Lazada

Saturday, March 4, 2017

Aklat Ni Jizelle P. Juntayas

Aklat
 Ni Jizelle P. Juntayas

Sa pagbuklat ko ng mga pahina
 Aking unti-unting naaalala
 Kung bakit ikaw ay mahalaga
 Sapagkat ako'y iyong napapasaya

Ikaw ay laging nariyan
 Lagi akong handang damayan
 Sa oras man ng kalungkutan
 O sa panahon ng kasiyahan

Ikaw ang aking kasa-kasama
 Sa tuwing ako ay nag-iisa
 Ako'y iyong napapatawa
 Minsan nama'y napapaluha
 Dahil sa iyong mga salita

O mga mahal kong kabataan
 Bakit hindi kayo magbasa
 Upang lumawak inyong pang-unawa
 Sa mundong ating ginagalawan

10 comments:

  1. Bilang isang kabataan na mahilig magbasa ng mga aklat ng mga manunulat ng ating bansa, maraming ideya ang aking nakukuha. Tulad ng sumulat ng akda na ito, isa rin ako sa napapasaya ng mga aklat. Sang-ayon ako sa gustong iparating ng may akda na dapat din nating mahalin ang pagbabasa ng mga aklat dahil sa pamamagitan nito mas lumalawak ang ating kaalaman sa mundo.

    ReplyDelete
  2. Magandang pampalipas ng oras ang pagbabasa ng aklat. Isang mabisang paraan din ang ginawa ng sumulat ng akdang ito upang hikayatin ang maraming kabataang Pilipino upang magbasa ng akda. Naipahiwatig sa tula ang kahalagahan at mga bagay na makukuha naten kung tayo ay magbabasa ng aklat.

    ReplyDelete
  3. Maraming nasasabi sa atin ang isang aklat o libro. Pag tayo ay nagbabasa ng isang kwento ay parang nagkukwento ito ng tunay sa ating harapan. May mga bagay tayong mas naiintindihan at nauunawaan. Sa aklat, naiintindihan naten ito sapagkat nakakarelate tayo sa mga kwento nito.

    ReplyDelete
  4. Iba't ibang pagpapakahulugan ang naibibigay ng bawat mambabasa ng isang libro. Iba't ibang emosyon ang maaaring mamayani sa ating puso sa bawat pagbasa at pagsuri ng mga kwentong ating nababasa. Sa akdang ito, nais hikayatin ng manunulat ang bawat kabataan na magbasa't mawili sa mga kwentong nakalimbag. Nais ipadama ng manunulat ang kasiyahang kanyang nadarama sa tuwing nagbabasa siya ng aklat.

    ReplyDelete
  5. Sa ating modernong panahon kung saan marami nang paraan ng pampalipas oras, ang mga kabataan ay hindi na napapansin ang kahalagahan ng aklat. Maramim ay mas pinipili na lamang ang paggamit ng online applications kaysa sa aklat na mas magpapalawak ng pagiintindi at kaalaman ng mga kabataan. Maahusay ang pagkakagawa ng akda dahil sa mahalagang mensahe ng manunulat para sa mga modernong kabataan.

    ReplyDelete
  6. Kilala ang aklat na isang instrumento na kung saan ay dito tayo kumukuha ng mga impormasyon at mga kaalaman. Naipakita ng gumawa ng akda na hindi lamang ito ang naidudulot ng libro sa atin. Nagbibigay ito ng kasiyahan, kalungkutan, mga katatakutan at kapag wala kang kaibigan ay hindi mo mararamdaman na mag-isa ka kapag may libro kang dala-dala. Naipakita sa akda ang kahalagahan ng libro sa ating bansa at paghikayat sa mga kabataan na ang pagbabasa ay isang magandang uri ng libangan.

    ReplyDelete
  7. Marami ng paraan kung paano mapasaya ang sarili. Maraming pwedeng paglibangan. Ngunit ang libro ay madadala ang iyong kaalaman sa iba't ibang lugar. Maraming malalaman kapag-nagbasa at hindi ka nito iiwan sa kung saan.

    ReplyDelete
  8. dahil sa modernisasyon ng ating panahon ang mga aklat ay hindi na masyadong napapansin naririyan na ang mga copmputer cellphone at social media upang makapagbasa ng mga babasahin pero hindi alm ng iba na mas maraming impormasyon ang makikita lang sa aklat

    ReplyDelete
  9. halata naman sa awtor na mahilig siyang magbasa ng mga libro. sumasang-ayon ako na dapat ngang magbasa na lang tayo ng libro kesa kung ano ano ang ginagawa natin. malaki ang madudulot nito sa atin, marami pa tayong matututunan. sa panahon kasi ngayon, naluluma na lang ang mga libro at nanatiling naka imbak. nakakatuwa dashil may mga tao pa rin nakaka appreciate ng mga libro at hindi nagpapakain sa sistema ngayon.

    ReplyDelete
  10. Sumasangayon ako sa tulang ito. Napakahalaga sa atin ang mga libro. isa rin ako sa mga taong mahilig sa mga libro at alam ko na sa libro napakarami nating matututuhan. Ang pagbabasa sa mga libro ay napakagandang libangan. Nakalulungkot mang isipin ngunit tila nakakalimutan na ng nakakarami na mayroong mga libro na maaari natin asahan pagdating sa paghahanap ng mga impormasyon lalo na sa pag-aaral. Masyado na tayong nagiging tao ng social media. Isa ako sa makapagpapatunay na napakasarap at napakasayang mag basa ng libro lalo na kung ito ay nakatutulong sa iyo.

    ReplyDelete