit ang epekto nito ay lalong lumalakas dahil patuloy nating binabaliwala ang mga babala ng kalikasan sa atin.Sumasang-ayon ako sa mga nakapaloob sa akda sapagkat totoo ngang kapansin-pansin din na mababa ang tingin ng mga tao sa mga taong nagtatrbaho sa palayan. Tama rin na dapat mas lalo nating tuunin an gating pansin sa mga biyayang ibinigay sa atin ng panginoon at yoon ay an gating kakaiba at walang katumbas na kapaligiran. Sana nga ay muling makita ng mga mamamayan ang kagandahan ng mga trabahong agricultural at lalo pa itong ipalago upang madami ang magkaroon ng magandang buhay.

    ReplyDelete
  3. Totoo ngang mayaman ang bansang Pilipinas ngunit hindi ito naipapakita ng ating gobyerno; Sa nagdaan na mga taon isa-isa na sa mga malalaking personalidad na tao ang ikinukulong at kwinekwestyon ng senado dahil sa pagnanakaw ng kaban ng bansa, Nalulungkot ako sa porsyento ng agricultural loss na nangyayari sa bansa at karamihan sa ibang parte ng asya ay inuunahan na tayo isang dahilan rin ng kakulangan ng suporta sa agrikultura ay ang kakulangan ng resource at gamit, kumpara sa ibang bansa ay huling-huli natayo sa mga makabagong teknolohiya. Totoong nakakalungkot dahil kilala tayo bilang isa sa dapat na malalaking importers ng bigas at mangga sa ibang bansa; Sana muling maipakita at maipamulat sa mga mamayann na ganito ang estado ng Pilipinas at kailangan ito solusyunan

    ReplyDelete
  4. Kung ihahambing ang bansang Pilipinas sa mga karatig bansa nito ay makikitang mayaman ang Pilipas sa iba't-ibang klase ng sektor mapa agrikultura man o industriya, hindi maitatago iyon. Ngunit ang bagay lamang na itinatago ay ang mga opisyales at mga gobyernong gahaman na ninanakaw ang sariling yaman ng bansa. Imbes na paunlarin para sa bayan at sa mamamayang pilipino ay ninanakaw at ginagamit lang nila para sa pansariling inetres nito

    ReplyDelete
  5. Sa bansa natin puro patayo ng mga bagong building para sa negosyo pero ang kalikasan natin na pangunahin nating pinagkukunan ng yaman ay napapabayaan.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Lubos na mayaman ang ating bansa, ngunit kung iyong susuriin sa aspeto ng pagpapalago at paglilinang ng sariling atin ay wala tayong pagpapahalaga. karamihan sa atin ay mas gugustuhing kumita ng pera sa madaling paraan huwag lang mapagod o mabahiran ng dumi ang kanilang mga kamay. ang nag iisang kayamanan natin na dapat pagtuunan ng pansin ay nababalewala kaya napapakinabangan ng ibang. ang mga pilipino ay kilala bilang mga taong agrikultural mag isip pero ngayon ay nawalan ng saysay dahil narin sa ibat ibang kasanayan na nalilinang sa panahon ngayon.

    ReplyDelete
  8. Lubos na mayaman ang ating bansa, ngunit kung iyong susuriin sa aspeto ng pagpapalago at paglilinang ng sariling atin ay wala tayong pagpapahalaga. karamihan sa atin ay mas gugustuhing kumita ng pera sa madaling paraan huwag lang mapagod o mabahiran ng dumi ang kanilang mga kamay. ang nag iisang kayamanan natin na dapat pagtuunan ng pansin ay nababalewala kaya napapakinabangan ng ibang. ang mga pilipino ay kilala bilang mga taong agrikultural mag isip pero ngayon ay nawalan ng saysay dahil narin sa ibat ibang kasanayan na nalilinang sa panahon ngayon.
    -Jeralyn Cabual

    ReplyDelete