Sa Isang Saglit
Ni Frances Michole Dizo
Ang papel napupunit
Ang mga ngiti'y nawawaglit
Maraming nagbabago sa isang saglit
Lahat ay nakararamdam ng sakit
Ang tao kapag napagod, nagpapahinga
Kapag nagkaproblema, natutulala
Kapag naiwan at nasaktan, naluluha
Mga bagay na mahirap harapin pag nag-iisa
Kung minsan sa dalamhati nakukulong
Iniwan mula sa pangakong ibinulong
Paano kung buhay ay hindi na sumulong?
Hindi sa lahat ng oras ay may tutulong
Paano na ang buhay kung walang sila at ikaw?
Sino na lamang ang sa umaga'y pupukaw?
Buhay ay gaano na lamang kababaw?
Paano kung wala ng ingay na aalingawngaw?
Isang simple ngunit napaka gandang tula. Ipinapabatid ng may akda na hindi lahat ng bagay, tao o pagkakataon sa mundo ay permanente. Dadating at dadating ang panahon na ang mga bagay na iyong nakasanayan ah bigla bigla at unti unti na lamang mawawala. Kaya dapat natin itong paghandaan at iwasan nating dumipende sa iisang bagay laman. Palawakin natin ang ating pag iisip at buksan natin ang ating puso para sa lahat ng posibilidad sa buhay.
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na walang permanente sa mundo. Siguro nga kailangan natin malaman ang totoo. Katotohanang may aalis at may bagong dadating.At katotohanang babawiin Niya ang buhay natin
ReplyDeleteIsang katotohanan na walang permanente sa mundo ngunit katotohanan rin na kailangan natin ng pagbabago. Sapagkat sa pagbabagong ito tayo matututo at mahuhubog ang pagkatao dala ng mga aral, saya, sakit at lungkot.
ReplyDeleteNakakalungkot ngunit ito ay ang katotohanan. Walang permanente sa mundo ika nga. lahat nawawala, lahat nasisira. ultimo buhay natin ay hiram lang. kung kaya't habang tayo ay nabubuhay pa, gumawa tayo ng mabuti at siguradong maaalala ng kahit na sino.
ReplyDeleteSa isang saglit ay marami talagang magbabago dahil walang permanente sa mundo kundi pagababago kaya kung ano man ang meron ka ngayon ito ay pahalagahan dahil di mo alam kung kailan yan mawawala.
ReplyDeleteIsa itong patunay na ang lahat ng bagay ay maaaring mawala sa isang saglit lang kaya dapat ay pahalagahan natin ang mga ito hangga't kaya natin. Hindi natin alam kung kailan ito mawawala, tulad na lamang ng kasikatan at pera. Dapat mas pahalagahan natin ang pagmamahal at oras pagkat hindi na natin Ito mababawi.
ReplyDeleteMahusay ang naging pagsulat ng akda. Naiparating niya ang mensahe na hindi natin dapat ipagsawalang bahala ang mga maliliit na bagay. Napakaganda ng paalala ng manunulat: Ang papel napupunit. Ang buhay ay napaikli at walang kasiguraduhan. Hindi natin alam kung kailan magtatapos ang isang kwento, kailan masisira ang isang bagay o kailan magkakaroon ng pagbabago. Hindi natin dapat ipagsawalang bahala ang mga maliliit na bagay. Ang mga bagay na ating nakikita, naririnig, nhahawakan at nararamdaman ay maaaring mawala sa kahit anong oras.
ReplyDeleteIsang nakakapag buntong hiningang akda na parang ang nais iparating ay walang permanente sa mundo at dapat pahalagahan ang mga bagay na nandyan pa at di pa nawawala dahil malalaman lang natin ang halaga pag ito ay wala na
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo. Ngunit sana sa mga pagbabagong ito, ay maging aral sa atin. Ang nakaraan nati'y gawing aral para sa kasalukuyan. At ang kasalukuyan ang maging sandata sa hinaharap. Matutong bigyan ng halaga at oras ang bawat bagay dahil ano mang oras ay maaring mawala ito sayo ng hindi mo namamalayan.
ReplyDeletehindi lahat ng bagay ay permanente dahil dito nainiwala akong walang permanenteng tao,bagay o kung ano man iyan ang permanente dito sa mundo. lahat nagbabago kaya dapat wag nating masyadong ilapit ang ating loob sa lahat ng bagay na alam nating magbabago.
ReplyDelete