Lazada

Saturday, March 4, 2017

Maskara Ni Anthony Macawile

Maskara
Ni Anthony Macawile

Paraang tanging alam ko,
Tunay na nararamdaman.
Paraang maitatago,
Tunay na mukha.

Minsa'y masaya,
Minsan nama'y malungkot.
Pabago bagong ekspresyon,
Tungo sa kasinungalingan.

Totoong ikaw nasaan ka?
Na mas kinakailangan.
Para sa sarili
At hindi para sa iba.

16 comments:

  1. Madalas ginagamit ang maskara para ipakita mo ang gustong makita ng ibang tao, ngunit tama nga ba ito? Iniiba mo ang sarili upang magustuhan ng ibang tao. Pinapakitang masaya ka kahit sa loob loob mo gusto mo ng umiyak. Sa labas ng iyong maskara'y okay ka pero sa loob nito, hindi mo na kaya. Mahirap mag panggap at magkunwaring nasa tama pa ang lahat.

    ReplyDelete
  2. Sumasang ayon ako sa akdang ito dahil bilang tao mas nangingibabaw sa atin ang takot. takot na mas makilala ka ng iba, takot na pangunahan ka, takot na baka mahusgahan ka ng iba. dahil sa tayoy nasa mundong mapang husga. kaya para maiwasan ang lahat ng takot na ito, mas pinipili nating magtago sa maskara. Sa maskara na nakikita ng iba na ito ay maganda, masaya, walang pakialam, walang takot na nararamdaman. ngunit kahit na anong tago ang gawin natin ay lalabas at lalabas ang tunay nating pagkatao.

    ReplyDelete
  3. Lubos akong sumasang ayon sa akdag ito. Bakit? Mahirap magpanggap sa iba Pero nakakayanan natin. Nakakayanan nating humarap na iba ang ating pagkatao.Ngunit tayo ba'y masaya? anong mas pipiliin mo, kasayahan ng iba o kasayahan mo? Nasa sa atin na ito kung tayo ay magpapakatotoo. hindi lang sa iba kundi pati na rin sa ating sarili.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Naipahayag nang mabuti ang saloobin ng manunulat hinggil sa katauhan nito na makikita naman natin sa tulang kaniyang ginawa. Mayroon tayong iba't ibang katangian na nasa atin kaya't kung minsan ay nalilito na tayo sa sarili natin kung sino ba talaga tayo. Dapat ay mas kilalanin natin ang ating sarili dahil makakabuti ito sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin. Huwag pabayaang husgahan tayo ng ibang tao.

    EDRIAN O. PABONA STEM 24

    ReplyDelete
  6. Lahat tayo ay may sariling maskara; walang tao ang hindi dumaan sa pagpapanggap normal lang sa isang tao ang hanapin ang tunay na siya ngunit ang iba ay gumagamit ng maskara para lang maging matapang dahil rin sa rason niyang maging parte sa agos ng buhay, Lubos akong sumasang-ayon sa akdang ito ipinapakita dito ang tunay na karanasan ng isang tao sa lipunan kung saan kailangan mong maki-isa at maging perpekto

    ReplyDelete
  7. Sumasang ayon ako rito sapagkat sa tingin ko ay marami ang nakakaramdam ng nais ipahibatid ng manunulat. Gumagamit tayo ng maskara upang itago ang totoo nating nararamdaman at ipakita sa ibang tao ang ekspresyon na gusto lamang nila makita. Kaakibat na rin dito ang takot na hindi nila tayo matanggap ang totoong tayo kaya nagsusuot tayo ng maskara.

    ReplyDelete
  8. Ganito tayong mga tao, pilit na ikinukubli sa mga maskarang nakangiti ang ating mga nararamdaman, natatakot na baka tayo ay makutya, nahihiya na baka tayo ay pagtawanan mas isinasaalang-alang ang sasabihin ng iba kaysa sa tunay na nararamdaman
    -Arcilla, Alliah Gayle B.

    ReplyDelete
  9. Sa pagharap natin sa iba't ibang tao, iba't ibang mukha ang ating ipinapakita sa kanila. Karamihan ay nakakakita ng ating ngiti, at kaunti ang nakakakita ng kalungkutan. Sa ating takot na makita ng iba ang totoong sarili, pilit nating ikinukubli ang ang ating totoong mukha at nararamdaman kung kaya’t tayo ay nahihirapang hanapin ang tunay na sarili. Para sa akin, ipanapahiwatig ng akdang ito ang tiwala na maaaring dahilan kung bakit nga ba tayo nagsusuot ng maskara sa pagharap sa ibang tao at hindi maipakita ang ating tunay na sarili.

    ReplyDelete
  10. Iba't ibang katauhan ang ating ipinapakita depende sa taong ating kaharap. Ngunit sa dami ng mga maskara na ating ginagamit, hindi na rin natin alam sa ating sarili kung sino nga ba talaga ang totoong 'tayo'. Maraming tao ang nagkakaroon ng ganitong problema dahil na rin sa mga itinatagong personal na problema.

    ReplyDelete
  11. Ako’y nagalak sa paggamit ng awtor ng Maskara bilang instrumento ng pagtatago ng kung ano ang tunay nitong nararamdaman at kung sino ba talaga siya. Marami ang ganito sa panahon ngayon, nag-iba ng pagkatao upang magustuhan ng ibang tao. Ang pagpapakatotoo ay nagpapakita ng kalayaan at tiwala sa sarili. Hindi mo kailangang itago lahat ng bagay na ayaw ng tao sa iyo dahil wala silang magagawa dahil ikaw yun. Ang pagtanggap sa sarili ay pagpapakita ng pagmamahal sa sarili. Sa parehong sitwasyon, may mga taong nagtatago ng kanilang tunay na nararamdaman. Ang mga taong akala mong masayahin ay maaaring may itinatagong lungkot sa puso at problema na hindi niya masabi sa iba. Sa kabila ng lahat, lahat tayo ay nagsusuot ng maskara sa iba’t ibang sitwasyon at ang lahat ng ito ay may malaking rason.

    ReplyDelete
  12. Napakabigat ng mensahe ng akda. Kung isa ka sa mga taong gumagamit ng maskara para makisalamuwa sa iba ay mali ka dapat ipakita ang yung sarili at wag magtago sa likod ng maskara na pumipigik satin upang mas umunlad at umusbong ang ating sarili

    ReplyDelete
  13. Walang sinuman ang hindi pa nakaranas ng ganito, ang gumamit ng maskara upang itago ang tunay na nararamdaman. Ito lang ang alam nating mas mainam na paraan upang masabi nating tayo ay masaya, masaya para mapasaya ang iba, masaya para mawala ang lungkot na nadarama, masaya para lang masabi na masaya ka. Sa palagiang pagtago ng ating tunay na nararamdaman hindi natin naiisip na pati sarili natin ay naloloko na. Sana dumating ang araw na ang bawat ngiti na ating ipinapakita ay maging totoo na, hindi para sa iba kundi para sa ating sarili šŸ˜Š

    ReplyDelete
  14. Ugali na ng tao yun e. HAHA. Plastic. Kaya pati nararamdaman. Pinaplastic nadin. Ganon talaga pag may gusto kang itago. Nasasaktan ka pero ayaw mong ipakita. Ilang maskara ba ang meron ka? Siguro mas magandang ipakita mo yung tunay na ikaw. Kasi tatanggapin ka naman ng taong gusto ka kahit ano pa ang iyong tunay na pag uugali. Doon ka kung saan ka masaya.

    ReplyDelete
  15. ang awtor ay marahilo nakakaranas ng matinding depresyon. sa panahon ngayon ang mga tao ay tinatago ang totoong damdamin. pinipili nilang sarilihin ang problema at magpanggap na masaya para hindi siya magmukhang mahina. mahirap yan sapagkat may pagkakataong nararanasan ko iyan kaya alam ko ang pakiramdam ng awtor.

    ReplyDelete
  16. Simple pero may malalim na kahulugan. Normal sa ating mga tao ang magtago, magtago ng mga sikreto, ideya, nararamdaman, at maging ang totoong tayo. Bakit nga ba? paniguradong maraming dahilan pero ako, ang isang dahilan ko sa pagtatago sa maskara ng isang maamo, masaya, at walang problemang mukha ay ang lipunan. Dahil sa mapanghusgang lipunan. Pero kahit alam kong mali akin itong patuloy na ginagawa. Kaya sana magkaroon na akong ng pagkakataong maihayag at mailabas ang tunay na ako.

    ReplyDelete