KAWAWANG MAMAMAYAN
ni Michael Bermundo
Pilipinas, bayan nating mayaman
Puno ng magagandang kalikasan
Kulturang humubog sa mamamayan
Iwan ay magandang kaugalian
Isang hindi malilimutang bagyo
Ang tumatak sa isipan ng bawat tao
At maituturing na isang delubyo
Na gumimbal sa buong mundo
Ang bagyong tinawag na Yolanda
Nagdulot ng matinding pagkasira
At malawakang pagbaha
Na naging dahilan ng pagluluksa
Mga damdamin ay nag-alab
Puso`t pag-asa`y biglang nawasak
Pangarap tila ba`y sumadsad
Pero pilit tumatayo sa sariling mga tindig
Sa pagdating ng delubyo
Nasaan ang ating gobyerno
Pati mga pondong nakolekta
Na tila nawala parang bula
Ang pagtulong ng gobyerno
Inaabot ng lingo
Kaya aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo
Denmark Manlusoc
ReplyDeleteAno nga ba ang nangyari sa mga tulo g na dumating sa ibang bansa? Naipamahagi nga ba ito ng tama? Umabot nga ba ito sa hapag ng mga nasalanta? O baka naman naitago na ng mga opisyal na nagtatago sa magandang imahe?
Nakakaawa ang mga kapwa natin Pilipinong hinagupit ay sinalanta ng bagyong yolanda napakarami ang namatay at napakarami naman ang nalagay sa isang malalang sitwasyon hanggang ngayon mababakas parin sa lugar ng leyte at samar ang delubyong iniwan ng bagyo ngunit nasan ang Gobyerno? Ma6 naitulong nga ba sila oh baka naman habang tumutulong ay may kasamang kamera para maipalabas sa telebisyon at makuha ang simpatya ng iba? Para sa darating na eleksyon may magaganit sila pang himok sa atensyon ng iba ganun nga ba talaga dahil kung ganu hindi pag tulong yon pang gagamit at pananamantala yon.
Ano na nga ba ng nagaganap sa ating bansa pati ba naman sa mga nasalanta kakaunting pagkain hi di pa maipamahagi gusto iimbak para sa sarili.
Sana ngay mag bago pa ang ganitong sistema dahil kung ganitong lang walang mangyayari lalo lamang tayong lulubog at mawawalan na ng kakayanang umahon pa
Binabati kita Michael Bermundo. Ako ay natutuwa dahil napakaganda ng iyong akda. Hindi mo man siguro naranasan ang hagupit ng bagyong Yolanda ay mulat naman ang iyong mga mata sa bulok na sistema ng ating gobyerno pagdating sa pamimigay ng tulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga ganitong pangyayari na nakakaranas tayo ng mga kalamidad sa ating bansa. Tunay ngang madami pang kailangan ayusin sa sistema sa ating bansa dahil ang mga mamamayan ay kawawa kung patuloy na ganito ang nangyayari.
ReplyDeleteNakita nmn natin anq paqkasira Ng bayan dahil SA agyonq Ito. Ngunit nadama ba anq paqkalinga nq atinq gobyerno. Nakatulong ba tlqa . Naibahagi ba nq maayus anq mqa naidonate Ng mqa Tao para mkatulonq SA kapwa ntinq mqa pilipino .
ReplyDeleteKyla Mendoza
kasiya siya ang aking nabasang akda hindi ko man tunay na naranasan ang lakas ng bagyong yolanda ay napansin ko naman ang mga mali at bulok na pamamaraan ng ating gobyerno.
ReplyDeletemakikita sa tulang ginawa ng awtor ang marxism na kung saan bay mayroong nagaganap na hindi pantay na pagtratao sa lipunan sapagkat tinitingnan ang estado ng buhay. napakatapang ni Michael na sumulat tungkol sa mga tiwaling gobyerno na walang ginawa kundi magpabango ng pangalan kahit umaalingasaw naman ang kabahuan. makikita mo sa akdang ito na ang mga Pilipino ay hindi sumusuko agad sa ganitong kalamidad.
ReplyDelete