Lazada

Saturday, March 4, 2017

Cool Off Ni Jida Suzane Isaac

Cool Off
Ni Jida Suzane Isaac

Kalayaang iyong hiniling na sinabi mo'y para saatin din. Naaalala ko pa ang mga salitang iyong sinabi na paulit ulit winawasak ang masaya kong pagkatao. Pagmamahal ko laban sayong mga salitang nagpupumiglas.

Sa bawat gabing malamig, init ng yakap mo'y aking dalangin. sa isang kwartong puno ng tao, mukha mo ang aking hinihiling. Tanong ko lang, hanggang kailan ba? hanggang kailan ka ba magpapalamig para iyo muling hilingin ang init ng aking pagmamahal? Gaano kalayo ba ang distansyang iyong hinahangad para presensya ko'y iyo nang mapansin? Gaano katagal ang iyong paglalakbay tungo sa paghahanap ng nawawala mong sarili para malaman mong sa piling ko ika'y dapat nang umuwi? Gaano katagal ang aking hihintayin para puso mo'y lumipad muli papunta saakin?

Sa paglalakbay nating magkasama, mahal bakit mas pinili mo parin na mag isa?

1 comment:

  1. AKALA. Akala natin masaya na tayo, akala natin mabubuo ng isang tao ang ating pagkatao, akala lang pala natin yun. Hindi masasagot ng kasalukuyan ang kayang dalhin ng hinaharap. Darating ang oras na hahanapin natin ang isang bagay, ang ating sarili na akala natin ay natagpuan na natin.

    ReplyDelete