Lazada

Saturday, March 4, 2017

NGITI ni April Pauline Tayoni

NGITI
ni April Pauline Tayoni

O sinta'y ang hirap mo mahagilap
Ngunit pag andyan ka naman ay parang nasa alapaap
Ako ito'y palihim na sumusulyap
Napapaisip kung mananatili ka na lang bang pangarap?

Ano nga ba iyong pangalan?
Hindi mawala mga ngiti mo sa aking isipan
Tibok sa 'king puso ay naghahabulan
Lalong nagwawala ang buong sistema ko sa tuwing ikaw ay masisilayan

Walang akong lakas ng loob ika'y lapitan
Ewan ko ba, okay na ko kahit sa malayo ka lang titigan
Basta buo araw ko kapag nakikita ang mukha mo.

27 comments:

  1. Nararamdaman ko ang nais ipahiwatig ng tula habang binabasa ko, tunay nga naman mahirap alisin sa isip ang taong iyong hinahangaan at minsan nga ay natotorpe ka na hinahayaan mo na lang na nakatago ang nararamdaman

    ReplyDelete
  2. Mahirap nga siya makalimutan, pero gustong gusto mo siya lapitan o kausapin wala ka namang magawa kase wala kang lakas ng loob

    ReplyDelete
  3. Mahirap talaga kapag ikaw ay may lihim na pagtingin sa isang tao, yung tipong gustong gusto mo siyang kausapin at lapitan pero hindi mo magawa kaya hanggang pagsulyap na lang ang ginagawa mo pag andyan siya. Kapag kayo talaga ang para sa isa't isa tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para kayo ay magkalapit. Sa ngayon gawin na lamang siyang isang inspirasyon sa ating pag aaral.

    ReplyDelete
  4. Kay saya isipin na sa pamamagitan ng pagtingin mo sa isang tao, doon na nabubuo ang tinatawag nating paglihim, ang sarap sa pakiramdam pag may taong humahanga at sumusuporta sayo maging sino ka man.

    DANIEL JOHN SANCHEZ

    ReplyDelete
  5. Isa sa pinaka masayang parte ng kabataan eh yung panahon kung kailan ka nagkakaroon ng paghanga o pagtatangi sa iyong kapwa. Pero isa rin sa mahirap na parte non eh yung hanggang tingin ka lamang sa kanya.

    ALLIAH GAIL A. BAUTO

    ReplyDelete
  6. Maraming nagsisimula sa isang lihim na pagtingin. Siya lamang ay nagiging inspirasyon mo o di kaya'y nagbibigay ng kaligayahan sayo. Mga simpleng katangian niya na hindi mo mawari kung bakit lubos ang 'yong paghanga. Ngunit may mga pagkakataon tayo sa buhay na kahit hanggang tingin lang niya ay masaya na tayo. Ewan ko kung bakit pero baka sapat na iyon para satin, baka tayo'y takot lang na mahulog at magtapat at sa huli'y masaktan lang. Kaya mananatili nalang na nakatago sa katotohanan.

    ReplyDelete
  7. Masarap makaramdam ng pagmamahal hindi ba? Siguro lahat naman tayo ay naramdaman na iyon, ngunit bakit minsan pangarap nalang natin? siguro may mga bagay na hindi talaga para sa atin ngunit itoy ating subukan dahil malay mo gusto kadin pala nya edi mas masaya ka pa lalo hindi ka makukuntento sa pasulyap-sulyap lang dba? Kaya GO! PUSH! wag panghinaan ng loob. hindi sapat ang sulyap kailangan may ganap :) PEACE!
    -Charles Coronel

    ReplyDelete
  8. lalong lalo di mawawala sa tao yan especially sa mga estudyante yung feeling na hanggang tingin kalang dahil wala kang lakas na loob na umamin sa nararamdaman mo sa kanya dahil iniisip mo na baka dedmahin kalang pero mas okay na yung umamin ka para atlis alam niya.

    ReplyDelete
  9. May mga bagay na dapat ilihim na lang, oo masasaktan ka sa una ngunit pag sinabi mo baka MAS masaktan ka pa.

    ReplyDelete
  10. Mga ngiti na hindi mo inaasahang makikita at magpapatibok ng puso mo... ang mga ngiting minamahal mo ng palihim. Ang pagasang mabuhay sa mundong ito ay hindi nabibilang kaya hanggat nasa harap mo pa ay aminin mo na bago pa maglaho ang lahat.

    ReplyDelete
  11. Minsan talaga ay humahanga tayo sa mga taong posibleng hindi man lang tayo kilala. Nakakahiya namang lapitan sila dahil baka mapahiya lang tayo. Pagkatapos ay iisipin mo na lang "Bakit ko ba naman kasi siya lalapitan? Wala rin naman akong masasabi sa kanya." Hanggang sa makuntento ka na lang sa lihim na pagsulyap. Pagkatapos ay iisipin mong okay lang naman iyon, normal lang naman ang humanga. Hays.

    Alyssa Kyle Walo

    ReplyDelete
  12. Wag mo na sabihin yang nararamdaman mo, masasaktan ka lang. Saka mag-aral ka na lang mabuti para umunlad ang Pilipinas

    ReplyDelete
  13. Torpe at busilak magmahal ang nagsulat nito. Mabuti ring umiwas sa sakit at makuntento na lamang sa ngiti. NGUNIT hindi natin alam baka ikaw rin ang dahilan ng mga ngiting iyon.

    ReplyDelete
  14. Ngiti ang isang instrumento sa pagiging masaya ng isang tao, nagdudulot na saglit na kasiyahan sa ating buhay dito ko nakita ang tunay na ibig sabihin ng salitang ngiti, dahil ang salitang ngiti ay mababaw na kahulugan ng kasiyahan na ekspresyon ng ating mga labi batay sa aking sariling pananaw.

    ReplyDelete
  15. Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman mahal ngunit hindi isang kaduwagan ang hindi mo pag amin ng nararamdaman mo sa isang tao. Malay mo takot lang sya o kuntento nang nakatingin lang sa taong mahal nya. Pero sana magkaroon ka na ng lakas nang loob na umamin dahil mas maganda ng sumugal kesa sa wala kang ginawa.

    ReplyDelete
  16. Tinugis nito ang mismong pusi o damdamin nang mambabasa, nang dahil sa natural at likas na sa atin na ang iba o karamihan ay ramdam ito. Isang magandang tula.


    JELYN MARIE CASA

    ReplyDelete
  17. Tinugis nito ang mismong pusi o damdamin nang mambabasa, nang dahil sa natural at likas na sa atin na ang iba o karamihan ay ramdam ito. Isang magandang tula.


    JELYN MARIE CASA

    ReplyDelete
  18. Ito siguro yung sa paghanga katulad na lamang sa mga babae isa itong uri ng pagsilay. Syempre marami sa atin na kapag nagkakagusto sa isang tao , makita mo lang sya na nakangiti o nasulyapan mo lang agad tayong kinikilig. Para sakin normal lang yon dahil ang pagkagusto ay isang uri ng paghanga sa isang tao na maaring may mga ugali o talento kang nagustuhan saknya

    ReplyDelete
  19. May mga bagay na inililihim ka katulad ng iyong paghanga sa taong iyong sinisilayan o lagi mong sinusulyapan ngunit wala kang lakas na sabihin ito. kahit masakit ang maglihim ng paghanga o pairog sa kanya mas masakit naman kung lalayuan ka nya kung nalaman nya may pagirog ka sa kanya

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  21. ganito talaga siguro kapag inlove ka o kaya humahanga ka sa isang tao,Napapangiti ka na lang tuwing makikita at makakausap mo siya. Minsan pa nga ay mas gumagand ang mood natin sa twing makikita natin sila o makakausap,kahit na badtrip tayo nung una o wala sa mood.

    ReplyDelete
  22. Ito siguro yung sa paghanga katulad na lamang sa mga babae isa itong uri ng pagsilay. Syempre marami sa atin na kapag nagkakagusto sa isang tao , makita mo lang sya na nakangiti o nasulyapan mo lang agad tayong kinikilig. Para sakin normal lang yon dahil ang pagkagusto ay isang uri ng paghanga sa isang tao na maaring may mga ugali o talento kang nagustuhan saknya

    ReplyDelete
  23. Mas mabuti nang alamin mo muna ang nararamdaman mo kaysa ikaw mismo ang bumaliktad dito. Mahirap nang sa simula mo lang nararamdaman ang mga ganyang bagay baka sa huli 'di pala sya para sa'yo. Mag muni-muni ka muna't tapusin ang mas mahahalagang bagay na mas bubuo sa'yo at sayong pamilya. Mas mabuti nang maging handa nang hindi magsisi sa huli dahil mas ok na unahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan.

    ReplyDelete
  24. pwede ka namang maging masaya kahit wala ka sa isang relasyon. Dahil pwede ka namang sumaya, kahit sa simpleng inspirasyon. At isa pa, mas ok na yung magkaroon ng isang inspirasyon kesa naman makunsume sa isang relasyon

    ReplyDelete
  25. Isang Paghanga kahit ako ay dumaan dyan. MIstulang nagsisilbi itong kasiyahan sa kaibuturan ng damdamin. Na nagbibigay kasiyahan pero kapag sumobra ay mali sa paningin.

    Chin chin Santos

    ReplyDelete
  26. Ganun tagala kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para mapangiti sya kahit na may nararamdaman ka sa kanya at hindi nya ito alam gusto mo kasi sya mapangiti sa mga jokes mo at humaba pa ang inyong pagkakaibigan.

    Jhon Fredd Orate

    ReplyDelete
  27. Lihim ng patignin nahihiya tayo masabi ng ng ating mararamdam sa isang taong atin nagugusto natatakot tayong sabihin ang katotohan natin pagtignin kasi alam natin tayo ay masasaktan lang.

    ReplyDelete